Saturday , June 15 2024
philippines Corona Virus Covid-19

Limited face-to-face classes para sa medical & allied health programs sa GCQ at MGCQ areas

BINIGYAN ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkaka­roon ng limited face-to-face classes para sa medical and allied health programs sa mga institusyon sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang desi­syon ng Pangulo ay batay sa rekomenda­syon ng Commission on Higher Education (CHED) upang hindi maubusan ang bansa ng mga doktor na mangya­yari kung hindi pa ibabalik ang face-to-face classes.

Hindi aniya nagdala­wang isip ang Pangulo nang aprobahan ang rekomendasyon ng CHED kahit may banta ng bagong coronavirus variant.

Ayon sa CHED, kailangan magsumite ng aplikasyon ang iba pang mga eskuwelahan na nais magsagawa ng limited face-to-face classes.

Pagkatapos ay bibisitahin ng education authorities ang campus para inspeksyonin kung nagko-comply sa requirements para sa face-to-face classes.

Kamakailan, pina­ya­gan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang University of the Philippines College of Medicine (UPCM) na ibalik ang kanilang face-to-face clinical internship sa Philippine General Hospital (PGH).

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *