Saturday , December 13 2025

hataw tabloid

Dog bites cases tumataas sa La Union

SAN FERNANDO CITY, La Union – Patuloy na inoobserbahan ng Municipal Health office at Provincial Veterinay Office ang mga nakagat ng aso sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Bagulin sa lalawigan ng La Union. Ayon sa ulat mula sa Bagulin Municipal Health Office, umaabot na sa 13 katao ang naitalang na-kagat ng aso sa kanilang bayan. Habang dalawang residente …

Read More »

US-PH EDCA bubusisiin ng Senado

NAKATAKDANG magsagawa ng pagdinig ang Senado kaugnay ng kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nilagdaan ng Filipinas at ng Estados Unidos. Inihayag ito ni Senate defense committee chairman Sen. Antonio Trillanes IV kasunod ng panawagan ni Senate President Franklin Drilon na dapat magkaroon ng pagdinig ang kinauukulang lupon. Ngunit ayon kay Trillanes, magiging executive session ang pagdinig dahil …

Read More »

3 nagkanlong kina Lee, Raz sabit sa asunto

TATLO katao ang maaaring sampahan ng kasong criminal dahil sa pagkupkop sa negosyanteng si Cedric Lee at Simeon Zimmer  Raz, Jr.,  para makapagtago sa batas. Hindi muna pina-ngalanan ng National Bureau of Investigation ang nagkanlong kina Lee at Raz sa isang beach house sa Dolores, Eastern Samar. Ayon sa NBI, mahaharap sa kasong obstruction of justice ang mga sangkot na …

Read More »

Red Cross member lumutang sa ilog

ISANG bangkay ang natagpuang lumulutang sa Pasig River, na  pinaniniwalaang tauhan ng Philippine Red Cross, sa Port Area, Maynila, iniulat kahapon. Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section,  kinilala sa pamamagitan ng nakitang ID ang biktimang si Joel Taño, nasa edad 40-45 anyos. Sa report, nakita sa bulsa ng biktima ang isang ID ng Red Cross, …

Read More »

Miriam ‘di na uupo sa Int’l court

INIHAYAG ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, malaki ang posibilidad na hindi siya uupo sa International Criminal Court. Ito ang naging sagot ng senadora nang tanungin tungkol sa kanyang appointment sa ICC sa media briefing sa UP-Cebu kamakalawa. Ayon kay Santiago, gusto lamang niya maging “polite” sa international tribunal kaya hindi siya nagbigay ng kompromiso. Iginiit ni Sen. Miriam, hadlang sa pag-upo …

Read More »

Utak ng criminal syndicate sa Antipolo, binalaan

Binalaan ng Lakap Ba-yan (Bantay ng Bayan Laban sa Katiwalian sa Pamahalaan) na binubuo ng mga aktibo at retiradong opisyal ng militar at pulisya ang kanilang mga kabaro na tumigil na sa ilegal na gawain tulad ng pagpatay kay Chief Inspector Elmer Santiago na lumikha ng “drug diagram” na nagsangkot sa 33 opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP). …

Read More »

12 sugatan sa bumaliktad na truck

ZAMBOANGA CITY – Su-gatan ang 12 katao maka-raan bumaliktad ang isang cargo truck sa highway ng Sitio Manganese, Brgy. Ca-nupong sa bayan ng Gutalac, Zamboanga del Norte. Sa report mula sa Police Regional Office (PRO-9), nangyari ang insidente dakong 6 a.m. kahapon nang nawalan ng preno ang na-sabing truck lulan ang humi-git kumulang sa 20 katao. Nabatid na nanggaling ang …

Read More »

‘Kanta’ ni Napoles sintonado?

SINTUNADO nga kaya ang mga “ikinanta” ng damuhong si Janet Napoles kay Justice Sec. Leila de Lima kaugnay ng mga scam na kanyang kinasangkutan? Ayon kay De Lima ay tumutugma ito sa pahayag ng whistleblowers at may ebidensyang magpapatunay sa kanyang testimonya, pero wala namang maipakita kaya naiinip na ang publiko. Maging ang pagpasok ni dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson …

Read More »

Herbert, hinahabol si Kris?

  ni  Alex Brosas “WHAT’S with this QC Mayor Herbert Bautista na gabi-gabi tinatawagan pa rin si @krisaquino214 kahit na totally dedma/hindi na sya pinapansin?” ‘Yan ang naka-post sa official Kris Aquino Facebook account. Nakakaloka, ‘di ba, kasi parang pinalalabas na habol nang habol itong si Mayor Herbert sa nanay niBimby. Parang pinapahiya na nila si Mayor Herbert dahil pinalalabas …

Read More »

Bugoy, tumayong magulang sa pitong kapatid

ni  Pilar Mateo WALONG taong gulang na batang tumatayong magulang sa kanyang pitong kapatid ang karakter na bibigyang buhay ng internationally acclaimed child actor na si Bugoy Cariño sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN ngayong Sabado (Mayo 3). Mula nang inabandona ng kanilang nanay at tatay, inako na ni Jose (Bugoy) ang responsibildad na pangangalaga at pagtataguyod sa kanilang …

Read More »

Kathryn Bernardo, papasok sa PBB All In?

ni  Nonie V. Nicasio MARAMING fans ng teenstar na si Kathryn Bernardo ang sobrang na-excite nang may lumabas na balitang posible siyang pumasok sa latest edition ng Pinoy Big Brother ng ABS CBN. Fan na fan pala si Kathryn ng PBB kaya nang usisain ng mga kapatid sa panulat, nasabi ng Kapamilya star na kung puwede ay gusto niyang maranasan …

Read More »

