Friday , December 12 2025

hataw tabloid

Binatilyo nagbaril sa sentido (Magulang ng GF tutol)

NAGBARIL sa sentido ang isang binatilyo kahapon sa Makati City makaraan magdamdam nang mabatid na tutol sa kanilang pagmamahalan ang mga magulang ng kanyang kasintahan. Namatay noon din ang biktimang si Russel Lopez, ng J.B. Roxas St., Brgy. Olympia ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .38 baril sa sentido. Base sa ulat ng Makati City …

Read More »

10-anyos Totoy nilamon ng ilog

ATIMONAN, Quezon – Hindi pa rin natatagpuan ang 10-anyos batang lalaki na pinaniniwalang nalunod sa ilog sa kasagsagan ng bagyo sa Brgy. Caridad ng bayang ito kamakalawa. Sa ipinadalang report ng Atimonan PNP sa Camp Guillermo Nakar sa Lucena City, sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, kinilala ang biktimang si Aries Espilenburgo Mercadejas, residente …

Read More »

Trike driver tigbak sa resbak

PATAY ang  isang tricycle driver makaraan saksakin ng kalugar na sinita niya sa pagmumura kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Marco Polo Priel, 30, ng Block 3, Pama Sawata, C3 Road Brgy. 28, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod, sanhi ng maraming tama ng saksak sa katawan. Habang agad naaresto …

Read More »

PNoy nagkasakit

HINDI nakadalo si Pangulong Benigno “Noy-noy” Aquino III sa 1st National Competion Conference sa Pasay City kahapon. Sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, biglaan ang desisyon ni Pangulong Aquino dahil sa nawalan ng boses at barado ang ilong. Ayon kay De Lima, okay pa ang pakiramdam ni Pangulong Aquino kamakalawa ng gabi ngunit nag-iba kahapon pagkagising. Una rito, nakansela …

Read More »

Tumawid sa spillway kelot nalunod (Sa Batangas)

PATAY na nang matagpuan ang isang lalaki makaraan tangkaing tawirin ang spillway sa Batangas City kamakalawa. Sa ulat ng Batangas police, ang natagpuang bang-kay sa Brgy. Simlong ay kinilalang isang Eduardo Mercado Bonquin, residente sa Brgy. Pinamucan. Nabatid sa ulat, tatawid ng spillway si Bonquin, Lunes ng gabi, sakay ng motorsiklo at may isa pang angkas nang tangayin sila nang …

Read More »

Obrero kritikal sa saksak ni kompadre

KRITIKAL ang kalagayan ng isang obrero makaraan saksakin ng nag-amok na kompare habang nag-iinoman sa binyagan kamakalawa ng gabi sa Ma-labon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Stephen Justo, 35, ng 167 M. H. Del Pilar St., Brgy. Tinejeros ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng saksak sa likod. Habang pinaghahanap ang suspek na si Jonito Rondina, nasa …

Read More »

Bulok ba ang pagkatao ni Brgy. Chairwoman?

NAPAKATAAS ng pagrespeto natin sa isang barangay chairwoman ng Maynila. Nasa pedestal pa nga ang paghangang ipinupukol natin para sa kanya. Pero noon po‘yun! Nagbago ang lahat nang lumutang na ang tunay na kulay nichairwoman. Ang akala kasi natin noon ay tunay ang kanyang ipinakikitang ugali sa lahat. Ang akala natin noo’y dalisay ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa at sa …

Read More »

Xian, may ibang babaeng kaakap, KimXi loveteam, sira na?!

MARAMI ang tila naimbiyerna kay Xian Lim nang lumabas ang photo niya na may ibang kasamang babae at hindi si Kim Chiu. Tila nakainom si Xian at ang unnamed girl na medyo chubby. Lait ang inabot ng girl dahil hindi naman siya kagandahan based on the pictures which came out sa isang popular website. Ang comment ng marami, lagot daw si …

Read More »

Tacloban airport winasak ni Ruby (Tent City iwinasiwas)

WINASAK ng Bagyong Ruby ang bagong gawang Tacloban City Airport. Magugunitang unang winasak ng bagyong Yolanda ang naturang paliparan noong nakaraang taon, at sa paghagupit ngayon ni Ruby, inilipad ang bubong ng arrival at pre-departure area ng airport. Bumagsak din ang kisame at roll-up door, at pinasok ng baha ang pre-departure area. Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines …

Read More »

P498-M pinsala ni Ruby sa agri

TINATAYANG umabot na sa P498 million ang pinsala ng bagyong Ruby sa agrikultura. Ayon sa Department of Agriculture, inisyal pa lamang ito na pagtaya at madadagdagan pa. Galing pa lamang ang data sa Region 5 at 8. Napinsala ang mga tanim na palay at mais doon Sa fisheries, nasa P112 million ang pinsala sa Region 5 at 8.

