Sunday , May 11 2025

Rose Novenario

Para sa kapayapaan? Amnesty commission binuo ni Duterte

Duterte CPP-NPA-NDF

DESIDIDO ang administrasyon na hikayatin ang mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan kaya’t isang komisyon ang binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para iproseso ang aplikasyon ng mga armadong nagnanais ng ‘bagong normal’ na pamumuhay. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang isang executive order na nagtatag ng National Amnesty Commission na bubuuin ng pitong miyembro mula …

Read More »

Duterte sa Customs: Covid-19 vaccine ‘wag pakialaman

ni ROSE NOVENARIO INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Customs (BoC) na huwag pakialaman o buksan ang mga kargamentong naglalaman ng coronavirus disease (CoVid-19) vaccine na darating sa paliparan. Masyadong sensitibo o delikado ang mga bakuna kaya hindi maaaring hawakan o tanggalin sa freezer na kinalalagyan nito. Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang Philippine National Police (PNP) na …

Read More »

May diabetes at sakit sa puso, 3rd priority sa COVID-19 vaccine

KOMPIYANSA ang Palasyo na walang doktor na magpapa­bayad o magpapagamit upang mameke ng medical certificate para palabasin na may comorbidity o may sakit ang kanyang pasyente para mapasama sa prayoridad na tuturu­kan ng CoVid-19 vaccine. Ang mga taong may comorbidity ay may karamdamam tulad ng diabetes at sakit sa puso na nasa ikatlong grupong prayoridad na babakunahan kontra CoVid-19 base …

Read More »

Roque ‘pipi’ kay Parlade

ni ROSE NOVENARIO KUNG ‘manigas kayo’ ang tugon ni dating human rights advocate at Presidential Spokesman Harry Roque sa mga kritiko ng administrasyon, mistulang dila naman niya ang ‘nanigas’ at napipi pagdating sa isyu ng walang habas na red-tagging ni Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., sa isang mamamahayag kaugnay sa Anti-Terror Act (ATA). Ipinauubaya ni Roque …

Read More »

2 Aeta na tinortyur at pinakain ng ebak ng militar sumali sa petisyon vs Anti-Terror Law

DALAWANG Aeta sa Zambales, buena mano na sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Terror Act ang humiling sa Korte Suprema na sumali sa petisyon upang maibasura ang kontrobersiyal na batas. Sina Japer Gurung at Junior Ramos ay nakapiit mula pa noong nakalipas na Agosto nang akusahan ng military na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na bumaril sa grupo ng …

Read More »

Face-to-face campaign delikado (Sa 2022 polls)

ni ROSE NOVENARIO PABOR si vaccine czar at CoVid-19 policy chief implementer Carlito Galvez, Jr., na ipagbawal ang face-to-face campaign para sa halalan 2022 national elections dahil delikadong kumalat ang coronavirus disease (CoVid-19). Sinabi ni Galvez na malaking hamon at mapanganib ang personal na pangangampanya ng mga kandidato na mangangahulugan ng close contact sa mara­ming tao na maaaring maging sanhi …

Read More »

Galvez kumontra sa anti-EU rant ng Pangulo

WALANG epekto sa Filipinas ang export control na ipinatutupad ng European Union (EU) sa CoVid-19 vaccine na gawa sa mga bansa sa Europa, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr. Sinabi ni Galvez na makukuha pa rin ng Filipinas ang 17 milyong doses ng bakuna mula sa British drugmaker AstraZeneca dahil manggagaling ito sa kanilang planta sa Thailand. “Wala po …

Read More »

Palasyo pabor sa panunupil at militarisasyon ng gobyerno (Kaya deadma sa Myanmar crisis)

