PATULOY na minamanmanan ng pulisya ang kilos ng ilang mangingisda sa lalawigan ng Bulacan matapos maaresto ang lima sa kanila habang nasa kasagsagan ang pot session sa bayan ng Hagonoy, nitong Linggo, 5 Hunyo. Sa ulat mula kay P/Col. Cabradilla, acting Bulacan PPO director, kinilala ang mga naarestong sina John Emmanuel Dela Cruz, Romualdo De Leon, Eduardo Baltazar, Randy Espiritu, …
Read More »
Sa pagtatapos ng gun ban,
400 VIOLATORS NAARESTO; 3K BARIL, DEADLY WEAPON, PAMPASABOG NASAMSAM
INIULAT ni PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Matthew Baccay na nakumpiska ng mga awtoridad ang may kabuuang halos 3,000 mga mahahaba at maiikling baril, mga nakamamatay na armas, at mga pampasabog mula sa mga indibiduwal na lumabag sa election gun ban. Ani P/BGen. Baccay, mula simula ng election period noong 9 Enero hanggang 5 Hunyo, nagawang makakumpiska ng kapulisan sa …
Read More »Misis nakuryente sa mikropono ng videoke, patay
SA halip na kasiyahan ay kamatayan ang sinapit ng isang ginang matapos makuryente sa mikropono ng videoke habang siya ay kumakanta sa bayan ng Casiguran, lalawigan ng Aurora nitong Linggo, 5 Hunyo. Sa ulat ng Casiguran MPS, kinilala ang biktimang si Mary Jane Macahipay, residente ng Brgy. 1 Poblacion, sa nabanggit na bayan. Ayon sa salaysay ng asawa ng biktimang …
Read More »
Ayaw mabitin sa inuman
LASENGGO TIMBOG SA PANUNUTOK NG BARIL
KALABOSO ang inabot ng isang lalaki matapos tutukan ng baril ang kapatid ng kanyang kainuman sa bayan ng Cuyapo, lalawigan ng Nueva Ecija. Sa ulat mula sa Cuyapo MPS, kinilala ang arestadong suspek na si Rick Flores. Nabatid na nakikipag-inuman si Flores sa isang kaibigan nang dumating ang kapatid ng huli upang sumundo. Dito nagalit ang suspek dahil kapag umalis …
Read More »
Sa Bulacan
34 SUGAROL, 6 TULAK, 3 PASASWAY NALAMBAT
SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 34 sugarol, 10 drug traffickers, at tatlo kataong pawang may paglabag sa batas sa patuloy na kampanya ng pulisya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 4 Hunyo. Iniulat ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang anim na personalidad sa droga sa ikinasang sa buy bust …
Read More »
Sa Angeles, Pampanga
BEBOT NA NOTORYUS DRUG PEDDLER TIMBOG
NASUKOL ng mga awtoridad ang isang babaeng nakatala bilang high value individual (HVI) at pinaniniwalaang talamak na tulak ng ilegal na droga sa isinagawang anti-illegal drug operation sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes ng gabi, 3 Hunyo. Sa ulat ni P/Col. Diosdado Fabian, acting city director ng Angeles CPS, nagkasa ng buy bust operation ang mga elemento …
Read More »2 Bulakeño todas sa alon ng Bataan
IMBES tanggal-stress, buhay ng dalawang Bulakenyo ang ‘nilamon’ ng alon habang naliligo sa beach resort sa bayan ng Morong, lalawigan ng Bataan, nitong Miyerkoles, 1 Hunyo. Sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/Col. Rommel Velasco, provincial director ng Bataan PPO, kinilala ang mga biktimang sina Jorge Pangilinan, 59 anyos; at kanyang driver na si Ricky Geronimo, 49 anyos, kapwa …
Read More »
Kambal na kamalasan ang inabot
NAAKSIDENTENG RIDER TIMBOG SA BARIL AT GRANADA
ni Micka Bautista Inabot ng kambal na kamalasan ng isang rider na naaksidente muna sa motorsiklo bago nahulihan ng baril at granada sa kanyang belt bag sa bayan ng Sta.Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 31 Mayo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan PPO provincial director, kinilala ang nadakip na suspek na si Marthy Cunanan. Ayon sa ulat, …
Read More »
Sa Candaba, Pampanga
INA AT AMA PINATAY NG ANAK NA ADIK
ni Micka Bautista NATAGPUAN ng mga residente ng Brgy, Mapaniqui, Candaba, Pampanga ang dalawang duguang bangkay – isa sa bakuran at isa sa terasa ng isang bahay – nitong Lunes ng madaling araw, 30 Mayo. Rumesponde ang mga tauhan ng Candaba MPS nang humingi ng tulong ang mga kapitbahay ng mga biktima na nakakita sa mga bangkay na napag-alamang mag-asawa. …
Read More »
Sa Meycauayan, Bulacan
BAHAGI NG GUSALI GUMUHO, 3 PATAY
ni Micka Bautista KINUMPIRMA ng mga awtoridad na binawian ng buhay ang tatlong trabahador nang gumuho ang ikalawang palapag ng ng isang gusaling nirerentahan bilang isang warehouse sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 31 Mayo. Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan PPO provincial director, ang mga nasawi na sina Roel Preston, 38 anyos; Analyn Baldon, 35 …
Read More »Single mom, ginahasa, pinatay sa bigti ng dyowa
NATAGPUANG wala nang buhay ang isang babaeng napag-alamang solo parent, pinaniniwalaang ginahasa at binigti sa loob ng kanyang sariling tahanan sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 29 Mayo. Sa ulat mula sa San Miguel MPS, kinilala ang biktimang si Regine Sebastian, 30 anyos, isang negosyante. Nakita nag biktima noong Linggo ng tanghali na tadtad ng pasa …
Read More »
Sa Mabalacat City, Pampanga…
MONTE DEN SINALAKAY, 4 NA ILIGALISTA TIKLO
SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang monte den sa lungsod ng Mabalacat, sa lalawigan ng Pampanga na nagresulta sa pagkakadakip ng apat na kataong naaktuhan habang nagsusugal nitong Linggo, 29 Mayo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Mabalacat CPS kay P/Col. Alvin Consolacion, acting police director ng Pampanga PPO, nagsagawa ang mga elemento ng Mabalacat CPS …
Read More »Nataranta sa tumirik na jeep babae tumalon, patay
