Thursday , June 4 2026

Kasong homicide vs ex-health chief may ‘probable cause’

WALANG halong polit­ika ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Health secretary ngayong congresswoman Janette Garin kaugnay ng dengvaxia vaccine.

Ito ang tiniyak ng Palasyo matapos maki­taan ng probabale cause ng Department of Justice (DOJ) para idiin si Garin at siyam na iba pa sa kasong reckless imprudence resulting in homicide dahil sa pag­kamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kailanman, hindi nagkaroon o nahaluan ng politika ang mga kasong nakabinbin sa hudi­katura.

Sinabi ni Panelo, maaaring nakakita ng probable cause ang korte kung kaya itinuloy ang demanda kay Garin.

Ayon kay Panelo, hahayaan ng Palasyo ang korte para magdesisyon sa kaso ni Garin at hindi makikialam ang palasyo sa trabaho ng krote.

Una rito, sinabi ni Garin, haharapin niya ang asunto ngunit nakiusap sa Korte na dapat ibase sa siyensiya at hindi sa politika ang kaso.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …