Tuesday , June 25 2024

Bakuna sa wetpaks mas kursunada ni Pang. Duterte (Kaya hindi isasapubliko)

WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakita sa publiko ang pagpapa­bakuna laban sa CoVid- 19 dahil sa puwit niya ito ipatuturok.

Paliwanag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque hinggil sa pribadong pagpapa­bakuna ni Duterte taliwas sa ginawa ng ilang world leader na napanood ng buong mundo ang pagturok sa kanila ng CoVid-19 vaccine.

“I think so, he has said so. Sabi nga niya dahil sa puwit siya magpapa­saksak so hindi pupu­wedeng public,” sagot ni Roque nang usisain kung pinal na ang desisyon na itago sa publiko ang pagpapabakuna.

Sa mga nakalipas na buwan, ipinagyabang ni Duterte na payag siyang maunang mabakunahan para mapatunayang epektibo at ligtas ang kukuning CoVid-19 vaccine ng gobyerno.

Ngunit kamakailan ay biglang nag-iba ang kanyang tono at sinabing huling babakunahan silang mga opisyal ng pamahalaan nang makatiyak na makabibili ng milyon-milyong doses ng Sinovac vaccine ang kanyang administrasyon.

May ilang nagduda na posibleng nabakuna­han na ang Pangulo, kasabay ng mga kagawad ng Presidential Security Group (PSG), ng smuggled at hindi pa awtorisado ng Food and Drug Administration (FDA) na Sinovac vaccine.

Napansin din na mula nang sumiklab ang isyu ay nagpupunta na sa ilang pagtitipon si Pangulong Duterte sa loob at labas ng Palasyo.

Para kay dating National Task Force Against CoVid-19 adviser DR. Tony Leachon, nakalulungkot ang desisyon ni Pangulong Duterte na sa puwit magpabakuna dahil ang malaking hamon ay ibalik ang tiwala ng publiko sa bakuna.

“Our next big challenge is to convince the public to get vaccinated. It’s unfortunate Pres. Duterte has chosen his buttocks to be site for vaccination instead of the deltoid area like US Joe Biden, Indonesian Pres. Joko Widodo Singapore PM Lee Hsien Loong. It would be inspiring,” ani Leachon sa kanyang tweet.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Toll collection sa Cavitex suspendido nang 30 araw

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magandang balitang natanggap niya mula sa Philippine Reclamation …

Bamban mayor, 13 pa inasunto sa ilegal na POGO

NAHAHARAP sa isang asuntong kriminal  si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang 13 iba …

Sa asuntong human trafficking  
MAYOR ALICE GUO KOMPIYANSA VS PARATANG  
Walang ebidensiya para tawaging kasabwat

HATAW News Team NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala siyang koneksiyon sa …

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs 1

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 is proud to announce that two …

SM Fire Volunteers 1

BFP, DILG, and SM Prime empower communities through 1st fire volunteers assembly

In a demonstration of its commitment to community safety, the Bureau of Fire Protection (BFP) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *