Sunday , May 28 2023
arrest prison

Top 7 most wanted ng Bulacan nakalawit

ARESTADO ang nakatala bilang most wanted person (MWP) sa provincial level ng Bulacan sa mas pinaigting pang kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan nitong Linggo, 19 Pebrero.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, natunton at nadakip sa masigasig na operasyon ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS ang suspek na kinilalang si John Clifford Oandasan, sa Brgy. Gaya-Gaya, sa nabanggit na lungsod.

Nakatala si Oandasan bilang rank 7 MWP ng lalawigan sa tatlong bilang ng kasong Rape by Sexual Assault kaugnay sa RA 7610 at Lascivious Conduct sa ilalim ng Sec. 5 (B) ng RA 7610.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng San Jose del Monte RTC Branch 5-FC na may inirekomendang piyansang P200,000 sa bawat kaso.

Matapos maaresto, pansamantalang isinailalim si Oandasan sa kustodiya ng San Jose del Monte CPS habang hinihintay ang pagsisimula ng pagbasa para sa kinasasangkutan niyang kaso sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Nelson Santos PAPI RTC

Pagpili ng ‘PAPI’s Outstanding Court Sheriff inilunsad na

BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff …

DOST 10 PAPI DOST Flores Lantapan, Bukidnon Pineapple Fiber

DOST, Congressman Flores ink partnership to launch project on Pineapple Fiber Extraction in Lantapan

The Department of Science and Technology (DOST) and Representative Jonathan Keith Flores of the 2nd …

DOST 10 Subanen S&T Digital library

628 Subanen learners benefit from DOST’s S&T Digital library

Six hundred twenty-eight Subanen learners from Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) in Conception, Misamis …

Bulacan Police PNP

Negosyante na may kasong sexual abuse nasakote; 24 pang law breakers siyut sa balde

Umiskor ng matagumpay na operasyon ang pulisya sa Bulacan nang mahulog sa kanilang mga kamay …

dead gun police

Engkuwentro sa Bataan: 2 gunrunner 1 pulis patay 2 sugatan