Thursday , December 26 2024

hataw tabloid

Homeowners prexy itinumba

PATAY ang isang 48-anyos lalaking presidente ng home owners association makaraan barilin ng hindi nakilalang salarin habang nagliligpit ng paninda kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Egmedio Salvan, 48, presidente ng Gulayan Homeowners Association at residente ng 22 Sitio Gulayan, Brgy. Concepcion ng nasabing lungsod. Habang tinutugis ng …

Read More »

3 paslit todas sa inulam na pawikan

BINAWIAN ng buhay ang tatlong paslit na magkakapatid makaraan malason sa inulam na karne ng pawikan sa Brgy. Liang, Irosin Sorsogon kamakalawa. Ayon kay PO3 Ronnie Dollentas ng PNP Irosin, nabili ng mag-asawang Pio at Teresa Alon ang karne ng pawikan sa isang Norman Gacias, isang fish vendor mula sa Matnog. Iniluto ng mag-asawa ang karne at ipinakain sa mga …

Read More »

P3-M alahas natangay sa jewelry shop

NATANGAY ng mga magnanakaw ang P3 milyong halaga ng mga alahas sa isang jewelry shop sa Ongpin St., Sta. Cruz, Maynila. Limas na ang mga alahas sa QT Jewelry Shop nang datnan ng may-aring si Patrick San Agustin kahapon ng umaga. Hinihinalang sa kisame ng bakanteng ikalawang palapag dumaan ang mga kawatan. (LEONARD BASILIO)

Read More »

Pekeng pulis, 2 pa tiklo sa checkpoint

KALABOSO ang isang pekeng pulis at dalawang kasama sa isinagawang dragnet operation kahapon sa Quezon City. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, Senior Supt. Joel D. Pagdilao ang suspek na si Rodel Tojoy, 24, tubong Masbate, security guard, ng Purok 3, Brgy. Turbina, Calamba City, nagpakilalang isang pulis. Arestado rin ang dalawang kasama ni Tojoy na sina Venjamin …

Read More »

PNoy bigo sa ‘tuwid na daan’

HATI ang mga Filipino kung natutupad nga ba ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang ipinangako niyang “Tuwid na Daan.” Sa Ulat ng Bayan national survey ng Pulse Asia noong Setyembre 8 hanggang 15, 36% ng mga sinurbey o 3 sa bawat 10 Filipino ang hindi sang-ayon na natupad nga ni Aquino ang pangako niyang baybayin ang tuwid na daan. …

Read More »

Biyaya bumuhos sa pandesal boy (Makaraang maholdap)

MAKARAAN maging viral sa social media at lumabas sa mga pahayagan ang balita kaugnay sa isang 11-anyos vendor ng pandesal na umiiyak at nanginginig sa takot makaraang holdapin, bumuhos ang dumarating na biyaya para sa kanya. Nitong Sabado, personal na binisita ni Mayor Oscar Malapitan ang batang si Mark Christian “Kokey” Santos sa kanyang bahay sa Brgy. 168 Deparo, Caloocan …

Read More »

Farming-farming ang peg ng retiring/retired politicians

ONLY in the Philippines lang talaga na kakatwang mag-isip ang mga politiko. Kung kailan mga nangagsipagretiro saka sinipag na magsipag-farming. Magtayo ng babuyan, manukan, fishpond at magtanim ng kung ano-ano. ‘Yun iba naman ay nagtatayo ng malalaking resort. Pero hindi lang basta farming sa isang maliit na lote kundi ekta-ektaryang lote o katumbas halos ng maraming barangay o isang baryo. …

Read More »

MIAA Senior AGM MGen Vicente Guerzon is the action man of the hour

ISA sa mga kinabibiliban nating opisyal ngayon sa NAIA ay si Manila International Airport Authority (MIAA) Senior Assistant General Manager, ret. MGen. Vicente Guerzon. Naniniwala tayo na siya ang tunay na ACTION MAN sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at asset ni MIAA GM Bodet Honrado. Alam nating masyadong busy si MGen. Guerzon para basahin ang kolum ng isang maliit …

Read More »

“SN16” totoo ba ito?

OPS, ano itong kumakalat ngayon na “Oplan SN16?” Ano ba ang SN16? Ano daw “STOP NOGNOG IN 2016.” Ano ‘yon? Stop Binay a.k.a. Nognog sa pagtakbo bilang Presidente ng bansa sa Mayo 2016. Ganoon ba? Aba karapatan po ng sinoman ang tumakbo sa pagkapangulo ng bansa. So, bakit pipigilan si Binay sa gusto niya? Paano raw kasi, hanggang ngayon sa …

Read More »

Batuhan ng putik

I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” — Jeremiah 29:11 BATUHAN nang batuhan ng putik ang mga politiko, puro kasiraan sa politika ang natutunghayan sa media. Bakit hindi na lamang pagtuunan ng pansin ang problema ng mamamayan ukol sa …

Read More »

Inosente hanggang ‘di napatunayang maysala

SA ILALIM ng ating batas ay itinuturing na inosente ang isang akusado hanggang hindi napatutunayang nagkasala siya sa kasong ibinibintang. Pero mukhang nabalewala ito sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon subcommittee sa “overpriced” umanong konstruksyon ng Makati City Hall parking building. Sa tuwing magkakaroon ng pagdinig ay may lumalantad na bagong testigo o nabubunyag na bagong isyu ng katiwalian …

Read More »

