TULOY ang pagpapatupad ng Proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa iginawad na amnestiya kay Senador Antonio Trillanes IV. Ibinasura ng Korte Suprema ang hirit na temporary restraining order (TRO) ni Trillanes para ipatigil ang implementasyon ng Proclamation 572. “There is no legal impediment now to implement Proclamation 572. He had his day in court and he failed,” ani Presidential Spokesman …
Read More »Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa
INILINAW ni Pangulong Duterte na wala talagang bisa ang amnestiya na iginawad kay Trillanes ng administrasyong Aquino dahil si dating Defense Secretary Voltaire Gazmin lang ang nagrekomenda at nag-aproba at hindi si dating Pangulong Aquino. Nakasaad aniya sa Konstitusyon na tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihan sa pagbibigay ng amnestiya at hindi puwedeng ipasa sa miyembro ng gabinete. Ang …
Read More »Hamon sa Magdalo: Patalsikin n’yo ako — Duterte
HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Magdalo Group o ang pangkat ng mga sundalong kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes IV, na patalsikin siya sa puwesto kung bilib sila sa senador. Sa kanyang tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na isinahimpapawid sa government-controlled PTV4, hinikayat niya ang mga sundalong naniniwala kay Trillanes at dating Pangulong Benigno Aquino IV na magpunta …
Read More »5 kasunduan nilagdaan ng PH, Jordan
AMMAN – Limang kasunduan ang nilagdaan kahapon ng mga opisyal ng Filipinas at Jordan na lalong magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa. Kabilang sa mga kasunduan ang Memorandum of Understading (MOU) on Political Consultations, between the Ministry of Foreign Affairs and Expatriates of Jordan, and the Department of Foreign Affairs of the Philippines; MoU on Defence Coope-ration between the Jordan …
Read More »Duterte napa-wow sa disaster response ng Israel
JERUSALEM – Napahanga si Pangulong Rodrigo Duterte sa Disaster Response and Rehabilitation Presentation dito sa Israel. Sa nasabing demonstrasyon ng Magen David Adom (MDA), ipinamalas ng rescuers ang kanilang bilis, efficiency at modernong kagamitan sa pagsasagawa ng rescue operations kapag may sakuna gaya ng pagpapasabog. Sinabi ni Pangulong Duterte, nakare-relate ang Filipinas sa ganitong sitwasyon dahil hindi “exempted” ang bansa …
Read More »US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)
JERUSALEM – Mabubunutan ng tinik ang mga Filipino caregiver na nais magtrabaho sa Israel matapos lagdaan kamakalawa ang kasunduan para mabawasan ng US$12,000 ang binabayarang placement fee. Lubos ang naging pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kanilang makataong pagtrato sa halos 28,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi …
Read More »Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo
JERUSALEM – Batid ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na depektibo ang amnestiya na ibinigay niya kay Sen. Antonio Trillanes IV at iginawad ito dahil kakampi niya ang senador. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, political accommodation ang dahilan nang pagkakaloob ni Aquino ng amnestiya kay Trillanes kahit hindi sinunod ng senador ang requirements para makakuha nito. Nanindigan ang …
Read More »Utos ni Duterte: Trillanes ibalik sa kulungan
JERUSALEM – Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng legal na paraan upang maaresto at maibalik sa kulungan si Sen. Antonio Trillanes IV. Dalawang araw bago nagtungo sa Israel si Pangulong Duterte ay nilagdaan niya ang Proclamation 572 na nagpawalang bisa sa amnestiya para kay Trillanes dahil …
Read More »Holocaust victims kinilala ni Duterte
JERUSALEM – Nagbigay-pugay si Pangulong Rodrigo Duterte sa milyon-milyong Hudyo na nagbuwis ng buhay noong Holocaust ng World War III. Nag-alay ng mga bulaklak si Pangulong Duterte kahapon sa Yad Vashem Holocaust Memorial Center sa Remembrance Center, ang pinakamalaking himlayan ng mga biktima sa Israel. Kasama ng Pangulo ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at iba pang …
Read More »Utos ni Duterte sa DILG: Bodega ng rice hoarders salakayin!
