Wednesday , April 16 2025

Rose Novenario

Duterte nagbabala sa pasaway na foreign vessels

NAGBABALA si Pangu­long Rodrigo Duterte na hindi magugustuhan ang magiging trato ng go­byerno ng Filipinas kapag hindi kumuha ng permiso ang foreign vessels kung maglalayag sa Philippine waters. “To avoid misunder­standing in the future, the President is putting on notice that beginning today, all foreign vessels passing our territorial waters must notify and get clearance from the proper government autho­rity …

Read More »

Autopsy sa casualty ng police ops pabor sa Palasyo

HINDI hahadlangan ng Palasyo ang panukala ni Senador Francis Pangilinan na gawin nang mandatory ang pagsasagawa ng autopsy sa mga napapatay sa police operation na nasa ilalim ng questionable circumstances. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaya si Pangilinan na maghain ng mga panukalang batas na sa tingin niya ay makabubuti sa bansa at hindi makikiaalam ang ehekutibo sa …

Read More »

Palasyo duda na sa nakaiiritang ‘Friendship’ ng China

PHil pinas China

HINDI gawain ng isang kaibigan ang paulit-ulit na pagdaan ng Chinese Navy sa Sibutu Strait nang walang pahintulot ang Filipinas. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sang-ayon ang Palasyo sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaiirita na ang ginagawa ng China. Ani Panelo, maaaring paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginagawa …

Read More »

2 Cabinet members nakasalang sa PACC

DALAWANG miyembro ng gabinete ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa umano’y pagka­kasang­kot sa katiwalian. Ayon kay PACC commissioner Greco Belgica, matatapos sa Oktubre ang kanilang pagsisiyasat sa dalawang cabinet members na hindi niya pinangalanan. Isusumite aniya ng PACC kay Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon at kung kinakailangan ay irerekomenda nila sa Ombudsman na sampa­han ng …

Read More »

Hong Kong iwasan muna — Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa mga Filipino na ipagpaliban muna ang pagpunta sa Hong Kong dahil sa nagaganap na kilos-protesta roon. “Kung gusto mong pumunta ngayon sa Hong Kong, this is not the right time to go there kasi ‘yong flight mo biglang naka-cancel. E ‘di avoid muna going there. That’s the advice. Kasi you’re not sure whether you’re going to …

Read More »

P200 bawas sa 200 kW konsumo ng koryente (RA 11371 nilagdaan ni Digong)

AABOT sa halos P200 ang mababawas sa buwa­nang bill ng mga con­sumer na kumukon­sumo ng 200 kilowatt hour sa paglagda ni Pa­ngulong Rodrigo Duter­te sa Republic Act 11371 o Murang Kuryente Act. Batay sa bagong batas, mababawasan ang singil sa koryente sa pa­ma­magitan ng paglalaan ng pamahalaan ng net government share mula sa Malampaya fund upang ipambayad sa utang ng …

Read More »

Pulis sa unibersidad ‘di solusyon laban sa rekrutment ng kaliwa

CPP PNP NPA

HINDI mapipigilan ng presensiya ng mga pulis sa mga esku­welahan ang pagrerekrut ng mga bagong miyembro ng mga maka­kaliwang grupo. Naniniwala si Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang paglaganap ng krimen ang puwedeng maiwasan sa pagka­karoon ng mga pulis sa mga paaralan pero ang recruitment ng leftist groups ay hindi dahil lihim ang pangangalap ng kanilang kasapian. “Ang presence ng …

Read More »

‘Regalo’ sa pulis kung hindi suhol okey lang — Palasyo

pnp police

NANINDIGAN ang Palasyo na walang masa­ma sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis gaya ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, eksempsiyon sa anti-graft provision ng Republic Act No. 3019  kung ang isang regalo ay kusang ibinigay ng mga taong nabigyan ng tulong ng mga pulis at hindi bilang suhol kundi bilang isang token …

Read More »

