Saturday , June 15 2024
Arrest Posas Handcuff

Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga

NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus na miyembro ng criminal gang na kumikilos sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, matagumpay na naisagawa ng mga tauhan ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) at Pulilan MPS ang paghahain ng search warrant sa Brgy. Poblacion, bayan ng Pulilan, sa nabanggit na lalawigan kung saan naaresto ang suspek na kinilalang si Francisco Amor, sangkot sa mga kasong paglabag  sa RA 9165 at RA 10591.

Ayon sa ulat, kilala ang suspek bilang miyembro ng Zapata Robbery at Drug Group na kumikilos sa lalawigan ng Bulacan.

Narekober ng mga awtoridad sa pag-iingat ni Amor ang 10 pakete ng hinihinalang shabu, digital weighing scale, notepad, gunting, mga basyong pakete, at isang kalibre. 38 revolver, kargado ng apat na bala.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency, Regional Office 3 (PDEA-RO3), sa ilalim ng Search Warrant na inilabas ng Malolos City RTC Branch 80. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …