KAKASTIGOHIN ng Palasyo ang mga lokal na opisyal na naging makupad sa pamamahagi ng pinansiyal na ayuda sa kanilang nasasakupan habag umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa kanilang lugar. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, humihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong hanggang ngayon ay naghihintay na mabigyan ng tulong sa ilalim ng Social Amelioration Program …
Read More »DOE, ORMECO kakalampagin ng Palasyo (Talamak na brownout sa Mindoro)
KAKALAMPAGIN ng Malacañang ang Department of Energy (DOE) at Oriental Mindoro Electric Cooperative (Ormeco) sa ulat na nakararanas ng halos 12 oras na brownout sa lalawigan. Ayon kay Roque, hindi dapat nakararanas ng power crisis sa Oriental Mindoro dahil may sapat na supply ng koryente sa buong Luzon kahit umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ). “Well, nire-reiterate ko po na …
Read More »POGO, bisyo, gimikan, turismo, at eskuwelahan sarado sa ‘GCQ’
TABLADO pa rin ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO ) kahit sa mga lugar na deklaradong nasa ilalim ng general community quarantine. Inihayag ito kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque . Aniya, non-essential industry at kasama sa negative list ang POGO dahil ito’y kabilang sa amusement at leisure na sarado pa rin alinsunod sa guidelines ng GCQ. “Hindi pa po, …
Read More »P35-M para sa barko ng 2go ni Dennis Uy ‘di na tatanggapin
INATASAN ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) ang Department of Tourism (DOT) na maglaan ng hotel rooms para sa frontliners na lumalaban sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa. “Naatasan ng inter-agency ang Tourism department na magbigay ng hotel rooms kung saan puwedeng tumira ang ating health workers, ang ating frontliners. Napakaliit na bagay …
Read More »‘Shoot them dead’ order ni Duterte walang kinalaman sa pagpaslang kay Ragos — Roque
WALANG kinalaman ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “shoot them dead” laban sa mga pasaway sa ipinatutupad na Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) sa pagpatay ng pulis sa isang mentally challenged na retiradong sundalo sa Quezon City kamakalawa. Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga pagbatikos sa pagbaril ng pulis sa biktima na pagsunod lamang umano …
Read More »Harry in, Karlo out sa Covid-19 press briefing (Turf war: Roque vs Nograles)
HINDI na magsasalita si Cabinet Secretary Karlo Nograles para sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. “Yes, nagkaroon na ng pag-utos ang ating Executive Secretary (Salvador Medialdea) that information sharing will now be centralized through the Office of the Presidential Spokesperson,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ginanap na virtual press briefing kahapon. Batay aniya …
Read More »P35-M renta ng gobyerno sa barkong 2GO ni Dennis Uy (Bilang quarantine facility)
TULOY-TULOY ang suwerte ni presidential crony Dennis Uy dahil nagbabayad ang gobyerno ng P35 milyon sa kanyang logistics company na 2GO Group Inc., para magamit ang dalawang barko na pagmamay-ari nito bilang quarantine facility ng mga taong pinaghihinalaang positibo sa coronavirus disease (COVID-19). “Nirerentahan po ito ng gobyerno, ‘yung dalawa mga P35 million ho. Mura naman ‘yan at nagamit if …
Read More »P10-M pabuya para sa Pinoy na makatutuklas ng bakuna vs COVID-19
BIBIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P10 milyong pabuya ang sinomang Filipino na makatutuklas ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19). Inianunsyo ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon sa virtual press briefing sa Palasyo. “Sisimulan ko po sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo sa ilang mga punto na nais iparating sa inyo ng Pangulo. Unang-una dahil Public Enemy Number 1 …
Read More »Sa pulong ng Pangulo, IATF-MEID at sa ilang health experts… Desisyon sa ECQ ‘di pa sigurado
WALA pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung tutuldukan o palalawigin ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) na nakatakdang matapos sa Abril 30. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring ihayag ng Pangulo ang kanyang pasya bago ang katapusan ng buwan. “Wala pong desisyon at hindi po nagsalita ang Presidente. Ang sabi nga po ng Presidente e ang kaniyang desisyon …
Read More »‘New normal’ susubukan — IATF-MEID (Kapag sumablay, ECQ agad)
ANOMANG oras ay ibabalik ang implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) kapag nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na ito sa Abril 30. Sinabi ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) spokesperson Karlo Nograles, ibabase ng Pangulo ang desisyon sa kapalaran ng ECQ sa paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) …
Read More »Martial law ‘di kailangan… ‘New normal’ scenario sisilipin ng IATF-EID
HINDI kailangan magdeklara ng batas militar si Pangulong Rodrigo Duterte para mahigpit na ipatupad ang Luzon-wide enhanced community quarantine dulot ng coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay Cabinet Secretary at IATF Spokesperson Karlo Nograles, nakasaad sa Saligang Batas na maaari lamang ideklara ang martial law kapag may umiiral na rebelyon at pananakop kaya’t hindi ito pinag-uusapan sa mga pulong ng task …
Read More »Koryente mula sa electric coops libre sa Marso, Abril
SAPAT ang supply ng koryente, tubig at pagkain sa panahong umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Tiniyak ito ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease spokesperson Karlo Nograles sa virtual press briefing kahapon. Aniya, batay sa ulat ng Department of Energy ay may 11,795 MW kapasidad …
Read More »Bakuna vs COVID-19 sagot para sa ‘new normal’
