JUAN: Tuwing magdadala ako ng GF sa bahay, ‘di nagugustuhan ni Inay!

PEDRO: Magdala ka ng kamukha ng Inay mo!

JUAN: Na-try ko na, ayaw naman ni Itay!

***

JUAN: ‘Nay, ako lang po nakakuha ng line of 9 sa test namin!

NANAY: Wow, ‘yan ang anak ko! Ilan ba nakuha ng mga klasmeyt mo?

JUAN: Lahat po 100!

***

JUAN: Alam mo, ayaw na ayaw kong makakita ng nakatayong babae sa bus habang ako e nakaupo!

PEDRO: Kaya pinapaupo mo?

JUAN: Hindi, natutulog ako!

***

JUAN: Dok, ako po ‘yung pasyente n’yo last year!

DOC: Oo naaalala ko! May problema ba?

JUAN: Itatanong ko lang po sana kung pwede na akong maligo!