Sunday , May 19 2024

Panelo desentonado sa pahayag ng Pangulo

HINDI kostumbre ni Pangulong Rodrigo Duterte na himukin ang Kongreso na madaliin ang proseso ng renewal o pagbasura sa prankisa ng ABS-CBN.

Reaksiyon ito ng Palasyo sa hamon kay Pangulong Duterte na sertipikahan bilang urgent bill ang renewal ng prankisa ng ABS-CBN kung talagang hindi siya kontra rito.

“Bakit naman kaila­ngan magbigay ng urgency ng pag-ano, e ‘di ibig sabihin nagdi-dis­criminate siya sa isang organisasyon lamang,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“Hindi pupuwede kay Presidente, kailangan lahat ay equal ang tra­tamiyento ng bawat sangay ng gobyerno,” aniya.

Ang pahayag ni Panelo ay taliwas  sa ilang naging talumpati ni Pangulong Duterte na hayagang sinabi na titiyakin niyang hindi mare-renew ang prankisa ng ABS-CBN.

“Ang inyong franchise mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan [a renewal], I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out,” ayon kay Pangulong Duterte Duterte sa oath-taking ng mga bagong itinalagang government officials sa Malacañang noong 3 Disyembre 2019.

Habang noong 30 Disyembre sa kanyang pagbisita sa earthquake victims sa Cotabato ay sinabi niyang, “Itong ABS, mag-expire ang contract ninyo, mag-renew kayo, ewan ko lang kung mangyari. Ako pa sa ‘yo, pagbili na ninyo ‘yan.”

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *