Sunday , October 1 2023
Manila brgy

27 ghost barangays sa Maynila lagot sa DILG

HINDI sasantohin ng Palasyo ang mga katiwa­lian sa pamahalaan, lalo na ang napaulat na P108.73-M ghost baran­gays anomaly sa Mayn­ila.

Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año, iimbesti­ga­han niya ang Com­mission on Audit (COA) report na may 27 ghost barangays sa Maynila na binigyan ng P108.733-M mula sa real property tax (RPT) shares.

“Magka-conduct tayo ng investigation diyan sa mga report na ‘yan. Alam n’yo naman ang ating emphasis sa administ­rasyong ito, corruption. So wala tayong sasantohin dito. We just need  the information, the data, and we will launch an investigation,” sabi ni Año.  Ipinagmalaki ni Año na may 250 lokal na opisyal ang sinisiyasat ng inilunsad na Bantay Ka­agapay ng DILG base pa lamang sa mga rekla­mong idinulog sa 8888 at mga report mula sa “field.”

“For your informat­ion, we launch the Bantay Kaagapay or Bantay Ku­rapsyon and we have about 250 local chief executives that are being investigated now just based from the com­plaints sa 8888 at sa mga information na naku­kuha namin from the field. Dito wala tayong sasantohin dito,” giit ni Año.

Tiniyak ni Año na tutulungan ng DILG si Pangulong Rodrigo Dut­er­te na walisin ang koru­psiyon at illegal drugs.

“Sabi nga ng Pre­sidente, isa lang ang gusto niyang ma-achieve sa administration na ito, mawala ‘yung corruption at saka ‘yung drugs. So gagawin natin ‘yan,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *