Sunday , April 27 2025

Rose Novenario

Concessionaires paiimbestigahan… 2 senador duda sa ‘water shortage’

DUDA ang dalawang senador sa nara­ranasang krisis sa tubig kaya nais nila itong paiimbestigahan. Sa panayam ng HATAW, kay Senator Christopher “Bong” Go hindi tamang ipasa sa mga mamamayan ang sinasabing problema sa supply ng tubig lalo na’t pumasok ang Manila Water at Maynilad sa kontrata sa gobyerno sa serbisyo sa tubig. Ganito rin ang pana­naw ni Senator Imee Mar­cos …

Read More »

Duterte hindi malubha — Sen. Bong Go

MAGPAHINGA nang ilang araw si Pangulong Rodrigo Duterte, ang payo ng kanyang doktor dahil sa pagsakit ng gulugod dulot ng muscle spasm nang sumempalng sa motorsiklo noong naraang linggo. Ayon kay Sen. Chris­topher “Bong” Go, sumai­lalim sa magnetic reso­nance imaging (MRI) si Pangulong  Duterte kahapon ng madaling araw pagdating sa bansa mula sa Japan. Batay aniya sa resulta ng MRI, walang …

Read More »

Duterte ‘pinauwi’ ng matinding kirot sa gulugod (Banquet ng Emperor ‘di nadaluhan)

PINAIKLI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbisita sa Japan dahil kailangan niyang magpatingin sa doktor ngayon sa matinding kirot na naramdaman sa kanyang likod matapos maaksidente sa motorsiklo noong nakalipas na linggo. Nabatid kay Presi­dential Spokesman Salva­dor Panelo na imbes bukas ay kagabi umuwi sa Filipinas si Pangulong Duterte. “The Palace an­nounces that the President will cut short his …

Read More »

Magkakaanak na bebot sa ‘harem’ ng isang gambler-businessman nag-derby sa harap ng gov’t top honchos

the who

NAGING usap-usapan sa showbiz at sa social media ang word war ng pamosong magkaka­patid na babae at tuwina’y nauuwi sa kanilang madramang pagbabati at pagkakasundo. Huwag din magtatangkang makisawsaw sa kanilang away dahil sa huli, ‘yung kumiling sa isa sa kanila ang pagbubuntunan nila ng sisi. Nasanay na nga ang publiko, panatiko man o detractor ng “sissies” sa kanilang paglaladlad …

Read More »

Sa mabagal na release ng dokyu… Asunto vs gobernador ikinakasa ng ARTA

ISANG gobernador ang sasampahan ng kaso ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) dahil sa pang-iipit o hindi agad pag-release sa dokumentong dapat ilabas ng kanyang tanggapan. Ito ang sinabi sa press briefing sa Palasyo kaha­pon ni ARTA Director General Jeremiah Belgica kasunod ng sumbong na nakarating sa kanila hinggil sa sinasabing pagbinbin sa paglalabas ng papeles na dapat i-release ng tanggapan …

Read More »

Pasya ni Albayalde tanggap ng Palasyo

IGINAGALANG ng Palasyo ang pasya ni General Oscar Albayalde na magbitiw bilang hepe ng Philippine National Police (PNP). “The Palace respects the decision of Philippine National Police (PNP) General Oscar Albayalde to go on a non-duty status (NDS) ahead of his retire­ment on November 8, 2019,” ayon kay Pre­si­den­tial Spokesman Salvador Panelo. Ang non-duty status aniya ay isang pribelehiyo at …

Read More »

Duterte nakisimpatiya sa Japan

NAGPAABOT ng paki­kisimpatiya sa pama­halaan at mga mamama­yan ng Japan si Pangu­long Rodrigo Duterte sa pananalasa ng bagyong Hagibis sa naturang bansa. “On behalf of the Filipino people, President Rodrigo Duterte expres­ses his deep sympathy to the people and govern­ment of Japan for those who perished, were in­jured, or found them­selves homeless in the aftermath of the stongest typhoon to …

Read More »

