Wednesday , December 25 2024

Niño Aclan

Sa ilalim ng repatriation program
16 OFWs SA LEBANON LIGTAS NA NAKAUWI

immigration passport plane map lebanon

LIGTAS na nakabalik sa bansa ang 16 overseas Filipino workers (OFWs) lulan ng Emirates Airlines flight EK-332 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  terminal 3 mula Lebanon. Ang mga naturang OFWs ay boluntaryong nag-avail ng repatriation program ng gobyerno. Sila ay natatanggap ng tulong-pinansiyal na P75,000 mula sa Department of Migrant Workers (DMW) action fund at iba pang …

Read More »

Cayetano, pabor sa POGO ban

Alan Peter Cayetano

IPINAHAYAG ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang suporta niya sa panukala ni Senator Risa Hontiveros na ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, ngunit nagmungkahi ng ibang paraan ukol sa pagkolekta ng buwis nito. “Would it be a remedy to put an absurd amount of tax amending the tax law that Senator Risa said, but let’s …

Read More »

Amyenda sa discriminatory provisions ng ‘Doble Plaka’ Law, umabante na

Bonifacio Bosita Francis Tol Tolentino

“TULOY ang pag-abante ng panukalang amyenda sa ‘Doble Plaka’ Law!” Tiniyak ito ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino, matapos silang magkasundo ni 1-Rider Party-List Rep. Bonifacio Bosita para pagtulungang isulong ang kapakanan ng milyon-milyong motorcycle riders sa mga nalalabing sesyon ng 19th Congress. Sa programang Usapang Tol, pinasalamatan ni Bosita ang senador sa pamumuno nito sa pagpasa ng Senate …

Read More »

Senate energy panel chair segurado
DRILLING NG MALAMPAYA NEW WELLS ASAHANG MAGIGING MATAGUMPAY

083024 Hataw Frontpage

TINIYAK ni Senate committee on energy chairman Sen. Pia Cayetano na magiging matagumpay sa susunod na taon ang drilling ng mga bagong gas wells na magpapatagal sa buhay ng Malampaya gas project sa lalawigan ng Palawan. Sa isinagawang interpelasyon sa Senate Bill No. 2793 o ang panukalang Philippine Natural Gas Industry Act na si Cayetano ang sponsor, sinabi niyang mataas …

Read More »

Pork is Safe campaign ng mga magbababoy suportado ng DA

Pork is Safe

TINIYAK ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu  Laurel, Jr., ang suporta nito sa kampanya ng mga magbababoy sa Filipinas na ipaalam sa publiko na ligtas na kainin ang baboy sa buong bansa. Sa ginawang “pork is safe lechon chopping event” sa Pasay, kinilala ni Laurel na ang pork industry sa bansa ay isang haligi ng sektor ng agrikultura. Kaugnay nito …

Read More »

Papel ng mga magulang sa tagumpay ng Kabataang Filipino, binigyang diin ni Cayetano

Alan Peter Cayetano PhilSCA

BINIGYANG-DIIN ni Senator Alan Peter Cayetano nitong Sabado ang kahalagahan ng suporta ng magulang sa pagkakamit ng tagumpay ng mga kabataang Filipino sa kanilang napiling karera. Ibinahagi ni Cayetano ang mensaheng ito sa mga nagsipagtapos sa Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) at kanilang mga magulang sa commencement ceremony nitong 24 Agosto 2024 na ginanap sa Philippine International Convention Center …

Read More »

Paghahanda ng SHS graduates  hinimok palakasin ng TESDA para makapasok sa trabaho

TESDA ICT

HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na paigtingin ang mga hakbang upang mapataas ang kahandaan sa trabaho ng senior high school (SHS) graduates, kasunod ng ika-30 anibersaryo ng ahensiya.  Ito ang naging pahayag ni Gatchalian matapos niyang matanggap mula sa ahensiya ang Special Kabalikat Award bilang pagkilala sa kanyang adbokasiya na patatagin ang …

Read More »

1,750 mangingisdang naapektohan ng oil spills sa Bataan, nabiyayaan ng food packs mula sa senador

Lito Lapid

NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng family food packs para sa 1,750 mangingisda sa Limay, Bataan nitong Huwebes, 22 Agosto 2024. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lapid na mahalagang maabutan ng kahit kaunting tulong ang mga mangingisdang biktima ng oil spill mula sa lumubog na barko sa Lamao point, Limay, Bataan kamakailan. Inaasahan ni Lapid na kahit paano ay maitatawid …

Read More »

ANIM coalition inilunsad kontra korupsiyon at political dynasty, Reporma sa halalan isusulong

Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan ANIM

INILUNSAD ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) na naglalayong labanan ang korupsiyon, political dynasty, at isulong ang reporma sa halalan. Sa pamamagitan ng koalisyon, titiyakin na marinig ang boses ng taongbayan para sa tunay na pagbabago ng pamahalaan nang sa ganoon ay maramdaman ng bawat Filipino ang isang maunlad na bansa. Kabilang sa mga sektor na nabibilang sa ANIM ay …

Read More »

Bagong Henerasyon partylist solon:  
GLs SA DRUGSTORES AARANGKADA NA

082424 Hataw Frontpage

PINURI ni Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pag-aproba nito sa kanyang panukala na tanggapin ang mga Guarantee Letters (GLs) bilang pambayad ng mahihirap nating kababayan sa pagbili ng kanilang gamot sa mga pribadong drugstores. Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa budget ng DSWD, kinompirma ni DSWD Secretary Rex …

Read More »

Sa isyu ng impeachment
TIKOM-BIBIG PAYO NI CHIZ SA SENATORS

Heart Evangelista Chiz Escudero

HINILING ni Senate President Francis “Chiz” EScudero sa kanyang mga kapwa senador na busalan o itikom ang bibig sa pagbibigay ng komento ukol sa usapin ng impeachment case laban sa impeachable officer o  opisyal ng pamahalaan. Inihayag ito ni Escudero matapos ibunyag ni Vice President Sara Duterte na maugong ang usapin sa pagsasampa ng kasong impeachment laban sa kanya sa …

Read More »

ERC pinagpapaliwanag sa dagdag-singil sa presyo ng koryente

ERC electricity meralco

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Energy Regulatory Commission (ERC) na ipaliwanag ang pag-aproba sa pagtaas ng singil sa koryente simula Oktubre ng taong ito sa hangaring matiyak na makatuwiran ang dagdag singil. “Kailangan nating tiyakin na ang pass-through charges ay makatuwiran upang ang anomang pagtaas sa presyo ng koryente ay hindi masyadong pabigat sa mga mamimili,” ani Gatchalian. Nauna …

Read More »

Natural gas bill inendoso ng Energy chair sa senado

082224 Hataw Frontpage

INENDOSO ni Senate committee on energy chair Senator Pia Cayetano ang agarang pagpasa sa panukalang batas para sa full development ng natural gas industry sa Filipinas. Sa kanyang sponsorship speech nitong Martes, 20 Agosto 2024, hinikayat ni Cayetano ang kanyang mga kapwa senador para agarang ipasa ang Senate Bill No. 2793 o kilala sa tawag na “Philippine Natural Gas Development …

Read More »

Term extension ng barangay officials Suportado ni Tolentino

Francis Tolentino Kanlaon

Suportado ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang panukalang dagdagan ang taon ang termino ng lahat ng nahalal na opisyal ng barangay. Ipinahayag ito i Tolentino sa kaniyang pagdalo sa 2024 National Congress ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas na may temang “Powering Up.” Ayon kay Tolentino, kulang na kulang ang tatlong taong paglilingkod ng isang nahalal na …

Read More »

Edad ‘di sasagip kay Duterte
‘TANDERS’ ‘DI EXEMPTED SA HURISDIKSIYON NG ICC – CHEL DIOKNO

081724 Hataw Frontpage

HINDI kayang iligtas ng kanyang ‘edad’ si dating Presidente Rodrigo Duterte sa aresto kung sakaling ang International Criminal Court (ICC) ay mag-isyu ng warrant kaugnay ng madugong kampanya laban sa ilegal na droga ng kanyang administrasyuon, ayon kay human rights advocate Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno. “Hindi po exempted ang mga ‘tanders’ sa jurisdiction ng International Criminal Court (ICC). Kahit …

Read More »

Kontaminasyon ng water supply mula sa dumi ng tao
CONDO SA FILINVEST TIYAK NA PANANAGUTIN — MAYOR RUFFY