BINAWIAN ng buhay ang isang babaeng tumalon mula sa sinasakyang jeep nang nataranta dahil sa pagtirik nito sa daan sa bayan ng San Guillermo, lalawigan ng Isabela, nitong Linggo, 29 Mayo. Batay sa imbestigasyon ng San Guillermo MPS, kinilala ang biktimang si Josie Ordenas, 51 anyos, na namatay dahil sa pinsala sa kanyang ulo. Papunta sanang sentro ng bayan ang …
Read More »
Sa 1 linggong SACLEO sa Bulacan…
P.79-M DROGA NASAMSAM, 382 LAW VIOLATORS TIMBOG
SA pagtatapos ng isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nakumpiska ang higit sa P797,000 halaga ng ilegal na droga habang nadakip ang 382 kataong lumabag sa batas hanggang nitong Linggo ng gabi, 29 Mayo. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, nakumpiska ang P797,764 halaga ng hinihinalang ilegal na droga …
Read More »1.2 kilong ‘damo’ nasabat 2 tulak, 5 iba pa nakalawit
Nasakote ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang operasyon sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes, 27 Mayo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malolos CPS ng anti-drug bust sa Brgy. Sto. Cristo, sa nabanggit na lungsod …
Read More »
Sa ika-6 na araw ng SACLEO sa Bulacan
8 TULAK, 33 SUGAROL, 4 WANTED PERSONS TIMBOG SA AWTORIDAD
NAARESTO ng mga awtoridad sa ika-anim na araw ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa lalawigan ng Bulacan ang walong tulak, 33 sugarol, at apat na most wanted persons. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nadakip sa ikinasang buy bust operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga police stations ng …
Read More »Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na
Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na sa Bulacan Infection Control Center ang huling pasyente na nagkaroon ng COVID nitong Huwebes, 26 Mayo. Nagsagawa si Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis kasama ang mga doktor, nars, at mga kawani ng pangunahing pasilidad na pang-COVID sa lalawigan ng munting send-off ceremony …
Read More »
Sa ika-3 araw ng SACLEO…
51 LAW VIOLATORS SA BULACAN PINAGDADAKMA
Sa pagpapatuloy ng ikatlong araw ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan PPO, sunod-sunod na nadakip ang 51 kataong pawang may mga paglabag sa batas sa iba’t ibang lugar sa lalawigan hanggang Huwebes ng umaga, 26 Mayo. Sa ulat kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang 25 suspek sa iba’t ibang …
Read More »Antas ng tubig sa Angat Dam posibleng tumaas pa
Inihayag ng National Water Resources Board (NWRB) na posibleng tumaas ang antas ng tubig sa Angat Dam sa lalawigan ng Bulacan na nagsusuplay ng tubig sa buong Metro Manila. Dahil ito sa patuloy na nararanasang La Niña phenomenon o ang patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan sa Metro Manila at ibang lugar sa bansa. Ayon kay NWRB Executive Director …
Read More »
Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
KILABOT NA KAWATAN, SWAK SA SELDA
Sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa mga kriminal na pinaghahanap ng batas, nadakip ng mga tauhan ng Cabanatuan CPS ang No. 9 Most Wanted Person ng lungsod, nitong Martes, 24 Mayo. Sa ulat mula kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 11:00 ng umaga kamakalawa nang magkasa ang mga operatiba ng Cabanatuan CPS Manhunt Charlie …
Read More »
Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA
NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng isang punong barangay sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan matapos tamaan ng pagsabog nitong Lunes bago maghatinggabi, 23 Mayo. Sa ulat mula sa San Ildefonso MPS, hinagisan ng granada ang bahay ng kapitan na si Allan Galvez sa Brgy. Alaga. Walang naiulat na …
Read More »6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo
ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing pawang mga mapanganib na personalidad sa pinaigting pang kampanya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Mayo. Sa ulat na ipinadala ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kay P/BGen. Matthew Baccay, PRO3 PNP regional director, nakatala ang anim …
Read More »
Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO
NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang nalasing sa inuman sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Mayo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, hepe ng Norzagaray MPS, kinilala ang suspek na si Glenn Solis, 27 anyos, isang guro, residente sa Brgy. Partida, sa nabanggit na bayan. …
Read More »
Matapang kapag nakainom
SENGLOT TIKLO SA BOGA
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaking nagtatapang-tapangan matapos ireklamo ng pagbabanta at pagpapaputok ng baril habang nasa impluwensiya ng alak sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 22 Mayo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Marilao MPS, kinilala ang suspek na si Dindo Carballo, residente sa Brgy. Ugongm Valenzuela, na dumayo ng Marilao …
Read More »Tandem na HVT ng ‘Gapo nasakote P.4-M shabu nasamsam
ARESTADO ang dalawang nakatalang high value target (HVT), nakompiskahan ng higit sa P400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operations sa lungsod ng Olongapo nitong Linggo, 22 Mayo. Batay sa ulat ni P/Col. Carlito Grijaldo, acting city director ng Olongapo CPS, nagsagawa ang mga elemento ng CPDEU, PS3 SPDEU, at OCMFC ng anti-illegal drug operation sa loob ng …
Read More »