Gold medal sa World Artistic Gymnastics… Yulo pinuri ng Palasyo

IKINAGALAK ng Palasyo ang pagwawagi ng kauna-unahang gold medal ng Filipinas sa pamamagitan ni Carlos Edrel Yulo sa World Artistic Gymnastics sa Germany kamakalawa. “The Palace congra­tulates Carlos Edriel Yulo for making a historic win for the Philippines after securing the country’s first ever world artistic gymnastics gold in the men’s floor exercise yesterday in Germany,” ani Presidential Spokes­man Salvador …

Read More »

Pervert na bading?! ‘Dark secret’ ng palace exec buking

SA LIKOD ng mga ngiti ng isang opisyal sa Malacañang ay may nakatagong maitim na lihim na iilan lang ang nakaaalam. Nabatid ng HATAW sa source, isang opisyal sa Malacañang ang parang milyonaryo kung magwaldas ng pera ng bayan para sa hilig niya sa pag-inom ng alak, paglilimayon sa iba’t ibang parte ng bansa at maging sa abroad. Dagdag ng …

Read More »

Rush hour commute challenge gagawin ngayon ni Panelo

TINIYAK ni Presiden­tial Spokesman Salva­dor Panelo na wala siyang isasamang body­guard o alalay sa pag­tang­gap ng commute challenge ng mga mili­tanteng grupo ngayong araw. Ayon kay Panelo, mag-isa lamang siyang magpupunta sa LRT para maranasan ang kalbaryo ng mga ordinaryong pa­sa­hero. Ngunit hindi niya tinukoy kung saan parti­kular na lugar o kung anong oras siya sasakay ng LRT pero gagawin …

Read More »

Krisis sa transport itinanggi… 2 administrasyon sinisi ni Panelo

KASALANAN ng naka­lipas na dalawang admi­nistrasyon ang narara­nasang kalbaryo sa tra­piko sa Metro Manila. Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa mga pagbatikos sa kanyang pahayag na walang mass transport crisis sa Metro Manila. “The present traffic woes and inadequate mass transit system have been the bane of our people, more specifically those living and working in Metro …

Read More »

Krisis sa ‘mass transportation’ hindi pa ramdam ng Palasyo

NANINIWALA ang Palasyo na wala pang umiiral na krisis sa mass transport sa Metro Manila dahil nakararating pa sa kanilang destinasyon ang mga pasahero. “Mukha namang wala pa. Wala. Kasi nga nakakarating pa naman ‘yung mga dapat makarating sa kanilang paroroonan,” tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na nakararanas ng mass transport crisis …

Read More »

Kitty Duterte ligtas na sa dengue

NAGPAPAGALING na si presidential daughter Veronica “Kitty” Duter­te sa sakit na dengue. Ito ang nabatid kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Aniya, batay sa nakuha niyang impo­rmasyon sa ina ni Kitty at longtime partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña, nagpa­paga­ling na ang 15-anyos na presidential daughter. Kamakalawa ay binista ng Punong Ehe­ku­tibo sa ospital si Kitty, batay sa …

Read More »

‘Umalingasaw’ na baho ng PNP, Palasyo ‘di natitigatig

PABOR ang Palasyo sa labasan ng baho ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi naba­bahala ang Palasyo sa batuhan ng akusasyon ng matataas na opisyal ng PNP kaysa magtakipan. “Hindi ba mas maganda nga iyon para lumalabas iyong baho sa isang organisasyon, ‘di ba? Kung may naglalabas diyan na kontra sa …

Read More »

Colonels ‘di generals, plus ‘Ninja cops’ kakastigohin ni Digong (Nalito sa superintendent)

pnp police

INILINAW ni Pangulong Rodrigo Duterte  na wa­lang heneral na sangkot sa illegal drugs kundi colonel lamang. Ang paglilinaw ay ginawa ng Pangulo sa kanyang media interview sa Davao City kahapon nang dumating siya mula sa Russia. “Alam mo I must admit my ignorance actually. Iyong ranggo kasi no’ng nauso ‘yang sup-sup, superintendent tapos kung ano-anong… Kaya sa panahon ko sabi ko …

