Sunday , October 1 2023
arrest prison

600% jail congestion rate inamin ng DILG

UMABOT na sa 600% ang congestion rate sa mga bilangguan sa buong bansa bunsod nang walang tigil na kampanya kontra illegal drugs.

Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año sa press brief­ing sa Palasyo kaha­pon.

Aniya ang pang-isahang selda ay naglala­man ng anim na detainees dahilan upang magsik­sikan ang mga nakaku­long.

Sa datos na hawak ni Año, may 111,000 preso ang tinaguriang deprived of puberty at 70,000 ay naha­harap sa drug-re­lated cases.

Malaki aniya ang naging epekto nito sa anti-crime drive ng gobyerno upang makamit ang 21 percent reduction sa crime volume ngayong taon gayong marami ang nabawas sa mga poten­siyal na masasamang elemento na makagawa ng krimen na may kaug­nayan sa droga.

Binigyan diin ng kal­ih­im, malaki ang naitul­ong ng war on drugs ng administrasyong Duter­te sa 21% pagbaba ng antas ng kriminalidad sa bansa.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *