Reklamo vs IO Aldwin Pascua nasa mesa na ni BI AssCom Roy Ledesma

112114 io pascuaSPEAKING of this Immigration Officer po-wer-tripper, napag-alaman natin na may ginawa na palang complaint si Cavite Congressman laban kay IO Aldwin Pascua sa Bureau of Immigration-OCOM at nasa Board of Discipline (BOD) naย  pinamumunuan ni Associate Commissioner Roy Ledesma.

(By the way IO Pascua, maraming die-hard supporter pala ni Cavite Congressman ang nagtatanong na sa akin tungkol sa โ€˜yo. Gusto ka raw nilang makilala!)

Knowing AssComm. Ledesma, hindi pwedeng palusutin ang/palusutan ng Immigration employees na โ€˜kaposโ€™ at โ€˜lagpasโ€™ sa itinatadhana ng RA 6713, tiyak na mare-realize ni IO Pascua na letra at number lang ang katapat ng kagaspangan ng pag-uugali niya bilang public sector employee.

Kaya inuulit po ng inyong lingkod, lalo sa mga bagong Immigration Officer, kahit na ang apel-yidong ipinamana sa inyo ng mga magulang ninyo ay may kaakibat na yaman at impluwensiya, โ€˜e gampanan ninyo nang buong husay at may da-ngal ang inyong tungkulin.

Kayo ay itinalaga sa mga tungkulin ninyo ngayon para maglingkod sa publikong nagpapasweldo sa inyo kaugnay ng mga batas at regulasyon sa paglalakbay at paglilipat-lugar ng isang tao.

Hindi sila dumaraan sa inyong immigration booth para makaranas nang walang pangalawang kabastusan, arogansiya at pang-aabuso.

Kaya naman natutuwa tayo na sa isang kagaya ni AssCom. Roy Ledesma ipinamahala ni BI Commissioner Fred Mison โ€˜yang BI-BOD.

Kaya kay Immigration Officer Pascua, hintay-hintay ka lang โ€ฆ malapit ka nang sentensiyahan sa BI main office!

Good luck na lang sa โ€˜yo โ€˜bata!