Tuesday , November 5 2024

Jun David

Retraining sa 1,143 Caloocan cops sinimulan na

caloocan police NPD

SINIMULAN na ang retraining kahapon sa 1, 143 pulis Caloocan  sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, na tinanggal sa puwesto makaraan ang sunod-sunod na kontrobersiyang kanilang kinasangkutan. Ayon kay Chief Insp. Kimberly Molitas, Public Information Office chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tatagal ang nasabing retraining ng 30 hanggang 45 araw. Sila ay muling isasalang sa physical training, …

Read More »

Curfew sa Navotas pinigil

SINUSPENDI sa lungsod ng Navotas kahapon ang implementasyon ng curfew sa mga kabataan bilang pagsunod sa inilabas na temporary restraining order ng Supreme Court na nagsabing labag sa Constitution ang lokal na curfew ordinance. Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, hiniling niya sa kanilang Sangguniang Panlungsod na bumalangkas ng bagong ordinansa patungkol sa curfew base sa mga panuntunan …

Read More »

100 bata nasagip sa malnutrisyon (Sa Navotas City)

Sa 104 batang may pinakamalalang kaso ng malnutrisyon, 100 ang napagaling ng Navotas City Nutrition Office. Base sa datos, sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, nakapagtala sila noong Enero ng 104 bata na may edad 0-71 buwan sa katergoryang “severely wasted” na pinakamalala sa mga kaso ng severe acute malnutrition (SAM). “Nasa bingit ng kamatayan ang mga batang …

Read More »

Curfew sa Caloocan pinaigting

PERSONAL na nag-obserba si Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa pagpapatupad ng curfew sa Bagong Barrio, Linggo ng gabi. Ayon sa mayor, may mangilan-ngilang mga residente ang nahuli sa paglabag sa ordinansa ng curfew ngunit agarang pinauwi lalo ang mga kabataan. Ipinatawag ang kanilang mga magulang at matapos ang maikling pangaral ay pinauwi agad ang mga nahuli, sabi ng mayor. “Ang …

Read More »

Caloocan best police station

caloocan police NPD

BAGAMA’T nasasalang sa malaking kontrobersiya ang mga pulis Caloocan, binati ni Mayor Oscar Malapitan nitong Lunes ang mga pulis sa pagkakamit ng “Best Police Station in Metro Manila” award. Ayon kay Malapitan, ang parangal ay ibinigay ng Department of the Interior and Local Government at ng National Capital Regional Police Office noong 22 Agosto sa kasagsagan ng kaso ng Grade …

Read More »

Smoking ban paiigtingin sa Caloocan

yosi Cigarette

KAUGNAY sa Executive Order 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte, inumpisahan na ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang pagpapaigting sa pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar lalo sa loob ng Caloocan City Hall. Sa flag raising ceremony, sinabi ni Mayor Oscar Malapitan, isang smoker sa loob ng mahabang panahon, maging siya ay hindi na maninigarilyo kapag nasa mga pampublikong lugar, …

Read More »

Valenzuela may tulong pinansiyal sa drug rehab graduate

Drug test

MAY tulong pinansiyal na halagang P10,000 ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa mga dating nagumon sa ilegal na droga at ngayon ay magtatapos sa kanilang rehabilitation program sa Magalang, Pampanga, para sa kanilang panimula. Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ang tulong pinansiyal ay upang makapag-umpisa ng panibagong buhay ang mga magsisipagtapos sa anim-buwan programang kanilang nilahukan makaraan sumuko sa ilalim …

Read More »

TESDA corruption free, illegal drug free — chief

President Rodrigo Roa Duterte does his signature pose with Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Guiling Mamondiong and TESDA employees during the agency's 23rd anniversary celebration at the TESDA Complex in Taguig City on August 30, 2017. RICHARD MADELO/PRESIDENTIAL PHOTO A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 1, 2017 at 12:46pm PDT …

Read More »

Imbestigasyon sa Kian case iniutos ni Digong

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

IPINAG-UTOS ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa pulisya na magsumite ng masusing imbestigasyon hinggil sa naganap na ‘pagpaslang’ sa isang 17-taong-gulang na Grade 11 student noong Miyerkoles ng gabi sa naturang lungsod. Isang parallel investigation ang nais mangyari ng alkalde na pangungunahan ng Caloocan Peace and Order Council hinggil sa pagkamatay ng estudyanteng si Kian Loyd Delos Santos. Ang …