Ina pinugutan ng anak na ex-OFW

ILOILO CITY – Patay ang isang ginang makaraan pugutan ng ulo ng kanyang anak na lalaki sa Brgy. Bonbon, Lambunao, Iloilo kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Erlinda Liderato, 65, habang agad naaresto ang suspek na si Alendre, 35-anyos, kapwa ng nasabing lugar. Ayon kay Punong Brgy. Rolando Araceli, may dinaranas na nervous breakdown ang suspek kaya’t nagawang pugutan …

Read More »

‘Manok’ ni PNoy ikinampanya sa Labor Day

WALA na ngang magandang balita para sa mga uring manggagawa, ginamit pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang seremonya sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa para ikampanya ang hindi pinangalanang mamanukin sa 2016 presidential derby. “Ang pakiusap ko po: Kung naniniwala kayo na tama ang ating ginagawa, kung ayaw ninyong mabalewala ang maganda nating nasimulan sa tuwid na daan, …

Read More »

UMALON at lumatag sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila ang…

UMALON at lumatag sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila ang mga pulang bandila at streamer na bitbit ng mga manggagawang miyembro ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), habang tila nagliyab ang pagkadesmaya sa administrasyong walang malasakit sa maralita, ng Kilusang Mayo Uno (KMU), gaya ng sinilaban nilang effigy ni PNoy, sa kanilang programa sa tulay ng Chino Roces sa …

Read More »

Miss Earth contestant ‘nangisay’ sa rampa

MANILA – Isa sa mga kandidata ng 2014 Miss Philippines Earth ang hinimatay nitong Miyerkoles ng gabi sa kasagsagan ng bikini competition na ginanap sa Solaire Resort & Casino sa Parañaque City. Ang Fil-American kalahok na si Leslie Ann Pine, kumakatawan ng San Leonardo, Nueva Ecija, ay biglang natumba matapos tawagin ang special award bago maghatinggabi. Ayon sa kapwa kandidatang …

Read More »

Public bidding sa BGC lot sisimulan na

SISIMULAN ngayon buwan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang public bidding para sa development ng isang loteng pag-aari ng  gobyerno  na  nasa  Bonifacio  Global  City, Taguig. Tiwala si BCDA officer-in-charge Aileen Zosa, marami ang  interesado na upahan ang naturang lupa para gawing commercial-residential complex. Ang nasabing lote ay ang Lawton Corporate Center Lot, may sukat na 5,000 square meters, …

Read More »

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Dapat na maging maingat sa isasarang kontrata o sa pagpili ng bibilhing mahalagang bagay. Taurus  (May 13-June 21) Magiging stable ang iyong mood sa buong maghapon. Gemini  (June 21-July 20) Kung nais magtagumpay sa ano mang larangan, dapat baguhin ang ipatutupad na taktika. Cancer  (July 20-Aug. 10) Iwasan ang pakikipagtalo sa senior staff, posible kang masipa …

Read More »

Nanganak sa panaginip

Dear senor h, Nanagnp aq ng baby, nanganak na dw aq… anu po b ang ibg sbhin nito Señor h? plz pakisagot po s hataw, wait q po ito… slamat… aq c jomart fr olongapo… mwah…!! To Jomart, Ang iyong panaginip ukol sa baby ay may kaugnayan sa innocence, warmth, at new beginnings. Ang sanggol ay sumisimbolo sa iyong sariling …

Read More »

2-anyos totoy nakulong sa washing machine

MAKARAAN ang tatlong oras, naalis ng mga bombero ang 2-anyos batang lalaki mula sa pagkakakulong sa loob ng bago nilang washing machine. Si Tao Peng ay inaalagaan ng kanyang lola nang umakyat paslit sa washing machine at pumasok dito nang malingat ang matanda. Sinabi ng kanyang lola na si Qing Yuan Ku, 52-anyos, “I only turned my back for a …

Read More »

Cariaso bagong coach ng Ginebra

KINOMPIRMA ng assistant coach ng San Mig Super Coffee na si Jeffrey Cariaso na siya na ang bagong head coach ng Barangay Ginebra San Miguel. Ito’y reaksyon sa ulat ng website ng SLAM Magazine Philippines tungkol sa bagay na ito. Si Cariaso ay isa sa mga may-ari ng  nasabing magasin sa ilalim ng kanyang kompanyang Titanomachy. Papalitan ni Cariaso si …

Read More »

Air 21 dadalawahan ang San Mig

TWO-ZERO bentahe and hahabulin ng Air 21 kontra San Mig Coffee sa kanilang muling pagtatagpo sa Game Two ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinal series mamayang 8 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Sinilat ng Express  ang Mixers, 103-100 sa series opener noong Martes para sa kanilang  ikatlong sunod na impresibong panalo. Pumasok ang Air …

Read More »

Anthony masaya sa Air21

MASAYA si Sean Anthony sa kanyang kinalalagyan ngayon sa Air21. Nakuha ng Express si Anthony mula sa Talk n Text kasama si Eliud Poligrates kapalit ni KG Canaleta at mula noon ay naging maganda ang ipinakita ng Fil-Am forward sa kanyang bagong koponan. Nagtala si Anthony ng career-high 29 puntos para dalhin ang Express sa 103-100 panalo kontra San Mig …

Read More »

Blackwater interesado kay Taulava

NAGPAHAYAG ang team owner ng baguhang koponang Blackwater Sports ang pagnanais nitong kunin si Asi Taulava para sa una nitong kampanya sa PBA sa susunod na season. Ayon sa team owner ng Elite na si Dioceldo Sy, makakatulong si Taulava para maging malakas ang Blackwater dahil hindi pinayagan ng PBA na direktang iakyat ang ilang mga manlalaro nito mula sa …

Read More »