Thursday , January 20 2022
The National Food Authority (NFA) rice warehouse photohographed in Quezon City, the Philippines, on Wedensday,march 9, 2011. Photographer: Edwin Tuyay/Bloomberg News

Ahensiya ng bigas mabubuwag

MALAPIT nang mabu­wag ang National Food Authority (NFA) kapag naaprobahan ang batas na magpapahintulot sa pribadong sektor na mag-angkat ng bigas upang lumaki ang supply sa bansa.

“Well, ito naman po ang direksiyon na tina­tahak natin, dahil iyong panukalang batas na tariffication po [ay naipasa], mawawalan po talaga ng saysay na ang NFA,” ayon kay Pre­sidential Spokesman Harry Roque kahapon, bilang tugon sa pana­wagan ng ilang mam­babatas na buwagin ang NFA.

Napaulat na nagsa­gawa ng fumigation ang NFA sa daan-daang li­bong sako ng bigas na may bukbok dahil sa init sa barko na bumiyahe mu­la Thailand kaya na-delay ang pagdiskarga sa Subic Bay Freeport at Tobacco City, Albay.

Ang liberalisasyon ng importasyon ng bigas, ayon sa Department of Finance (DOF), sa pama­magitan nang pagpasa sa rice tarrification bill, ay mahalaga upang maka­agapay ang mahihirap sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo ng bigas.

Giit ni Roque, mara­ming dapat ipaliwanag ang NFA at hindi katang­gap-tanggap na bukbok ang dahilan kaya naan­tala ang pagdiskarga ng daan-daang libong sako ng bigas mula Thailand.

“Sinabi na po ng NFA na bagama’t may bukbok iyan ay mayroon naman pong remedyo diyan. Hindi po namin sinasabi na katanggap-tanggap iyan. Ang sinasabi nila ay dahil daw po sa patuloy na pag-ulan. Pero sa tingin ko marami pa rin talagang dapat i-explain ang NFA kung bakit natagalan sila sa pag­baba,” sabi ni Roque.

Umabot sa P70 kada kilo ng bigas sa ilang lugar sa bansa bunsod ng kakulangan ng supply.

(ROSE NOVENARIO)


Solon nanawagan: NFA chief resign
Solon nanawagan: NFA chief resign

About Rose Novenario

Check Also

NTC suportado sa pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

SINUPORTAHAN ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) …

Cha-cha ipaubaya sa sunod na kongreso — Rodriguez

HINIMOK ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang mga kasamahan niya sa Kongreso na ipaubaya …

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

Sa ‘viral video’ ng ambush sa Montalban
HATAW RIZAL REPORTER TINAKOT, BINANTAAN NG CYBERLIBEL

DUMARANAS ng banta sa kanyang seguridad ang isang news reporter ng HATAW D’yaryo ng Bayan …

012022 Hataw Frontpage

Hiling sa AMLC
‘MONEY LAUNDERING’ SA ‘PHARMALLY’ BUSISIIN

ni ROSE NOVENARIO BIGLANG YAMAN ang mga personalidad na sangkot sa Pharmally controversy na nabisto …

Imee Marcos

Tallano gold, Yamashita treasure itinanggi ni Imee

URBAN legend! Ganito tinawag ni Sen. Imee Marcos ang mga kuwento tungkol sa pagkakaroon ng …

Leave a Reply