Read More »

Mayor Tiangco namahagi ng 70 laptop sa Navotas teachers

NAMAHAGI si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng 70 laptop sa mga guro sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya para isulong ang paggamit ng information and communications technology sa klase. Sumailalim ang mga guro sa seminar kung paano isasama ang ICT sa pagtuturo at paano gumawa ng pito hanggang 10 minuto na pinaikling lesson videos. Namigay rin …

Read More »

Caloocan humakot ng parangal

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

  PINASALAMATAN at binati ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang masisipag na mga tauhan ng iba’t ibang departmento at opisinang may partisipasyon sa pagtanggap ng pamahalaang lungsod ng mga pagkilala at parangal sa dalawang magkaibang sangay. Isa sa parangal na ipinakaloob sa Caloocan ang “Seal of Child-Friendly Local Governance” na tinanggap ni Caloocan City Social Welfare and Development Office …

Read More »

Payo ng TESDA sa estudyante, pumili ng wastong kurso (Solusyon sa job mismatch)

PINAYOHAN ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga mag-aaral na piliin nang wasto ang kuku-ning kurso upang maiwasan ang job mismatch kapag nagtapos na sa kanilang pag-aaral. Ayon kay TESDA Director General Guiling Mamondiong, napakahalaga na mapag-isipang mabuti ng mga mag-aaral kung ano ang kanilang kukuning kurso upang makakuha agad sila ng trabaho sa kanilang pagtatapos. Dahil …

Read More »

Pamana ni ‘Mama Sita’ pinarangalan ng Navotas

BINIGYANG-PARANGAL ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas si Teresita R. Reyes, kilala bilang “Mama Sita” at nagtatag ng Marigold Manufacturing Corporation. Iginawad ni Mayor John Rey Tiangco ang isang “plaque of appreciation” kay Clara Reyes-Lapus, anak ni “Mama Sita,” para sa donasyon ng kanyang pamilya na koleksiyon ng Te-resita “Mama Sita” R. Reyes commemorative stamps (series of 2013-2015) at dalawang set …

Read More »

Emergency Skills Training Program sinimulan na ng TESDA

PORMAL nang sinimulan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Emergency Skills Training Program (TESTP) na layuning makapagbigay ng kasanayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang ang nagsi-uwing Overseas Filipino Workers (OFWs). Napag-alaman mula kay TESDA Director General Guiling Mamondiong, nitong 1 Mayo nang simulan ng naturang ahensiya ang pagtanggap ng aplikasyon mula sa mga gustong mapabilang …

Read More »

Bagong batas-trapiko handa nang ipatupad (Sa Caloocan City)

HANDA na ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City sa pagpapatupad ng kapapasang mga batas na nagbabawal gumamit ng gadgets ang mga nagmamaneho at nagbabawal magsakay ng maliliit na bata sa motorsiklo. Ayon kay Engineer Gilberto Jay Bernardo, tagapamahala ng Department of Public Safety Office and Traffic Management (DPSTM), nagpatawag siya ng pulong sa transport groups sa lungsod, at inihayag …

Read More »

First aid seminar for teachers inilunsad sa Navotas

UMABOT sa 30 guro ng child development centers at kindergarten on wheels ang sumailalim sa seminar at training sa pagsasagawa ng first aid sa gabay ng Navotas Health Emergency Management Office. Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng may kaalaman at kasa-nayan sa pangunang lunas. “Maaaring magkaroon ng brain damage ang isang tao pag walang oxygen na pumapasok …

Read More »

Hikayat sa kababaihan sa Caloocan: Cervical screening, breast exam samantalahin — Mayor Oca

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

HINIKAYAT ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, na samantalahin ng mga residenteng kababaihan ang libreng health services gaya ng cervical screening at breast examination, isasagawa ng local health department sa buwan na ito. Ayon kay Malapitan, ang naturang serbisyo ay gagawin sa buong buwan ng Marso, bilang selebras-yon sa Buwan ng Kababaihan sa buong mundo, may temang “WE (Women Empowerment) …

Read More »

Kampanya vs droga sa Caloocan tuloy-tuloy — Malapitan

BINIGYANG-DIIN ni Mayor Oscar Malapitan ang tuloy-tuloy na paglaban sa ilegal na droga sa Caloocan City, sa kanyang pakikipagpulong sa 188 punong barangay sa Buena Park, kamakailan. Ang mga kapitan ang mga pinuno ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), kaya’t nakaatang sa kanilang balikat ang paglilinis sa ilegal na droga sa kanilang komunidad, sa pamamagitan ng ‘su-yod’ system. Ito ang …

Read More »

Mayor Asistio pumanaw na

PUMANAW na si dating Caloocan City Mayor Macario “Boy” Asistio, 80-anyos, nitong Lunes, dakong 10:55 am, makaraan ang halos isang linggong comatose. Nitong 1 Pebrero, isinugod sa Metro Antipolo Hospital sa Infanta Highway, ang dating alkalde nang mahilo at sumuka, sinasabing mga sintomas ng mild stroke. Sinikap i-revive ng mga doktor si Asistio, ngunit na-comatose ang alkalde. Nitong Sabado, ayon …

Read More »

Caloocan City hall drug free na

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

ITINURING na drug free na ang Caloocan City Hall makaraan paalisin ang mga empleyadong nagpositibo sa random drug testing sa iba’t ibang departamento nito. Sa emergency meeting ng Caloocan Anti-Drug Abuse Council (CADAC), sinabi ni Mayor Oscar Malapitan, ang paglilinis sa hanay ng mga empleyado ang dapat unang mangyari upang sumunod ang lahat ng mga negosyo at mga barangay sa …

Read More »

TESDA, PCCI sanib-puwersa sa kabuhayan ng Filipino

NAGSANIB-PUWERSA kahapon ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na layong matugunan ang kahirapan at upang mabigyan nang sapat na kasanayan at pagkakakitaan ang mga Fi-lipino. Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guling “Gene” Mamondiong, ang pagpasok sa memorandum of agreement ng kanilang ahensiya at PCCI ay upang mabigyan ng …

Read More »

Biktima ni Nina tutulungan ng TESDA

TUTULUNGAN ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga biktima ng Bagyong Nina upang muling makabangon sa kanilang masamang karanasan. Ang mga naging biktima ng bagyo ay isasailalim sa community-based training program at training con production na ilalaan para mu-ling maitayo ang mga kabahayan. Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, kasalukuyan nang iniisa-isa ng mga …

Read More »

Police asset tinortyur ng pulis-Valenzuela

NAKARANAS ng torture ang dating police asset na inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Station, sinasabing tatlong beses inilalabas sa detention cell pagsapit ng madaling araw para pahirapan. Ito ang ipinagtapat ni Gideon Roldan, inaresto kamakailan ng mga pulis sa kanilang bahay sa Gumamela Extension, Brgy. Gen. T. De Leon dahil sa hinalang pagtutulak ng ilegal na droga. Aniya, …

Read More »

Demolisyon sa ‘lumang palengke’ tinutulan ng vendors

NAGKAGULO ang mga miyembro ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) at mga nagtitinda sa Langaray Market nang magsimula ang demolisyon para sa nabinbing pagsasaayos nitong Sabado. Nagkasakitan ang magkabilang kampo, dahil sa pambabato at puwersahang pagsasara ng palengke sa pamamagitan ng paglalagay ng mga yero sa mga stalls ng nasabing palenge. Dakong 8:00 am nang sumiklab ang …

Read More »

Ika-153 araw ni Bonifacio pangungunahan ng Caloocan City

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

PANGUNGUNAHAN ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa pamumuno ni Mayor Oscar Malapitan, katuwang ang Cultural Affairs and Tourism Office (CATO), ang pagdiriwang sa ika-153 kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa kanyang bantayog ngayong araw. Sisimulan ang pagdiriwang dakong 7:00 am at inaasahang dadaluhan ng libo-libong mga mag-aaral, residente, at lokal na mga empleyado ng lungsod. Kabilang sa programa ang pagtataas …

Read More »