Sunday , August 14 2022

Sa mabagal na release ng dokyu… Asunto vs gobernador ikinakasa ng ARTA

ISANG gobernador ang sasampahan ng kaso ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) dahil sa pang-iipit o hindi agad pag-release sa dokumentong dapat ilabas ng kanyang tanggapan.

Ito ang sinabi sa press briefing sa Palasyo kaha­pon ni ARTA Director General Jeremiah Belgica kasunod ng sumbong na nakarating sa kanila hinggil sa sinasabing pagbinbin sa paglalabas ng papeles na dapat i-release ng tanggapan ng gobernador.

Gayonman, hindi na muna ibinunyag ni Belgica ang pagkakakilanlan ng gobernador na kanilang aasuntuhin.

Kaugnay nito, sinabi ni Belgica, gagawin nila ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan na dawit sa red tape linggo-linggo.

Ilan aniya sa kanilang sinampahan ng kaso dahil sa red tape ay si San Nico­las, Batangas Mayor Les­ter de Sagun at dala­wang kawani ng Registry of Deeds.

Nagbabala si Belgica sa mga opisyal ng pama­halaan na ipatupad nang maayos ang Ease of Doing Business Act upang hindi masampahan ng kaso.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply