Wednesday , December 25 2024

hataw tabloid

Cong. Roman Romulo ng Pasig laging inspired dahil sa misis na si Shalani

ni Peter Ledesma Pagdating sa kasipagan, malinis na serbisyo at kailanman ay hindi nagsawang tumulong at dumamay sa kanyang constituents ay nangunguna d’yan ang representative ng lone district ng Pasig na si Roman Romulo. Ang maganda kay Cong. Roman Romulo, suportado talaga niya ang lahat ng mga proyekto niya para sa mga kababayan lalo na sa livelihood project sa Pasig …

Read More »

Bohol market pinasabog ng adik (2 patay, 12 sugatan)

CEBU CITY – Dalawa ang patay habang 12 ang sugatan nang maghagis ng hand grenade ang isang amok habang ipinagdiriwang ang araw ng pagkakatatag ng bayan ng Trinidad pasado 4:30 p.m. kamakalawa sa loob ng public market sa lalawigan ng Bohol. Ayon kay Supt. Joie Yape, Jr., tagapagsalita ng Bohol Provincial Police Office, nagdiriwang ang mga residente nang ihagis ni …

Read More »

Refund sa MRT — Sen. Poe (Kapag may aberya)

ISUSULONG ni Senador Grace Poe ang pagbibigay ng refund sa tuwing magkakaroon ng aberya sa Metro Rail Transit (MRT). Naniniwala si Poe na karapatan ng isang mananakay na makakuha ng refund. Hindi aniya pwedeng “TY” o thank you na lang ang itugon sa kanila. “Ang pangako lamang nila (DoTC at MRTC) sa akin ay titingnan nila ang posibilidad na magkaroon …

Read More »

Gov’t nagoyo sa MRT 3 maintenance

TAHASANG sinabi ni Senadora Grace Poe na naisahan at nabola ang pamahalaan sa pinasok na kasunduan sa kompanyang nagsasagawa ng maintenance ng MRT 3. Ayon kay Poe, maliwanag na sa kabila na halos kalahating milyong piso lamang ang share capital ng naturang kompanya ay nagawang ipagkaloob dito ang maintenance service. Naniniwala si Poe na walang sapat na kakayahan ang maintenance …

Read More »

Arestadong car bombers maglulunsad ng anti-China attacks

SA pagpapasabog nais idaan ng grupong nasa likod ng tangkang bomb attack sa NAIA, ang kanilang hinaing sa anila’y pagiging malambot ng gobyerno sa mga isyu sa China. Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila De Lima sa tulong ni NBI Director Virgilio Mendez, makaraan mahuli sina Grandeur Pepito Guerrero, Emmanuel San Pedro at Sonny Yuhanon. Ani De Lima, tinawag …

Read More »

Destalibisasyon motibo sa car bomb — De Lima

POSIBLENG destablisasyon ang motibo sa napigilang car bomb” attack sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kamakalawa. Sa pulong balitaan sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lungsod ng Maynila, sinabi ni Justice Sec. Leila De Lima, natukoy nila ang grupo na “USAFFE” na pinamumunuan ng nagpakilalang general. Tinukoy ng kalihim ang self-proclaimed general …

Read More »

Pinay niluray ng Emirati police official

INAKUSAHANG nanghalay ang isang Emirati police official ng isang Filipina noong Mayo sa United Arab Emirates (UAE). Base sa ulat ng Khaleej Times, 20-anyos lamang ang opisyal na pulis na nanghalay sa Filipina. Sa rekord ng korte, namataan ng pulis ang 41-anyos Filipina na nag-aabang ng sasakyan sa Al Warga.  Kanyang hinintuan at inalok na sumakay na pinaunlakan ng biktima …

Read More »

Pulis inonse ng kolektor at ahente (Kaya nag-amok sa Pangasinan National High School)

DAGUPAN CITY – Onsehan sa remittance ng pautang sa five-six (5-6) ang motibo sa walang habas na pamamaril at pagwawala ng isang pulis na ikinamatay ng apat katao sa loob ng Pangasinan National High School sa bayan ng Lingayen, Pangasinan kamakalawa. Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, uminit ang ulo ni PO3 Domino Alipio, ng Anda Police Station, nang mabatid …

Read More »

Gas station owner kumasa sa 4 holdaper 1 suspek patay

PATAY ang isa sa apat holdaper makaraan makipagbarilan ang may-ari ng gas station nitong Linggo ng gabi sa Toledo City, Cebu. Nangyari ang insidente makaraan holdapin ng grupo ang isa pang gas station sa nabanggit na lugar. Nabatid sa kuha ng closed-circuit television footage, unang hinoldap ng mga suspek ang isang gas station at nakakuha ng P7,000 cash. Pagkaraan ay …

Read More »

Airtime limit ng Comelec sa pol ads labag sa Konsti

IPINATIGIL ng Korte Suprema ang kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na naglilimita sa airtime ng political advertisements dahil sa pagiging labag nito sa Saligang Batas. Nagkakaisa ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa kanilang desisyon na labag sa kalayaan sa pamamahayag ang resolusyon ng Comelec. Nilalabag din ng kautusan ng Comelec ang kalayaan sa pamamahayag at ang ‘people’s right …

Read More »

P5,000 multa sa kargamento kada araw

KIKITA ang  administrasyong Aquino kapag nagpatuloy ang pagtambak ng mga kargamento sa pantalan sa Maynila, sa bagong patakaran na binalangkas ng Palasyo. Simula sa Lunes, Setyembre 8, lahat ng mga kargamentong may clearance mula sa Philippine Ports Authority (PPA) at Bureau of Customs (BoC) may limang araw para alisin sa pantalan, at kapag nabigong tanggalin ay papatawan ng multa na …

Read More »

Ano ba talaga ang gusto ni Pacquiao?

MUKHANG may pagka-swapang si Manny Pacquiao. Halatang-halata kasi sa ikinikilos ng tinaguriang pambansang kamao ng bansa na gusto ni-yang pasukin ang lahat ng kanyang maibigan o magustuhan. Kitang-kita rin ang gigil niya sa anomang bagay na hangarin niya kaya’t tiyak na may iba pang papasukang bisyo o pagkakaabalahan sa darating pang panahon. Magmula sa pagiging boksingero, artista, politiko at negosyante …

Read More »

Cristine, lumalaki ang tiyan dahil buntis?

ni Alex Brosas SI Cristine Reyes ang pinagsususpetsahang buntis ngayon sa showbiz. Noong una ay blind item pa ang pagkakasulat about an actress being in an interesting stage pero later on ay pinangalanan din. Si Cristine pala ‘yon. Anyway, may nakapansin na malaki ang tiyan ng younger sister ni Ara Mina. Pilit daw niya itong itinatago sa malaki niyang T-shirt. …

Read More »

Ang nagpapakilalang bagman ng QC City hall na si alias Bong Sal Salver

SA KABILA ng pagkakadawit ng pangalan nina QC Mayor Bistek Bautista at si Daddy Butch sa ‘protection racket’ sa mga bahay-aliwan na nagpapalabas ng kalaswaan at lantarang prostitusyon sa nasabing lungsod, nananatiling dedma lamang umano si Mayor Bautista. Sa pananahimik na ito ng mga Bautista, lalo lamang daw humahaba ang sungay at nagiging kapani-paniwala ang inilalakong pananakot nitong si alias …

Read More »

Sabi ni Abante: Kritiko ni Binay election mode na

TAHASANG pinuna ng dating mambabatas na si Manila Rep. Benny Abante ngayong Martes ang pang-uurot ng mga mga kritiko ni Vice President Jejomar Binay na binansagang nasa “panic mode” mula nang simulan ng Senado ang imbestigasyon hinggil sa umano’y ‘overpricing’ ng Makati City parking building.” “Kung may karapatan ang mga namamaratang sa Pangalawang Pangulo na pumukol ng mga alegasyong walang …

Read More »

Car bomb nasakote 4 ‘terorista’ arestado (Full alert sa NAIA)

INIIMBESTIGAHAN ng National Bureau of Investigation – Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang lider (kaliwa) ng apat hinihinalang teroristang naaresto sa nasakoteng car bomb sa parking area ng NAIA Terminal 3 kahapon. (BONG SON) APAT katao ang naaresto makaraang masamsaman ng improvised explosive devices (IED) sa kanilang sasakyan habang nasa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal …

Read More »

Suspension order vs Enrile epektibo na — Drilon

EPEKTIBO na simula kahapon ang suspensiyon bilang senador kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile. Inianunsyo ito ni Senate President Franklin Drilon bago siya sumabak sa ALS ice bucket challenge kahapon. Ayon kay Drilon, natanggap na niya ang final suspension order ng Sandiganbayan laban kay Enrile makaraan ibasura ang motion for reconsideration. Paliwanag ni Drilon, wala siyang magagawa kundi ipatupad …

Read More »

QCPD official utas sa tandem (Checkpoint nalusutan)

SINISIYASAT ng mga operatiba ng QCPD-SOCO ang sasakyan ni Chief Insp. Roderick Medrano makaraan tambangan ng apat hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Kaligayahan, Zabarte Road, Novaliches, Quezon City. (ALEX MENDOZA) SA kabila ng kaliwa’t kanang paninita ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga motoristang nakasakay ng motorsiklo bilang tugon sa kampanya …

Read More »

Kaso ng 2 Pinoy sa death row iaapela ng DFA (Sa Vietnam)

IAAPELA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ng dalawang Filipino na hinatulan ng kamatayan makaraan masangkot sa illegal drug trafficking sa Vietnam. Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, iaapela nila ang sentensiya sa dalawa at bibigyan sila ng legal assistance. Sinabi ng DFA, ang mga nabanggit ay dalawa lamang sa 81 Filipino na kasalukuyang nasa death row sa …

Read More »

Preso nang-hostage sa Bilibid, 2 sugatan

UMABOT nang mahigit dalawang oras ang pag-hostage ng isang preso sa isang civilian employee sa loob ng medium  security compound ng New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City kahapon ng tanghali. Ang inmate na si Dennis Gonzaga, 37, may kasong parricide, ay inilagay na sa isolation room ng NBP. Kinilala ni NBP OIC Supt. Celso Bravo ang biktimang si Susan Egana, …

Read More »

Guro, 2 pa niratrat sa Pangasinan Nat’l HS, patay

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang guro, makaraan pagbabarilin sa loob ng Pangasinan National High School sa Lingayen, Pangasinan kahapon. Batay sa inisyal na impormasyon mula kay Insp. Carlos Caoili ng Public Information Office (PIO) ng Lingayen Police, kabilang sa tatlong biktima ang isang guro. Dakong 4 p.m. nang pagbabarilin ang mga biktima ng isang lalaking armado ng armalite …

Read More »

3-anyos paslit nangisay sa koryente

KORONADAL CITY – Hindi na umabot nang buhay sa pribadong ospital sa Lungsod ng Koronadal ang isang 3-anyos batang lalaki makaraan makoryente kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Alexandro Reyna, residente ng Brgy. Kipalbig, Tampakan, South Cotabato. Ayon kay Dr. Jo Bonifacio, ang attending physician ng biktima, tinusok ng biktima ng pako ang socket kaya siya nakoryente. Sinabi ng doktor, electrocution …

Read More »

Utak sa Enzo Pastor slay, may kaso pa

INIUTOS ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms laban sa itinuturong mastermind ng pagpatay kay international race champion Enzo Pastor na si Domingo “Sandy” De Guzman. Maalala, idinaan sa hiwalay na inquest proceeding si De Guzman para sa naturang kaso makaraan mahulihan ng caliber .45 pistol sa entrapment operation. Si De Guzman ang sinasabing nagbayad …

Read More »