Iza, pinayuhang ‘wag munang mag-asawa

ni Vir Gonzales

102914 KORINA  iza

NAGKITA minsan sina Iza Calzado at Korina Sanchez. Nakita ni Korina na pogi ang non-showbiz boyfriend nito na ipinakilala ng dalaga. Thirty plus na si Iza at parang gusto ng mag-asawa.

Sabi ni Korina, dapat s’yang mag-asawa sa edad na 35. Napatulala raw si Iza at parang biglang nag-isip.

Kasi nga naman, kapag 35 na ang isang babae, danger age at baka hindi na magkaanak. Ewan lang kung susundin ni Iza ang payo ni Korina.