“MULA noon hanggang ngayon, ang pagiging Gintong Kabataan ng Bulacan ay naging sagisag na ng dangal ng mga bagong henerasyon ng Bulakenyong itaguyod ang larangang kanilang kinabibilangan, habang patuloy na namumuhay bilang mapanagutang mamamayan ng ating bayan. Narito‘t kasama tayo ng mga marangal na kabataang gumagamit ng kanilang talento, katatagan, imahinasyon at may pagpapasya sa sarili upang umukit ng pangmatagalang …
Read More »3 tiklo sa ilegal na pagawaan ng paputok
ARESTADO ang tatlo katao matapos maaktohang gumagawa ng paputok nang walang kaukulang permiso sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Tandang Sora St., Green Breeze 1 Subd., Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Sta.Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 5 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Christian Alucod, hepe ng Sta. Maria MPS, kay P/Col. Relly …
Read More »Business clearance para sa gumagawa’t nagtitinda ng paputok itinigil
PANSAMANTALANG inihinto ng Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, ang pagbibigay ng business clearance sa mga gumagawa at nagtitinda ng paputok, dalawang araw matapos ang pagsabog sa isang ilegal na pagawaan ng paputok sa Sitio Manggahan, sa nabanggit na barangay. Naglabas ng resolusyon ang Sangguniang Barangay nitong Biyernes, 4 Nobyembre, na nagtatakda ng joint inspection …
Read More »SINEliksik Bulacan Grand Champion – Best Program for Culture and the Arts
TINANGGAP ni Vice Gov. Alexis Castro para sa Bulacan ang tropeo ng SINEliksik bilang Grand Champion para sa Best Program for Culture and the Arts na iginawad ng Association of Tourism Officers of the Philippines -Department of Tourism Pearl Awards 2022 na ginanap sa Taal Vista Hotel, Tagaytay noong Biyernes, 28 Oktbre. Kasama niya sina (mula kaliwa) Provincial History, Arts, …
Read More »Wanted person nakalawit sa Oplan Pagtugis
NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaghahanap ng batas dahil sa nakabinbing kaso sa hukuman sa kanyang pinagtataguan sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 1 Nobyembre. Kinilala ang suspek na si Jomar Marzan na nadakip ng mga operatiba ng CIDG Bulacan katuwang ang 1st PMFC, Bulacan PPO at San Jose del Monte CPS …
Read More »2 suspek sa pang-aabuso tiklo
KAHIT Undas ay hindi tumigil ang pulisya sa Bulacan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga mamamayan gaya ng pagkakaaresto sa dalawang most wanted persons sa serye ng anti-criminality drive sa lalawigan nitong Martes, 1 Nobyembre . Sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operations …
Read More »Bulacan, nagkamit ng Hall of Fame Award para sa local revenue generation
MULING kinilala ang tuloy-tuloy at katangi-tanging kahusayan ng Bulacan sa pagkolekta ng lokal na kita sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Daniel Fernando sa paggawad ng Department of Finance – Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF) ng parangal na Hall of Fame para sa Local Revenue Generation sa ginanap na Awarding Ceremony sa Philippine International Convention Center, sa Pasay City, …
Read More »
Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
TIRADOR NG MOTORSIKLO DEDO SA SHOOTOUT
NAPATAY ang isang hinihinalang motornapper matapos makipagbarilan sa mga operatiba sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng Nueva Ecija nitong Lunes ng madaling araw, 31 Oktubre. Batay sa ulat na ipinadala kay PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ng Nueva Ecija PPO, kinilala ang napaslang na suspek na si Crisanto Reyes, sakay ng isang asul na motorsiklong Rusi na target ng …
Read More »
Sa Sta. Maria, Bulacan
BANGKAY NG BINATANG NALUNOD SA ILOG NATAGPUAN NA
MAKALIPAS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan ng mga awtoridad nitong Martes ng umaga, 1 Nobyembre, ang bangkay ng isang binatang nalunod sa ilog sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, noong Linggo ng hapon, 30 Oktubre. Ayon kay Konsehal Jess De Guzman ng Sta.Maria at siyang nanguna sa isinagawang search and retrieval operation, dakong 9:30 am kahapon nang …
Read More »
Sa Bulacan
LIDER NG ‘CRIMINAL GANG’ TIMBOG 
NAARESTO ng mga awtoridad ang pinuno ng isang notoryus na ‘criminal gang’ sa isinagawang operasyon sa bayan ng Plaridel, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Jannel Contreras, alyas Miyaw, 33 anyos, nadakip ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa drug buy-bust operation sa …
Read More »BUWAN NG MGA KATUTUBO.