TATANGGALIN ang umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine kapag may mabibili nang gamot o bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. May dalawang pharmaceutical companies ang aniya’y gumagawa ng lunas sa COVID-19 at posibleng ipagbili na ito sa susunod na buwan. “I cannot mention the pharmaceutical giants. But one of them has developed an …
Read More »Mayor na ‘pasaway’ vs ECQ ipaaaresto
NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng “second wave” ng mga kaso ng COVID-19 kapag hindi naipatutupad ang social distancing alinsunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at ibang bahagi ng bansa. “Itong epidemic or pandemic, hindi ito natapos na sabihin mo ‘yung nasa ospital, ‘yung ginagamot ngayon, ‘yun ‘yung first wave. May second wave …
Read More »PH lalahok sa pag-aaral at pagsubok vs COVID-19
LALAHOK ang Filipinas sa mga pag-aaral at pagsubok sa mga potensiyal na lunas sa coronavirus (COVID-19) disease. Tiniyak ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa ASEAN Plus Three Virtual Summit on COVID-19 kahapon. Iginiit ng Pangulo ang pangangailangan sa scientific cooperation upang makatuklas ng bakuna laban sa COVID-19. “We are confident our scientists and experts …
Read More »PH at China magkasangga, US problema — Duterte (Sa panahon ng COVID-19 pandemic)
NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ang China ang tunay na kasangga ng Filipinas sa panahon ng coronavirus (COVID-19) pandemic sa buong mundo habang ang Amerika ay bahagi ng problema ng bansa. Sa kanyang briefing kamakalawa ng gabi, ipinagmalaki ng Pangulo na tiniyak sa kanya ni China President Xi Jinping ang buong suporta sa Filipinas kontra COVID-19 bilang pagtanaw ng …
Read More »NPA ‘nagtaksil’ sa ceasefire — Palasyo
PAGTATAKSIL ang ginawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo na nagsasagawa ng community work sa Barangay Puray, Rodriguez, Rizal kamakalawa. Kahapon, 29 Marso, ipinagdiwang ng NPA ang kanilang ika-51 anibersaryo. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, paglabag ito sa idineklarang ceasfire ng magkabilang panig sa gitna ng nararanasang krisis sa COVID-19. “This armed attack by the NPA …
Read More »Sen. Go sasailalim sa self-quarantine
“IT IS unfortunate that Cong. Eric Yap has tested positive for COVID-19. We are currently initiating contact tracing, particularly those present during a meeting I attended last Saturday.” Ito ang panimulang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang desisyon na sumailalim sa self-quarantine matapos kompirmahin ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na siya ay positibo sa COVID-19. “Puro …
Read More »COVID-19 Protocols nilabag… Party-list solon positibo, Palace officials delikado
MAAARING ituring na persons under investigation (PUIs) ang mga miyembro ng gabinete at ilang mambabatas dahil nakasalamuha sa isang pulong kamakailan sa Palasyo si ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19). Batay sa kalatas ni Yap, humingi siya ng dispensa sa mga nakahalubilo niya mula noong nakalipas na 15 Marso dahil sampung araw o kahapon …
Read More »‘Emergency powers’ para sa pondong walang ‘mandatory bidding’ isinulong?
KAPANGYARIHANG bumili ng telecom facilities, properties, protective gear, at medical supplies na hindi idaraan sa mandatory bidding ang inihihirit na emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso. Ito ang kumalat na impormasyon kahapon. Bahagi umano ng mga probisyon ng panukalang batas na Bayanihan Act of 2020, idedeklara nina Pangulong Duterte ang isang COVID-19 national emergency na magbibigay sa kanya …
Read More »Vico Sotto at Isko Moreno, deadma sa trike ban ng Palasyo
DEADMA sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa panawagan ng Palasyo na ipagbawal sa kanilang mga siyudad ang pagbiyahe ng tricycle para sa emergency cases at exempted sa travel ban. Binatikos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ang hiling na exemption ni Sotto sa tricycle sa travel ban …
Read More »Foreigner, OFWs, balikbayans puwedeng bumiyahe
INILINAW ng Palasyo na tanging ang mga turistang Pinoy lang ang pagbabawalang makalabas ng bansa habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine sa rehiyon dahil sa coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang mga outbound passenger ay maaaring umalis ano mang oras kahit umiiral ang quarantine. Gayonman, dapat ang kanilang departure ay naka-schedule sa loob ng 24 …
Read More »Kalusugan ni Digong ayos lang — Sen. Bong
WALANG dapat ipag-alala ang publiko sa kalagayan ng kalusugan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni senator Christopher “Bong” Go na so far ay maayos ang kalusugan nila ng Pangulo. Mula aniya nang sumailalim sila sa COVID-19 test, wala namang nararanasang ano mang sintomas ng sakit ang Pangulo tulad ng sipon, ubo, lagnat o pananakit ng lalamunan. Gayonman, inamin ng …
Read More »Sa enhanced community quarantine… AFP/PNP, health workers frontliners vs CoViD-19 (Tao sa bahay; BPO/IT, ports tuloy sa operasyon)
EVERYONE must stay at home. Ito ang direktiba ng Palasyo sa lahat ng mamamayan sa buong Luzon alinusunod sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad ng gobyerno para labanan ang COVID-19. Inatasan ng Palasyo ang mga punong barangay ang mahigpit na pagpapatupad na isang tao lang ang puwedeng lumabas sa bawat bahay upang bumili ng mga batayang pangangailangan ng kanilang …
Read More »Sa loob ng anim na buwan… PH isinailalim ni Digong sa State of Calamity
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong bansa dahil sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Batay sa Proclamation No. 929 na nilagdaan ni Pangulong Duterte kamakalawa, idineklara niyang nasa state of calamity ang Filipinas sanhi ng COVID-19 sa loob ng anim na buwan na puwedeng mapaikli depende sa magiging sitwasyon. Dahil dito, ipinaiiral ang “enhanced community …
Read More »