JERUSALEM – Pagsalakay sa mga bodega ng bigas ng pinaniniwalaang rice hoarders ang nakikitang solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matuldukan ang kapos na supply ng bigas sa bansa. Sa mini-cabinet meeting na ginanap sa eroplano habang patungo sa Israel si Pangulong Duterte at kanyang opisyal na delegasyon, inutusan niya si DILG Secretary Eduardo Año na pangunahan ang pagsalakay sa …
Read More »Relasyon ng PH sa Arab nations ‘di apektado
WALANG epekto sa relasyon ng Filipinas at ng ibang bansa ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa 2-5 Setyembre. Ito ang tiniyak ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella sa pre-departure briefing sa Palasyo kahapon. Batid aniya ng Filipinas ang sentemyento ng Arab countries na hindi kinikilala bilang isang hiwalay na estado ang Israel. Ayon kay Abella, nakamit na …
Read More »Ahensiya ng bigas mabubuwag
MALAPIT nang mabuwag ang National Food Authority (NFA) kapag naaprobahan ang batas na magpapahintulot sa pribadong sektor na mag-angkat ng bigas upang lumaki ang supply sa bansa. “Well, ito naman po ang direksiyon na tinatahak natin, dahil iyong panukalang batas na tariffication po [ay naipasa], mawawalan po talaga ng saysay na ang NFA,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque kahapon, …
Read More »Anak ni Kabayan, inilipat ng puwesto
TINANGGAL sa Department of Tourism si Undersecretary Katherine de Castro ngunit inilipat din agad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang posisyon sa pamahalaan. Nasangkot sa isyu ng katiwalian sa DOT si De Castro sa isyu ng mahigit P60-M advertisement fund ng kagawaran na ibinayad sa Bitag Media na pag-aari ng kapatid ni dating Tourism Secretary Wanda Teo Tulfo na si …
Read More »Maraming ‘Ninoy’ kailangan ng bansa — Duterte
KAILANGAN ng Filipinas ng maraming “Ninoy Aquino” upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan. “In this time of real and lasting change, we need more citizens like him so we can steer our country towards the direction where a brighter and better future awaits us all,” ayon sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-35 anibersaryo nang pagpaslang kay dating Sen. …
Read More »Israel tutulong sa kontra terorismo sa Ph
MALAKI ang maitutulong ng Israel sa Filipinas sa paglaban sa terorismo. Ito ang inihayag ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa benepisyong makukuha nang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa susunod na buwan. Paliwanag ni Go, may anti-terror capabilities ang Israel na maaaring ibahagi sa Filipinas na makatutulong sa pagsugpo ng pamahalaan sa matagal nang …
Read More »Duterte nasa kama ‘di na-coma — Palasyo
READ: ChaCha patay na — Pichay NASA kama at hindi na-coma si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang tugon ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Joma Sison na comatose si Pangulong Duterte mula noong Linggo ng gabi. Ayon kay Go, nagpapahinga lang at hanggang alas-dos ng madaling-araw …
Read More »OSHB ‘tribute at pagkilala’ sa obrero
MAGKAKAROON ng dagdag proteksiyon ang mga obrero sa nakatakdang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging batas ang Occupational Safety Health Bill ano mang araw ngayong linggo. Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go, layunin ng batas na matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa sa mga lugar na pinagtatrabahuan at mapanagot ang kanilang mga amo sakaling magkaroon …
Read More »Lucky 9 ng Hukbong Pagbabago isasabak sa Senado
SIYAM na kandidato sa pagka-senador ang isasabak ng Hugpong ng Pagbabago sa 2019 midterm elections. Tinukoy kamakalawa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang bubuo ng senatorial slate ng HNP na sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Presidential Spokesman Harry Roque, Senators Cynthia Villar, JV Ejercito at Sonny Angara, Reps. Pia Cayetano at Zajid Mangudadatu, Ilocos Norte …
Read More »Shame campaign vs corrupt officials ilalarga ng Palasyo
BIBIGYAN ng kahihiyan ng Palasyo ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na hindi nila malilimutan. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, gagawing roll call type ang paraan ng Palasyo sa pag-anunsiyo ng pangalan ng mga taong sangkot sa korupsiyon. Mangyayari aniya ito sa mga isasagawa niyang press briefings sa Palasyo. Ayon kay Roque, marami pa kasing mga opisyal ng gobyerno …
Read More »600% jail congestion rate inamin ng DILG
UMABOT na sa 600% ang congestion rate sa mga bilangguan sa buong bansa bunsod nang walang tigil na kampanya kontra illegal drugs. Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año sa press briefing sa Palasyo kahapon. Aniya ang pang-isahang selda ay naglalaman ng anim na detainees dahilan upang magsiksikan ang mga nakakulong. Sa datos …
Read More »27 ghost barangays sa Maynila lagot sa DILG
HINDI sasantohin ng Palasyo ang mga katiwalian sa pamahalaan, lalo na ang napaulat na P108.73-M ghost barangays anomaly sa Maynila. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año, iimbestigahan niya ang Commission on Audit (COA) report na may 27 ghost barangays sa Maynila na binigyan ng P108.733-M mula sa real …
Read More »Nakalusot na ‘P6.8-B shabu’ espekulasyon — Palasyo
READ: PDEA, BoC magkasalungat sa drug smuggling sa magnetic lifters TINAWAG na espekulasyon ng Palasyo ang ulat na naipuslit sa bansa ang may P6.8 bilyong halaga ng shabu. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit nakaaalarma ang pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino na nakalusot sa Bureau of Customs ang halos 1,000 kilo ng shabu na …
Read More »20 AFP officials sinibak ni Duterte
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines-Health Services Command dahil sa talamak na korupsiyon sa V. Luna Medical Center. Iniutos ni Pangulong Duterte na tanggalin sa puwesto at agad isailalim sa court martial sina Brig. Gen. Edwin Leo Torrelavega, pinuno ng AFP-HSC, at Col. Antonio Punzalan, commander ng V. Luna Medical Center. Sinabi …
Read More »Balangiga Bells ibabalik ng kano Palasyo natuwa
IKINATUWA ng Palasyo ang pahayag ng US Defense Department na planong ibalik ng Amerika ang makasaysayang Balangiga Bells sa Filipinas. “We have been informed of the announcement by the US Department of Defense about the Balangiga Bells. We welcome this development as we look forward to continue working with the United States Government in paving the way for the return …
Read More »P120-M ayuda sa sinalanta ng baha
READ: Bangkay inanod sa Marikina READ: Lola, lolo nalunod sa Kyusi READ: Baha sa Metro Manila humupa na: Red alert nakataas pa rin — NDRRMC UMABOT sa P120 milyones ang halaga ng ayudang naipamahagi ng gobyerno sa mga sinalanta ng baha bunsod nang walang puknat na pagbuhos ng ulan sa nakalipas na dalawang araw. “As of 6am, 11 August, a …
Read More »