Sunday , April 14 2024
Vhong Navarro

Vhong Navarro nagpasalamat sa SC

NAGPAHAYAG ng kagalakan ang TV host/ aktor na si Vhong Navarro sa ibinabang desisyon ng Supreme Court, na nag-dismiss ng dalawang criminal case na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Ani Vhong sa  It’s Showtime kahapon bago ang pagbaba ng desisyon ng Korte Suprema ay medyo nawawalan na siya ng pag-asa.

Dasal ako nang dasal every day and every night na hopefully ay makuha ko na ‘yung minimithi ko, na matapos na itong pinagdaraanan ko. Kasi may mga panahon na akala ko, nawalan ako ng pag-asa eh. Nawalan ako ng hope noong nasa loob ako,” pag-amin ng aktor.

“Pero hindi ako tumigil sa pagdarasal kaya eto na po, [dininig] na po ng Supreme Court ‘yung dasal natin. At nagkakaroon na po ng maganda ang ginawa nilang pagresolba sa kaso ko. 

“Kaya maraming-maraming salamat sa Supreme Court. Maraming-maraming salamat sa aking legal team na talagang nandiyan, hindi ako pinabayaan,” sambit ni Vhong.

Pinasalamatan din ni Vhong ang ABS-CBN at ang kanyang manager na si direk Chito Rono na naniwala at hindi nang-iwan sa kanya.

Of course, ABS-CBN dahil hindi ako iniwan, binigyan ako ng trabaho. Welcome ako rito sa ‘Showtime.’ Sir Carlo Katigbak, Sir Mark Lopez and of course Tita Cory Vidanes, maraming-maraming salamat. I love you. Lagi kayong nandiyan. Lagi kayong nakaalalay sa akin. Of course, Direk Chito Roño, sa manager ko. I love you boss thank you so much. Sa Street Boys.

At sa mga taong naniniwala sa akin, sumusuporta sa akin, marami pong salamat. Of course my family kay Tanya, kay Yce, kay Bruno, sa dalawang nanay ko, sa mga kapatid ko at sa mga kaibigan ko pa, maraming-maraming salamat,” dagdag pa ng aktor.

Idinagdag pa ni Vhong na nagbalik ang paniniwala niya sa justice system ng ating bansa.

Dahil sa Supreme Court naniniwala po ulit ako na may justice system sa Pilipinas. Salamat po. Kaya patuloy po tayong magdarasal. God is really good,” nasabi pa ni Vhong at pagkaraan ay inayakap siya ng mga kasamahan sa It’s Showtime. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sunshine Dizon Sunny

Sunshine napangatawanan pagiging retokada, Candy agaw-eksena sa Sunny

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ALIW na aliw kami sa bagong handog na pelikula ng Viva …

Klinton Start

Klinton Start, magiging active ulit sa showbiz pag-graduate ng kolehiyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA KANYANG pag-aaral muna sa kolehiyo ang naging focus ngayon …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Kilalang direktor nag-resign dahil sa sobrang ‘komesiyal’ ng production

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAANO kaya ka-true ang tsismis na umano’y nag-resign ang isang kilalang direktor sa …

MarVen KrisshRome HyGab Marco Gallo-Heaven Peralejo, Krissha Viaje Jerome Ponce  Hyacinth Callado Gab Lagman

3 loveteam ng VAA pantapat sa mga kilalang tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, may tatlong love teams ang Viva Artists Agency na ipanlalaban sa mga …

Sparkle artists

Sparkle artists magkakaroon pa ng shows sa LA at Japan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pang shows abroad this year ang aabangan sa Sparkle artists …