Ang pinuno ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism na si Dr. Eliseo S. Dela Cruz, kasama ang mga katutubong komunidad sa Sitio Manalo, Brgy. San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan sa idinaos na Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat na may temang “Pagsasakatuparan ng mga Katutubong Karapatan at Kapakanan Batay sa Kanilang mga Pangarap at Hangarin” noong Huwebes, 21 Oktubre. Nasa …
Read More »Natatanging kooperatiba sa Bulacan kikilalanin
BILANG bahagi ng buong buwang pagdiriwang ng Cooperative Month, kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ang mga katangi-tanging nagawa ng mga kooperatiba at mga kontribusyon nito sa lokal na ekonomiya sa programang “Gawad Galing Kooperatiba Awards” na gaganapin sa darating na Biyernes, 28 Oktubre, ganap na 3:00 pm sa Bulacan …
Read More »Anak binaril ng ama, patay retiradong pulis arestado
DINAKIP ng mga awtoridad nitong Lunes, 24 Oktubre ang isang retiradong pulis na inakusahang binaril ang sariling anak matapos ang matinding sagutan sa kanilang bahay sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang suspek na si Enrique Galapate, 62 anyos, inaresto …
Read More »Pampanga PPO OIC itinalaga
PINAMUNUAN ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang paglilipat ng tungkulin sa Pampanga PPO na ginanap sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, noong Sabado, 22 Oktubre. Itinalaga si P/Col. Levy Hope Basilio bilang bagong Officer-In-Charge ng Pampanga PPO kapalit ni P/Col. Alvin Ruby Consolacion na nagsilbi bilang acting provincial director sa loob ng pitong buwan. Si P/Col. …
Read More »6 drug suspects, 25 sugarol nakalawit sa Bulacan
SUNOD-SUNOD na nadakip ang anim kataong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at 25 sugarol sa pinaigting na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 23 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, inaresto sa bisa ng search warrant ng San Jose del Monte CPS sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte ang suspek …
Read More »Ika-339 taon pagkakatatag ng Angat, Bulacan, ipagdiriwang ngayon
IDARAOS ngayong Lunes, 24 Oktubre, ang ika-399 taon pagkakatatag ng bayan ng Angat, sa lalawigan ng Bulacan na katatampukan ng mga programang isasagawa sa kanilang munisipyo at simbahan sa pangunguna ni Mayor Jowar Bautista. Unang naging matagumpay ang inilunsad na Himig ng GulayAngat Festival Song Writing Competition noong 16 Oktubre, sa Greenfields Resort, Brgy. Binagbag, Angat. Kasabay nito, idinaos ang …
Read More »Tulak pumalag sa aresto, dedo sa enkuwentro
NAPATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang drug operation ng mga awtoridad na nauwi sa enkuwentro sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 22 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang napatay na suspek na si Rene Redobla, alyas Empoy, residente sa Brgy. Perez, sa nabanggit na lungsod. Batay …
Read More »
Sa Farmers’ Field School
512 BULAKENYONG MAGSASAKA, MANGINGISDA NAGTAPOS NG TRAINING COURSES 
NAGTAPOS at nakompleto ng apat na pangkat ng mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda ang kanilang season-long Farmers’ Field School (FFS) at mga kurso ng pagsasanay; nakakuha ng karagdagang kaalaman upang doblehin ang kanilang ani; at tumanggap ng kanilang katibayan sa ginanap na Mass Graduation Ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium, lungsod ng Malolos. Pahayag ni Gobernador Daniel Fernando, buo ang suporta …