Ruffy Biazon Muntinlupa

TINIYAK ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na kanyang pananagutin ang mapapatunayang maysala sa idinulog na reklamo sa kanya ng isang residente ng condominium na kontamindo ng dumi ng tao ang supply na tubig sa kanyang condominium unit. Ang pagtitiyak ni Biazon ay matapos na personal na dumulog sa kanya si Monalie Dizon, isa sa condominium unit owner ng The Level …

Read More »

E.O. No. 13 klinaro ng legal experts

PAGCOR POGOs

KINUWESTYON ng publiko na nanonood sa mga pagdinig sa Kamara ang naging lohika sa paliwanag ni Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro kaugnay sa Executive Order No. 13 na inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, habang dinidinig ang Philippine Offshore Gaming Corporation. Inilabas ang EO No. 13 noong taong 2017 ni dating Pangulong Duterte, isang administratibong utos na naglinaw sa …

Read More »

Bibiyahe patungong Cebu
TAIWANESE NAT’L MAY DALANG KETAMINE, TIMBOG SA NAIA T3

Taiwanese Ketamine NAIA T3

ARESTADO ang isang pasaherong Taiwanese national sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) terminal 3 nang makuhaan ng ilegal na droga. Sa inisyal na report ng NAIA-PDEA, natuklasan ng OTS personnel ang illegal na droga sa final security checkpoint nang kapkapan ang dayuhan habang papasok siya sa boarding gate. Nabatid na paalis ang pasahero,kinilalang si Chen Yinjyun sakay ng Cebu Pacific …

Read More »

Hirit ni Sen. Alan
Ekonomiyang maunlad, hindi sugal, magpapaunlad sa kaban ng bayan 

Alan Peter Cayetano

TUTUKAN ang pagpapalago sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya imbes umasa sa iba’t ibang uri ng sugal para mapalago ang pondo ng gobyerno. Ito ang pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Martes bilang tugon sa mga panukala sa House of Representatives na muling buhayin at gawing legal ang e-Sabong bilang kapalit sa nawalang revenue kasunod ng pagbabawal sa Philippine …

Read More »

Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MVPA) inilunsad ni dating senador Manny Pacquiao

Maharlika Pilipinas Volleyball Association MVPA

PORMAL nang inilunsad ang Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) sa pangunguna ni dating Senador Manny “Pacman” Pacquiao bilang founding chairman. Ayon kay Pacman, mahalagang suportahan ang bawat uri ng pampalakasan nang sa ganoon ay mas lalong magkaroon ng inspirasyon ang mga kabataang Filipino na huwag pabayaan ang kanilang hilig sa pampalakasan. Bukod dito, nauna nang inilunsad ni Pacquiao ang liga …

Read More »

Tubig inireklamong may coliforms
Muntinlupa city health office sorpresang nag-inspeksiyon, kumuha ng water sample sa isang condo building

Muntinlupa

SINUGOD ng tanggapan ng City Health Office ng Muntinlupa sa pangunguna ni City Health Officer-In- Charge, Dr. Juancho Bunyi ang The Levels Condominium na pag-aaari ng Filinvest matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang residente na mayroong halong dumi ng tao ang supply na tubig na kaniyang ginamit na pampaligo at pangsepilyo ng ngipin. Batay sa reklamo ni Monalie Dizon, …

Read More »

Taguig RTC TRO pinalawig ng 20 araw vs Meralco biddings

080524 Hataw Frontpage

PINALAWIG hanggang 20 araw ang temporary restraining order (TRO) na inisyu ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) laban sa dalawang bidding ng Manila Electric Company (Meralco) para sa karagdagang 1,000MW supply ng koryente. Ang TRO ay bilang tugon sa petisyon para sa injunction na inihain ng mga operator ng proyektong gas ng Malampaya laban sa Meralco bidding na gagawin …

Read More »

Sertipikado na ng FDA
Libreng 150,000 bakuna laban sa ASF inilabas na

Pig Vaccine

NAGPAHAYAG ng kagalakan ang sektor ng agrikultura nang ianunsiyo ng Food and Drug Administration (FDA) na naglabas na sila ng Certificate of Registration para sa bakuna sa African Swine Fever (ASF). Ayon kay Rep. Nicanor “Nikki” Briones, bilang Chairman ng Pork Producers Federations of the Philippines, Inc., at Presidente ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines o AGAP Partylist, natutuwa …

Read More »