IPINAGKIBIT-BALI­KAT ng Malacañang ang akusasyon ni Albay Rep. Edcel Lagman na kaya patay-malisya sa krisis sa Myanmar ay dahil kompirmasyon ito na pabor sa militarisasyon ang gobyerno at implementasyon ng mga mapanupil na patakaran gaya ng Anti-Terrorism Act of 2020, patuloy na red tagging at pagkansela sa 1989 UP-DND Accord. Para kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat pansinin ang …

Read More »

Duterte kay Magalong: “Huwag mo kami iwan”

PAPANHIK ng Baguio City si vaccine czar at CoVid-19 policy chief implementer Carlito Galvez, Jr., upang ‘ligawan’ si Baguio City Mayor Benjamin Magalong para bumalik bilang contact tracing czar. Ang pahayag ni Galvez ay ginawa matapos kompirmahin ni Presidential Spokesman Harry Roque na siyento porsiyento siyang sigurado na gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili bilang contact tracing czar kahit …

Read More »

DENR pinagpapaliwanag sa illegal dredging activities ng Chinese vessels sa PH sea

PINAGPAPALIWANAG ng Palasyo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ginagawang illegal dredging activities ng Chinese vessels sa Filipinas. Inihayag ng Palasyo ang direktiba kasunod nang pagdakip ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Customs (BoC) sa isang Chinese dredger dahil sa “illegal and unauthorized presence” sa  karagatan sa Orion Point sa Bataan. “Ang tanong: saan ginagamit …

Read More »

Pinoys handang ilikas ng PH gov’t (Sa kudeta sa Myanmar)

NAKAHANDA ang administrasyong Duterte na ilikas ang 1,273 Pinoys sa Myanmar kasunod ng naganap na coup d’etat laban sa democractically elected government ni Nobel laureate Aung San Suu Kyi, na ikinulong kasama ang iba pang senior figures ng National League for Democracy (NLD) sa isinagawang raid kahapon. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naka-standby ang mga eroplano at barko ng …

Read More »

Presyo ng karneng baboy at manok ‘ipinako’ ni Digong

ni ROSE NOVENARIO IPINAKO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presyo ng kasim/pigue sa P270 kada kilo, liempo sa P300/kilo at dressed chicken sa P160 bawat kilo sa Metro Manila sa loob ng 60 araw. Ang kautusan ay nakasaad sa nilagdaan ng Pangulo kahapon na Executive Order 124 matapos ulanin ng reklamo ang gobyerno sa pagsirit ng presyo ng baboy at …

Read More »

Health protocols ng IATF ‘di patas — PISTON

UMALMA ang ilang grupo sa hindi patas na pagpapatupad ng batas sa mayayaman at mahi­hirap sa Filipinas. Malinaw ito sa maba­bang multang ipinataw sa mga lumabag sa health protocols sa viral Baguio City birthday party ni event organizer Tim Yap, ayon sa grupong PISTON. Ayon kay PISTON president Mody Floranda , pinagbayad lamang ng P1,500 ang lahat ng dumalo sa …

Read More »

Health workers ‘di magpapaturok ng bakuna — AHW (Kung walang pruweba ng kaligtasan)

ni ROSE NOVENARIO HINDI magpapabakuna ang maraming health workers kung walang pruweba na kayang tiyakin ng gobyerno ang kanilang kaligtasan. Inihayag ito ng Alliance of Health Workers (AHW) bilang pagbatikos sa mga iresponsableng pahayag at hakbang ng pamaha­laan sa isyu ng pagbili at paggamit ng CoVid-19 vaccine gaya ng ‘puwede na,’ at ‘huwag kayong choosy.’ “We convey our strong criticism …

Read More »

Human rights situation para aksiyonan ng UN at ICC, “Investigate PH” inilunsad

HINDI nababahala ang Palasyo sa inilunsad na independent investigation ng koalisyon ng civil society groups mula sa iba’t ibang bansa sa lumalalang human rights situation sa Filipinas. Inilunsad kahapon ang Independent Inter­national Commission of Investigation into Human Rights Violations in the Philippines o Investigate PH para simulan ang fact-finding probes sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao sa bansa at …

Read More »

Palasyo iwas-pusoy sa viral party ng celebrity sa Baguio City (Quarantine protocols nilabag)

IWAS-PUSOY ang Palasyo sa isyu ng viral Baguio City party na may mga paglabag sa ipinatu­tupad na quarantine protocols sa panahon ng pandemya sa bansa. Mismong si contact tracing czar at Baguio City Mayor, ay umamin na may mga paglabag sa pandemic protocols sa nasabing pagtitipon. Si Magalong at kanyang misis ay kabilang sa mga dumalo sa nasabing party noong …

Read More »

AFP intel chief sinibak sa palpak na NPA list

ni ROSE NOVENARIO SINIBAK ni Defense Secretary Delfin Lorenzana  ang deputy chief of staff for intelligence ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa inilabas na maling listahan na tumukoy sa ilang nagtapos sa University of the Philippines (UP) bilang mga nadakip o napatay na miyembro ng New People’s Army (NPA). Para kay Lorenzana, walang kapatawaran ang kapalpakan ni …

Read More »

Sobejana in, Gapay out (Bilang AFP chief of staff)

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang medal of valor awardee bilang bago at ika-siyam na Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff ng kanyang administrasyon. Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, si Philippine Army commanding general Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang bagong pinuno ng AFP kapalit ni  Gen. Gilbert Gapay na nakatakdang magretiro sa susunod na linggo. …

Read More »

Presyo ng manok at baboy ididikta ng EO ni Digong — Go

Rodrigo Dutete Bong Go

TINIYAK ni Senador Lawrence Christopher “Bong” Go na maglalabas ng Executive Order (EO) si Pangulong Rodrigo Duterte para sa tamang presyo ng baboy at manok nang sa ganoon ay mabigyan ng proteksiyon ang kapakanan ng mga mamimili at ganoon din ng mga namumuhunan. Inamin ni Go, kasalukuyang pinag-aaralan ng tanggapan ng Pangulo ang lalamanin ng naturang EO na kanyang lalagdaan. “Lagi ko …

Read More »

P15-B pondo ng PhilHealth hindi nawala — Gierran

HINDI nawawala o napunta sa katiwalian ang P15 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at 92 porsiyento nito’y nai-liquidate o natuos na. Sinabi ito ni PhilHealth chief Dante Gierran sa virtual Palace press briefing kahapon. Hindi umano siya papayag na mawawala ang pera ng PhilHealth lalo’t galing siya sa National Bureau of Investigation (NBI). Inulan ng batikos ang …

Read More »

‘Militarisasyon’ ng mass vaccination program kasado na

IKINASA na ang mahalagang papel na gagampanan ng militar sa mass vaccination program ng gobyerno. Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi, inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tinanggap na ng kanyang kagawaran ang alok ng negosyanteng si Joey Concepcion na isailalim sa pagsasanay ang military-medical personnel sa vaccination drive lalo sa mga lalawigan. Mag-uumpisa aniya …

Read More »

Limited face-to-face classes para sa medical & allied health programs sa GCQ at MGCQ areas

philippines Corona Virus Covid-19

BINIGYAN ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkaka­roon ng limited face-to-face classes para sa medical and allied health programs sa mga institusyon sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang desi­syon ng Pangulo ay batay sa rekomenda­syon ng Commission on Higher Education (CHED) upang hindi maubusan ang …

Read More »

Bakuna sa wetpaks mas kursunada ni Pang. Duterte (Kaya hindi isasapubliko)

WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakita sa publiko ang pagpapa­bakuna laban sa CoVid- 19 dahil sa puwit niya ito ipatuturok. Paliwanag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque hinggil sa pribadong pagpapa­bakuna ni Duterte taliwas sa ginawa ng ilang world leader na napanood ng buong mundo ang pagturok sa kanila ng CoVid-19 vaccine. “I think so, he has said …

Read More »