Read More »

2 generals, ‘ninja cops’ binantaan ni Digong (Maghanda pagbalik sa PH)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutuldukan niya ang korupsiyon sa pulisya sa natitirang mahigit dala­wang taon ng kanyang administrasyon. “Pero anyway, before I — ito igarantiya. Before my term ends, I have two years and so many months left. Ubusin ko talaga itong mga p***** i** na ‘to,” aniya sa talum­pati sa harap ng Filipino community sa Russia kamakalawa …

Read More »

Putin walang Crackdown vs Pinoys sa Russia

GINARANTIYAHAN ni Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maglulunsad ng crackdown ang kanyang pamahalaan laban sa undocumented Pinoy workers. “Secretary Bello is working on an agreement na kayong nandito staying — overstaying or have had problems, there will be — they will be covered with an under­standing,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino …

Read More »

Paliwanag sa “One-time, big-time” oil price hike hiningi… DOE nagbanta vs oil companies

oil lpg money

POSIBLENG masam­pahan ng kaso ang mga kompanya ng langis at matanggalan ng certi­ficates of compliance kapag hindi nabigyang katuwiran sa loob ng tat­long araw ang ipinatupad na “one-time, big-time” oil price hike. Sinabi ni Energy Assistant Secretary Bodie Pulido, pinadalhan ng “show-cause order” ng Department of Energy (DOE) ang mga kompan­ya ng langis para pag­paliwanagin kung bakit nagpataw ng “one-time, …

Read More »

Evangelista ng PMA pinuri ng Palasyo sa resignasyon

KAPURI-PURI ang pagpapakita  ng delicadeza ni Lt. Gen. Ronnie Evangelista nang magbitiw bilang superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) matapos mamatay si 4th Class Cadet Darwin Dormitorio dahil sa hazing. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tamang hakbang sa gitna ng pagsisimula ng ikakasang imbestigasyon sa insidente ang pagre-resign ni Evangelista. “We welcome this development as a right step towards …

Read More »

8 sa 10 Pinoy, pabor sa kampanyang anti-droga ni Digong

IKINATUWA ng Pala­syo na 8 sa 10 adult Pinoy ay pabor sa kam­panya ng administra­syong Duterte kontra illegal drugs, batay sa pinakahuling Social Weather Survey (SWS). Sa kalatas ay sinabi ni Communications Secre­tary Martin Anda­nar na anomang imbestigasyon kaugnay sa drug war ng administrasyon ay wa­lang epekto sa paniniwala ng mga Pinoy sa klase ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. …

Read More »

Ibinasurang loans, grants ng 18 bansang pro-Iceland ‘wa epek sa Ph economy

NANINIWALA ang Malacañang na walang epekto sa ekonomiya ng bansa ang pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loans at grants ng 18 bansa na sumu­porta sa resolution ng Iceland na imbestigahan ang drug war ng admi­nistrasyon. “There are other bilateral partners and institutions, and other countries outside of the 18 offering the same and no better rates than these countries. …

Read More »

Sa PMA… Evangelista pinagbibitiw sa hazing incidents

DAPAT magbitiw sa kanyang puwesto si Philip­pine Military Academy (PMA) superin­tendent Lt. Gen Ronnie Evangelista kasunod ng pinakabagong insidente ng hazing  na ikinamatay ni Cadet 4th class Darwin Dormitorio. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaug­nay sa panawagan ng isang kongresista na dapat mag-resign si Evangelista bilang pinu­no ng PMA. Ayon kay Panelo, walang dahilan para manatili pa …

Read More »

‘Martial law’ magsasalba ng demokrasya — Palasyo

ITINUTURING ng Pala­syo ang pagdedeklara ng batas militar ay isang kasangkapan para mai­salba ang demokrasya sa Filipinas. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagiging masama ang martial law kapag hinaluan ito ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao. “Those who perceive that a declaration of martial law is anti-democratic is oblivious of the fact that its application is precisely the …

Read More »