‘Pagmaltrato ng amo sa 27-anyos Chinese nat’l pinaiimbestigahan ng Palasyo sa PNP (Patay nang mahulog mula 6/F)

pnp police

INATASAN ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang kaso ng namatay na 27-anyos Chinese national na nahulog sa ika-anim na palapag ng isang gusali sa Pamplona Dos sa Las Piñas City noong Biyernes. Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nakababahala ang naturang ulat lalo’t nakaposas pa umano ang biktimang si Yang Kang. Pinatutugis ng Pa­ngu­lo …

Read More »

Sakripisyo sa ikabubuti ng marami mensahe ni Duterte sa Eid’l Adha

UMAASA si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawa ng personal na sakripisyo ang publiko para sa ikabubuti ng mas nakararami. Sa kanyang mensa­he sa paggunita ng Eid’l Adha o ‘Festival of Sacrifice,’ sinabi ng Pangulo, ang malalim na pananampalataya ang pagkukusa ni Ibrahim (Abraham) na ialay ang buhay ng kaniyang anak na lalaki para sundin ang kautusan si Allah. Ang Eid’l Adha ay …

Read More »

Malasakit Center sa Naga City pinasinayaan ni Sen. Bong Go

WALANG kulay politika ang pagbibigay serbisyo ng administrasyong Duterte sa mga Filipino. Ito ang pinatunayan ni Sen. Christopher “Bong” Go nang magtungo sa Naga City, Camarines Sur kama­ka­lawa para pasinayaan ang Malasakit Center sa Bicol Medical Center. Ang Naga City ang hometown ni Vice President Leni Robredo. Sinalubong si Go ng mga Bicolano na tuwang-tuwa sa pagtatag ng Mala­sakit Center …

Read More »

Duterte makikinig sa rekomendasyon ni Duque sa Dengvaxia vaccine — Palasyo

TINIYAK ng Palasyo na pakikinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III kung gagamiting muli ang Dengvaxia vaccine. Batay sa ulat ng Department of Health, mahigit 100,000 kaso ng dengue ang naitala sa bansa mula Enero hang­gang Hulyo ngayong taon at mahigit 400 katao na ang namatay. Sinabi ni Presidential Spokesamn Salvador Panelo, maaaring mata­la­kay …

Read More »

Duterte, Xi Jinping bilateral talks nakatakda na (Sa isyu ng WPS at trade relations tatalakayin)

xi jinping duterte

MAY nakatakdang bilateral talks sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chi­nese President Xi Jinping bago matapos ang kasalukuyang buwan. Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, maaaring sa huling linggo ng Agosto ang pagbisita ni Pangulong Dutere sa China para mapanood na rin ang laban ng Gilas Pilipinas na nakapasok sa FIBA World Cup. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaaring talaka­yin ng …

Read More »

Martial law, nakaamba sa Negros Oriental

NAGBABALA ang Pa­la­syo na magdedeklara ng martial law para wakasan ang luma­lalang karahasan sa Negros Oriental. Ayon kay Presi­den­tial Spokesman Salvador Panelo, puno na si Pa­ngu­long Rodrigo Duter­te sa mga karahasang inihahasik ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Negros Oriental. Ikinokonsidera aniya ni Pangulong Duterte na gamitin ang kanyang emergency powers, kasa­ma ang martial law, para mawa­kasan ang …

Read More »

LGUs na sabit sa PCSO corruption tutukuyin

KASAMA ang mga nasa lokal na pamahalaan sa isinasagawang imbes­tigasyon ng Palasyo sa sinasabing anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ito ang ibinunyag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng nakakasa na ngayong pagsisiyasat sa umano’y iregularidad na bumaba­lot sa PCSO. Sinabi ni Panelo, hindi lang sa loob mismo ng PCSO  nakasentro ang gina­gawang  pagsilip sa umanoy katiwalian kundi …

Read More »

Lotto ibinalik ng Palasyo

TINANGGAL ng Palasyo ang sus­pensiyon sa operasyon ng lotto. Inihayag ito kagabi ni Presidential Spokes­person Salvador Panelo. Aniya, “Suspension of lotto operations have been lifted, effective immediately.” Dakong 9:53 kagabi, inihayag na ang suspen­siyon sa lotto operations, as per Executive Secretary Salvador Medialdea, ay tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit inilinaw na ang iba pang gaming opera­tions na may …