Read More »Mining, quarrying sa Bulacan pansamanatlang ipinagpaliban
SA isang follow-up meeting kasama ang sektor ng pagmimina na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos, lalalawign ng Bulacan, nitong Huwebes, 20 Oktubre, inihayag ni Gob. Daniel Fernando na pansamantalang ipagpapaliban ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pagpapatupad sa Executive Order No. 21-2022 sa 26 Oktubre na nagsususpendi sa pagmimina at pagka-quarry sa …
Read More »Bulacan kaisa sa pagdiriwang ng Nat’l Indigenous People’s month
BILANG pakikibahagi sa pagdiriwang ng National Indigenous People’s Month, magsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, ng isang programa para sa mga katutubo na tinawag na “Taunang Araw ng mga Katutubong Dumagat” ngayong Biyernes, 21 Oktubre, sa Sitio Manalo, Brgy. San Lorenzo, sa bayan ng Norzagaray. May temang “Pagsasakatuparan ng mga …
Read More »Most wanted estapadora ng Bulacan arestado
NAHULOG sa kamay ng mga awtoridad ang isang babaeng matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay ng mga kasong kinakaharap sa hukuman na kanyang pinagtataguan sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 19 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, na si Marichu Vivas, residente sa Brgy. San Pablo, Hagonoy, nakatalang most wanted person sa municipal …
Read More »DTI-3, PhilExport R3, Likha ng Central Luzon 2022
MAKIKITA sa larawan ang mga dumalo sa sa regional trade promotion activity para sa Likha ng Central Luzon 2022 na inorganisa ng DTI-3 at PhilExport R3 na sinuportahan ng Regional Development Council R3 at Central Luzon Growth Corridor Foundation, Inc. na kinabibilanagan ng ptiong gobernador sa rehiyon at DTI bilang miyembro. Nasa larawan sina Ma.Cristina Valenzuela, Division Chief ng BDO; …
Read More »
P10-M ‘damo’ nakumpiska
3 TULAK TIMBOG SA BULACAN
TINATAYANG P10.02-milyong halaga ng marijuana ang nasamsam mula sa mga nadakip na tatlong hinihinalang mga tulak sa pinatindi pang kampanya laban sa ilegal na droga ng Bulacan PPO sa mga bayan ng Guiguinto at Obando nitong Miyerkoles ng umaga, 19 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang mga naarestong suspek na sina Eliterio Pazon, Jr. alyas …
Read More »TMRU ng Bulacan PPO muling binuhay
MULING ibinalik ng Bulacan PPO ang Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) sa ipinakitang puwersa sa kanilang pagparada sa loob ng Camp Gen. Alejo S. Santos, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes ng hapon, 17 Oktubre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, ang pagbuhay sa TMRU ay inilunsad ng Bulacan PPO upang hadlangan ang mga krimeng gaya ng …
Read More »Ramon S. Ang, Gob. Daniel R. Fernando, Bulakenyong bayaning tagapagligtas
PINAGKALOOBAN ni Ramon S. Ang (pang-apat mula sa kanan), pangulo at chief executive officer ng San Miguel Corporation, ng pinansiyal na tulong na tig-P2 milyon at livelihood assistance ang kada pamilya ng mga Bulakenyong bayaning tagapagligtas na sina Marby Bartolome, George Agustin, Jerson Resurreccion, Troy Justin Agustin, at Narciso Calayag, Jr., sa ginanap na pulong sa SMC Head Office sa …
Read More »