Sexy Leslie, Ano po ang dapat gawin para tumaba si manoy? 0926-9223585 Sa iyo 0926-9223585, Kayo talagang mga lalaki, hindi kayo nakokontento kung anong size ang ibinigay sa inyo. Anyway, walang natural way para mapataba mo si manoy, kaya kung may budget ka at willing mong gastusan ang iyong ari para lang tumaba, aba’y go na sa espesyalista. Sila ang …
Read More »JM at Jessy, nagkabalikan na!
NOONG Martes ng gabi ay ipinagdiwang ni JM de Guzman ang kanyang kaarawan somewhere in Quezon City. Dinaluhan iyon ng kanyang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan sa showbiz. At siyempre naroon ang kanyang special girl na si Jessy Mendiola. Sa mga larawan naming nakuha, hindi maipagkakailang kilala at malapit si Jessy sa pamilya ni JM. Kitang-kita ang pagkagiliw ng …
Read More »Nadine, bagay ipareha kina Matteo at Arjo
ni Roland Lerum KOMPIRMADONG Kapamilya na ngayon si Nadine Lustre. Pumirma siya ng 2-year exclusive contract sa ABS CBN. Dating contract star ng Viva si Nadine pero expired na ang contract niya kay Boss Vic del Rosario. Potential hitmaker kasi si Nadine dahil parehong kumita ang dalawa niyang pelikula noon sa Viva, ang Humanap Ka Ng Panget at Talk Back …
Read More »Carla at Tom, ‘di totong nag-honeymoon sa Singapore
ni Roland Lerum HINDI raw nag-honeymoon sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa Singapore kamakailan. Nag-taping lang daw sila roon. “It’s more of a job than pleasure, more of business,” giit ni Tom. Pero hindi raw siya kontra sa pagiging close kay Carla, in fact, lalo silang naging close sa travel nilang iyon. Maraming fans ni Carla ang natutuwa para …
Read More »Nora, nainip kaya iniwan ang presscon ng Trenderas?
ISANG bagong programa na naman ang matutunghayan ngayong Sabado (Setyembre 13) 9:00 p.m., sa TV5, ito ay ang Trenderas, isang musical-drama comedy serye na pagbibidahan nina Isabelle de Leon, Katrina ‘Suklay Diva’ Velarde, at Lara Maigue. Kasama sa seryeng ito ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa kanyang natatanging pagganap bilang si Celestina Cruz, isang sikat na mang-aawit na …
Read More »Ara, iginiit na ‘di totoong buntis si Cristine
SPEAKING of Trenderas pa rin, kasama rin dito si Ara Mina bilang si Diane. Naitanong namin kay Ara ang tungkol sa kumakalat na balitang buntis umano ang kanyang kapatid na si Cristine Reyes. Pinasinungalingan ni Ara ang balita at sinabing kaya siguro natsismis na buntis si Cristine ay dahil nagdadalang-tao siya at minsang nasabi ng kapatid niya na gusto rin …
Read More »Jed Madela’s All Request 2, bukas ng gabi na!
BUKAS ng gabi na matutunghayan ang napakagandang boses ni Jed Madela sa pamamagitan ng kanyang All Requests 2 na gagawin sa Music Museum, 8:00 p.m.. Special guest niya rito ang sinasabing susunod sa yapak niyang si Darren Espanto. Samantala, itinalaga naman si Jed ng NCCA (National Commission on Culture and the Arts) bilang representative ng OPM Music Industry Sector. Bale …
Read More »Dra. Belo, idedemanda na ang naninira kina Ruffa at Jinky
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Hataw noong Lunes na walang planong magdemanda ang may-ari ng Belo Medical Group na si Dra. Vicki Belo sa nagbebenta ng tabletang pampapayat online. Tila nagbago na ang desisyon ni Dra. Belo dahil tumawag siya sa amin noong Lunes ng gabi at sinabing, “hi Reggs, I’m planning to sue na, kasi lumalaki na …
Read More »Kris, ‘di raw bitch, kundi taklesa lang at brat
NAGPAPAPANSIN kaya ang taong paulit-ulit niyang ipino-post sa social media ang blog niyang walong taon ng nakararaan na may titulong, The Bitchy Monster of Channel 2 na ikinukuwento ang experience niya kay Kris Aquino nang magpa-picture raw ang pamangking babae na bumisita sa programa nito. Maraming beses na namin itong nabasa na kasama pa ang mga litrato ni Kris kasama …
Read More »GlaxoSmithKline, DOH, at PPS nagsanib para sa Aksiyon Laban sa Dengue
GUSTO ko lang i-share Ateng Maricris na ang isa sa leading pharmaceutical na GlaxoSmithKline at ang Department of Health at Philippine Pediatric Society ay nagsanib puwersa para sa programang Aksyon Laban sa Dengue: A Dengue Fever Awareness and Education Program. Dahil tag-ulan ngayon kaya suhestiyon ng DOH ay dapat may supply ng Calpol bilang epektibong panlaban sa discomforts of pain …
Read More »Angelica, si Pooh at hindi si Angel ang pinasaringan sa Twitter
ni Alex Brosas NAIMBIYERNA ang fans ni Angel Locsin nang magpatutsada si Angelica Panganiban sa kanyang Twitter account. Agad nilang naisip na ang idol nila ang pinasaringan ng dyowa ni John Lloyd Cruz. When Angelica tweeted, “Te… Ang comedy, may tamang pasok…’Wag mo ipilit… Sakit na ng ulo namin,” nagwala kaagad ang Angel’s fan. In case nakalimutan na ninyo, nagkaroon …
Read More »Suot ni Daniel sa Star Magic Ball, inokray ni Mo
ni Alex Brosas AYAW pa ring tigilan ni Mo Twister ang showbiz. Talagang nagpapapansin siya sa social media. Apparently, nakita niya ang mga photo na kuha sa Star Magic Ball kaya naman nag-react siya. Inokray ng bansuting TV and radio host si Daniel Padilla. Apparently, hindi niya type ang red suit na suot ni Daniel kaya naman inokray niya ito …
Read More »Quezon City Filmfest, ibabalik ni Bistek
ni Timmy Basil ISANG fresh na fresh na Mayor Herbert Bautista ang aming nakaharap noong Sabado sa sosyal na event place na pagmamay-ari ni Mother Lily sa may Valencia. Pinatawag kasi ni Mayor Herbert ang mga movie press na nagbi-birthday ng October, November, at December. Three years nang ginagawa ito ni Mayor Herbert na ayon pa sa kanya ay sinunod …
Read More »Wala sa mood mag-ayos dahil sa sobrang pagod?
ni Pete Ampoloquio, Jr. Hahahahahahahahahaha! Kung si Billy Crawford ay na-‘praning’ dahil sa sobrang workload, ang gandaretch na lead actress naman ng isang topra-ting soap ay marami ang na-disappoint lately dahil sa kanyang damit sa isang eskalerang okas-yon ng mga artista na karamihan sa kanila’y talaga namang dressed to the nines to be most emphatic about it. Ang kaso, ang …
Read More »Kontratista ni Binay isalang sa BIR
HINILING kahapon ng mga residente ng Makati sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang paboritong kontratista ni Vice President Jejomar Binay kaugnay sa mga tong-pats na kinita sa bilyon-bilyong halaga ng proyekto sa kanilang siyudad. Sinabi ng mga miyembro ng United Makati Against Corruption (UMAC) na obligadong busisiin ng BIR ang mga dokumentong isinusumite sa kanila ng Hillmarc’s …
Read More »Boto ng OFWs pangalagaan — Abante
“MAGKAIBA na ba ang karapatan ng Filipino na narito sa Filipinas at ang mga kababayan nating nasa ibayong dagat?” May panggagalaiting itinanong ito ng dating mambabatas at Chairman ng Bayan Mamamayan Abante Movement na si Benny M. Abante matapos ang sesyon ng Appropriations Committee ng Kamara noong isang linggo sa isang panayam matapos aminin ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na …