Condemnation ng seized goods dagdag congestion problem

Ang congestion problem sa mga pantalan sa Manila ports ay sanhi daw ng ibat ibang anomalya from the operator and customs brokers. Pero may isang problema ang customs at ito ay ‘yun mga containers na mga nakaimbak for condemnation na dapat na rin ma-dispose completely to decongest ang mga yarda . Ang mga containers for condemnation ay ang mga nahuling …

Read More »

PH libre vs Ebola – Palasyo

ITO ang tiniyak ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. kahapon makaraan iulat sa Palasyo ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na negatibo ang resulta nang pagsusuri sa 18 kaso ng suspected Ebola virus disease. “Mayroon nang 18 kaso ng suspected Ebola Virus Disease na sinuri ang RITM at lahat nang ito ay negatibo ang resulta, kaya po sinasabi natin …

Read More »

Mister nagbaril sa sarili (Napundi sa selosang misis)

ROXAS CITY – Nagbaril sa sarili ang isang 66-anyos mister nang mapundi sa walang katapusang pagseselos ng kanyang misis kahapon ng umaga sa kanilang bahay sa Andrada Subdivision, Brgy. Banica, Roxas City. Duguan at wala nang buhay nang madatnan ni Sally Alis ang mister na si Romeo Alis, nagbaril sa ulo gamit ang .38 caliber revolver. Ayon sa anak ng …

Read More »

4Ps ayuda ng Palasyo sa pandesal boy

TINIYAK ng Palasyo na tatanggap ng ayuda mula sa gobyerno ang pamilya ng 11-anyos pandesal vendor na biktima ng holdaper sa Caloocan City. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., isasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pamilya ng pandesal vendor upang matulungan sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Isasailalim din aniya sa psychosocial debriefing ang bata dahil sa naranasan …

Read More »

Mayon tahimik na nagbuga ng lava

MAY namataang lava flow sa Bulkang Mayon kahapon ng umaga. Ito ang kinompirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) makaraan makakita nang dumadausdus na materyal sa dalisdis ng bulkan mula sa tuktok nito. Sa press briefing makaraan ang aerial validation sa bulkan, kinompirma ni Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta, nagkaroon ng “short and sluggish lava flow” sa bulkan. …

Read More »

Lady snatcher timbog sa MASA

ARESTADO ang isang 29-anyos babaeng snatcher makaraan hablutin ang cellphone ng isang estudyante habang naglalakad sa Ermita, Maynila kamakalawa. Kasong robbery snatching ang isinampang kaso sa suspek na si Myra Sy, walang trabaho, ng Coral Street, Tondo, makaraan ireklamo ng biktimang si Sherry Mae Calma, 18, estudyante ng Unibersidad De Manila (UDM), residente ng Mariones St., Tondo. Sa imbestigasyon ni …

Read More »

Jeepney transport groups hati sa tapyas-pasahe

DAHIL mas mababa na sa P40 kada litro ang presyo ng diesel, nanawagan ang transport group para sa pagbabawas ng pasahe sa mga pampasaherong jeepney na magiging P8 na lamang. “Nananawagan ako sa mga kaibigan… na magsama-sama na tayo para mabigyan natin ng pamaskong handog ang ating mga pasahero,” pahayag ni Pasang Masda national president Obet Martin. Pero ang nasabing …

Read More »

Abu Sayyaf tutugisin ng 2K sundalo

MAHIGIT 2,000 sundalo ang nasa Sulu para tumulong sa pagtugis sa mga miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf Group (ASG) na hawak ang 12 bihag kabilang ang limang dayuhan. Mismong si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gregorio Pio Catapang ang dumayo sa Sulu upang makipagpulong ukol sa aksyon kontra sa ASG members partikular sa tumataas na insidente ng …

Read More »

Paintings ni Imelda Marcos nawawala!?

SINALAKAY kamakailan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lugar ng Marcoses at doon ay nakompiska ang 15 original paintings umano. Ang target daw ng NBI ay 100 historical paintings na dapat kompiskahin para ibalik sa national treasury pero hindi na nila nakita ang kanilang hinahanap. Maraming hati ang opinyon ukol sa kasong ito. Ang alam kasi ng marami, nanalo …

Read More »

Ask force ‘este’ task force Divisoria ‘timbrado’ sa ilegal terminal sa J. Luna Divisoria!?

IMBES bantayan at walisin ang mga ILLEGAL TERMINAL para mabawasan ang obstruction sa daanan ng mga motorista at vendors ay kabaliktaran ang ginagawa umano ng task-force Divisoria. Animo’y pakaang-kaang ang ilang tulis ‘este’ pulis ng TF-Divisoria ana pinamumunuan ng isang Major RIODECA?! Ang masaklap, may bantay pang lespu ng TF-Divisoria ang mga naghambalang na ilegal terminal ng PUJ, tricycle at …

Read More »

Sabi ni Vice President Binay vs accusers…

“I’ll be a hypocrite if I don’t tell you sometimes, I get mad. Especially it’s already foul, it’s below the belt and lying by saying that this is not politics.” Ang sinabing ito ni Vice President Jojo Binay sa mga mamamahayag nang magsalita siya sa 2014 International Public Administration Conference sa Waterfront Hotel sa Davao City last Friday ay umani …

Read More »

Mga Binay, kapalmuks!

TIGAS pa rin sa kanyang pagtanggi si VP Jejomar Binay na humarap para isa-isang sagutin ang mga nabulgar niyang yaman at nanindigan pa na hindi magbibitiw sa gabinete ni PNoy. Wala nang kahihiyan! *** SABI ni Sen. Nancy Binay, puro imbento raw ang mga akusasyon laban sa kanilang pamilya. Hindi raw siya kundi ang kompanyang Cups & Mugs ng kaibigan …

Read More »