Read More »

PCSO ipinasara dahil sa ‘grand conspiracy’ (Sangkot sa korupsiyon sa ibubunyag ni Duterte)

MAY grand conspiracy sa lahat ng ‘players’ at participants ng gaming operations sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, masyadong mala­wak ang korupsiyon sa PCSO kaya ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang gaming opera­tions. Dinadaya aniya ng ‘players’ ang gobyerno at hindi nagbibigay ng karapat-dapat na share mula sa kita ng gaming operations. Aabot aniya …

Read More »

Formula ni Isko ipatutupad sa Metro Manila — DILG chief Año

IPATUTUPAD sa buong Metro Manila ang formula ni Manila Mayor Isko Moreno sa paglilinis ng mga kalye upang maibsan ang problema sa trapiko. Tiniyak ito ni Depart­ment of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa post-SONA briefing kahapon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duter­te na linisin ang mga pampublikong lugar para magamit ng taong bayan. “Dito sa Metro …

Read More »

Salary Standardization Law ipasa — Duterte, Umento sa guro inihirit ni Digong

UMENTO sa sahod para sa lahat ng pampublikong kawani ng pama­halaan ang inihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasa ng Kongre­so upang matugunan ang pana­wa­gang wage hike ng mga guro. “To the teachers who toil and work tirelessly to educate our young, kasali na po rito ‘yung hinihingi ninyo. Hindi masyadong malaki pero it will tide you over,” anang Pangulo …

Read More »

P1-M patong sa ulo vs ‘killer’ ng 4 pulis sa Negros Oriental

NAG-ALOK ng P1 milyong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga responsable sa pamamaslang sa apat na pulis sa Barangay Mabato, Ayungan, Negros Oriental. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bumisita kamakalawa ang Pangulo sa burol ng apat na napatay na pulis at nakidalamhati sa mga naulilang pamilya. Nagsagawa ng command conference …

Read More »

Panalo ni Pacman tagumpay ng PH

TAGUMPAY ng buong Filipinas ang panalo ni Senador Manny Pacquiao bilang bagong WBA Super World Welterweight champion laban kay Keith Thurman. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakikiisa ang Palasyo sa pagbubunyi ng sambayanang Filipino sa panibagong karangalang nasungkit ng Pamban­sang Kamao. “Pacquiao’s victory is not only his, but of the entire nation. As such, the Palace is one in …

Read More »

WPS issues, pangako, laban at tagumpay puwedeng iulat ng Pangulo sa SONA

INAASAHANG isa ang West Philippine Sea sa mga isyung tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ngayon sa pagbubukas ng 18th Congress. Sa kalatas ay sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na iuulat din ng Pangulo sa sambayanang Filipino ang mga nakamit na tagumpay ng kanyang administrasyon sa nakalipas na taon, ang …

Read More »

Free trip to China, alok ni Duterte sa armadong NPA

SAGOT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng gastos ng mga rebeldeng komunista na nais bumisita sa China para makita ang paglago ng ekonomiya nito dahil sa kapitalismo. Ang hamon ay ginawa ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Tagum City kamakalawa ng hapon. “Who wants to go to China? I was asking you who wants to go to China to …

Read More »

Anti-Bastos law susundin ng Pangulo

TINIYAK ng Palasyo na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pangunahing susunod sa “Bawal Bastos” law (Republic Act 11313) na may layuning parusahan ang paninipol, panghihipo at iba pang uri ng gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar, online, workplaces, at educational at training institutions. “Since the President signed that law, it means that he recognizes the need for that law. Since …

Read More »

Palasyo ‘walang paki’ sa hinalang paninira ng CPP-NPA-NDF sa Global community

Malacañan CPP NPA NDF

WALANG balak ang Palasyo na paim­bestiga­han ang koneksiyon ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa resolusyon ng Iceland laban sa human rights violations sa ilalim ng adminis­trasyong Duterte na sinusugan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hahayaan na lamang ng Malacañang ang mga paninira …

Read More »