Read More »Fiera swak sa bangin 13 HS studs patay (3 sugatan)
BAGUIO CITY – Umakyat na sa 13 ang patay sa pagkahulog ng private Ford Fiera sa isang bangin sa bayan ng Bangbangay-yen, Buguias, Benguet dakong 5 p.m. kamakalawa. Namatay na rin dakong 2:30 a.m. kahapon ang isa pang pasahero na si Charee Bestre, 15-anyos. Kinilala ang iba pang namatay na sina Aquien, Angie T, 15; Madiano, Jera B, 15; Mayao, …
Read More »EDSA hulidap cops may iba pang kaso
NAPAG-ALAMAN na may iba pang kasong kinasasangkutan ng ilan sa mga pulis na responsable sa EDSA-Mandaluyong hulidap. Sinabi ni Eastern Police District (EPD) Director Abelardo Villacorta, isa sa mga sangkot sa insidente ay dawit din sa isang insidente ng kidnapping. Ayon kay Villacorta, mayroon ding pulis na kasama sa kaso na sangkot sa illegal drug raid. Ang illegal na anti-drug …
Read More »Lifestylechecks vs QCPD cops
INIUTOS ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Richard Albano ang pagsailalim sa lifesytle check sa lahat ng mga pulis sa Quezon City. Ito’y kaugnay sa pagkakasangkot ng walong pulis La Loma sa EDSA hulidap at mahigit P2 milyon ang natangay mula sa dalawang negosyanteng mula sa Mindanao. Ayon kay Albano, ang pagsailalim sa lifestyle check sa kanyang …
Read More »Miriam nag-walkout sa Senado
DALAWANG buwan makaraan ihayag na siya ay may lung cancer, nagbalik sa trabaho si Senadora Miriam Defensor-Santiago kahapon ngunit nag-walk out. Ito’y makaraan kwestyonin ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas ang proceedings ng Commission on Appointments Foreign Affairs Committee dahil sa kakulangan ng quorum. Pinili ni Santiago na manguna sa kompirmasyon ng appointments ng 48 opisyal dahil sa laki ng …
Read More »Purisima pinasaringan ni Lacson
PINASARINGAN ni rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson sa Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Alan Purisima makaraan ang sunod-sunod na kaso ng krimeng kinasasangkutan ng ilang kapulisan. Bagama’t hindi direktang tinukoy, sinabi ni Lacson na malaki ang kinalaman ng “leadership by example” sa problema ngayon ng PNP. “Above all else is the time-honored leadership-by-example principle. It is second to none,” …
Read More »Gang leader, 4 tauhan timbog sa Bulacan
ARESTADO ang lider at apat tauhan ng notoryus na crime group sa operasyon ng mga awtoridad sa Sta. Maria, Bulacan kahapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Henry Laxamana, 44, lider ng grupo, at mga tauhan na sina Jose Quizon Jr. 25; Raymart Agustin; Michael Razon, 23; at Kevin Pamintuan. Ang grupo ay naaresto dakong 6 a.m. sa kanilang safehouse …
Read More »Apela sa Kongreso BBL ipasa agad — PNoy
SINAKSIHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsusumite ng Borador ng Bangsamoro Basic Law (BBL) nina Bangsamoro Transition Commission Chairman Mohagher Iqbal at Secretary Teresita Quintos-Deles kina Speaker of the House Feliciano Belmonte at Senate President Franklin Drilon sa turn-over ceremony sa Rizal Hall ng Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS) UMAPELA si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Kongreso na …
Read More »BBL titiyaking batay sa konsti – Sen. Koko
IGINIIT ng isang grupo ng mga Muslim sa kanilang kilos-protesta sa Mendiola Bridge ang agarang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law (BBL). (BONG SON) PANGUNGUNAHAN ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagbusisi sa isinumite ng pamahalaang Aquino na borador ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso kung hindi ito lalabag sa kasagraduhan ng Konstitusyon at sa umiiral na mga demokratikong …
Read More »Misuari iimbitahan ng Senado (Sa deliberasyon ng BBL)
AANYAYAHAN ng Senado si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari upang ibahagi ang kanyang mga kaisipan sa gaganaping pagdinig sa panukalang Bangsamoro Basic Law. Sa turnover ceremony sa Palasyo ng BBL draft sa Kongreso, sinabi ni Sen. Bongbong Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government, binabalak nilang pansamantalang ipasuspinde ang warrant of arrest laban kay Misuari upang …
Read More »