Read More »

Sana laging ganito… nagkakaisa ang lahat

BAGYONG Ruby, lahat ay kanyang pinangamba lalo na’t bansag dito ng US base sa kanilang pagbasa ay isa itong Super Typhoon pero higit na mas malakas ang dumaang bagyong Yolanda noong nakaraang taon. Hindi biro ang sinalanta ng Yolanda kaya, halos buong mundo ang kumilos sa pagtulong sa mga nasalanta nating mga kababayan sa Samar, Leyte at karatig pang lalawigan. …

Read More »

Arjo, nakausap at pinayuhan ni Hugh Jackman

NEW York City, USA —Sold out ang The River show ng Australian Hollywood aktor na si Hugh Jackman kasama sina Laura Donnelly and Cush Jumbo na idinirehe ni Ian Rickson na ginanap sa Circle in the Square, 50th Street West of Broadway, New York, NY noong Biyernes ng gabi kahit na malakas ang ulan sa lungsod. Sobrang paborito pala ng …

Read More »

Huwag naman sanang sobrang expectation — John at Jake (Sa pagkatalo sa Best Actor category)

HINDI sinasadyang nakita namin si John Estrada sa bakuran ng ABS-CBN 2. Agad naming kinuha ang kanyang reaksiyon na na-disappoint at umasa si Jake Cuenca sa nasabing award. Tinalo niya kasi si Jake. Napangiti si John at sabay sabi, “Unang-una, huwag naman sanang sobrang expectation. Bigyan mo ng fifty-fifty chance ‘yun,” deklara niya. Agree rin si John sa katwiran na …

Read More »

Terror na Brgy. Kagawad sa Brgy. 287 Divisoria

SANDAMAKMAK na reklamo ang nakara-ting sa atin mula sa maralitang vendors at sidecar boys sa Divisoria. Ang tinutukoy nilang mala-berdugong Kagawad ay isang alias BING LUIS ng Brgy. 287 Z-27. May masamang bisyo raw kasi si Kagawad Bing, sinisira at winawasak ang kariton pati paninda ng mga pobreng vendor kapag nagpapagpag ang tropa niya sa nasabing lugar. Hinaing a ng …

Read More »

Binay contributors naman ang inasinta

ANG mag-asawang kaanak ng negosyanteng inaakusahang ‘dummy’ umano ni Vice President Jejomar Binay na si Antonio Tiu ang sinilip at inasinta ngayon ng gobyerno. Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue ng magkahiwalay na kaso ng tax evasion sa Department of Justice ang kapatid at hipag ni Antonio na sina James at Ann Loraine Tiu, dahil sa pagkabigo umanong magbayad ng …

Read More »

206 flights kanselado

UMAABOT sa 206 ang mga nakanselang flight kahapon dahil sa bagyong si Ruby. Ayon sa ulat ng Manila International Airport Authority (MIAA), 96 sa mga ito ay domestic flights na paalis, 98 ang parating, habang 10 patungo sa ibang bansa, at 11 parating, ang hindi na rin pinayagang makalipad. Kabilang sa mga naapektuhang lokal na byahe ay patungo at galing …

Read More »

Klase sa M.M. karatig lalawigan suspendido

SINUSPINDE ang klase sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan ngayong Martes, Disyembre 9 dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ruby. Kabilang sa mga lokal na pamahalaang nagkansela ng pasok sa lahat ng antas, ang Quezon City, Parañaque, Marikina, Valenzuela, Navotas, Pateros, Malabon, Mandaluyong, Muntinlupa, Rizal, Batangas, Cavite, at Calapan, Oriental Mindoro.

Read More »

TF Ruby itinatag sa Maynila

NAGTATAG ng Task Force Ruby ang Maynila para sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ruby sa lungsod. Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) chief Johnny Yu, 24 oras na handa ang task force sa coastal areas partikular sa Manila Bay, Baseco Compound, Parola at Happy Land, gayondin sa mga tabing-ilog gaya ng Sta. Ana at Sta. Mesa. Tiniyak …

Read More »

‘Wag kampante kay Ruby (Malacañang nanawagan)

NANAWAGAN ang Malacañang sa publiko lalo ang mga taga-Metro Manila, na huwag munang pakampante sa bagyong Ruby. Ito ay sa kabila ng pag-downgrade ng Pagasa sa bagyo at walang masyadong naiulat na malaking pinsala. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dapat samantalahin ang suspensyon ng klase at trabaho sa paghahanda sa paparating na bagyo. Ayon kay Valte, maging sila …

Read More »

Dagdag relief supplies ibibiyahe ni Gazmin (Tiniyak ni PNoy)

INATASAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Defense Secretary Voltaire Gazmin na bumiyahe para magdala ng karagdagang supplies at equipment sa Borongan, Eastern Samar katuwang ang National Government Frontline Team. Samantala, ang Frontline Team na pinangungunahan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ay nakarating na sa Dolores, kung saan unang nag-landfall ang bagyong Ruby. Sinabi ni Presidential …

Read More »

MM alertado kay Ruby

ISINAILALIM sa heightened alert status ang 11 lugar sa Metro Manila kaugnay sa paghagupit ng Bagyong Ruby. Inaasahang dakong 8 p.m. hanggang 9 p.m. kagabi mararamdaman ang epekto ng bagyo. Kabilang sa naka-heightened alert ay ang mga lugar ng Las Pinas, Manila, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Pasay, San Juan City , Pasig City, Navotas City, Paranaque, Quezon City, Taguig, …

Read More »

Jodi, aalagaan muna ang anak, next year na muling magtatrabaho

NAMAALAM na sa ere kamakailan ang kilig seryeng Be Careful with My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta Maria at Richard Yap. Ano nga ba ang pakiramdam ng dalawa na nagtapos na ang kanilang serye na tumagal ng dalawa at kalahating taon? “It’s just natural. Ano kasi naging kasama namin sila (fans ng ‘BCWMH’) ng two years and a half so marami na …

Read More »

3 tepok sa kotse vs motorsiklo

PATAY ang driver at dalawang angkas nang salpukin ng isang kotseng nag-overtake ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Manila-Cavite Road, Brgy. 8, Dalahican, Cavite City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Cavite Provincial Director, Sr. Supt. Jonnel Estomo, ang mga biktimang namatay na sina Norman Gavilla, ng Sitio Maguyam, Silang, Cavite; Albert Bobadilla, 36, ng Brgy. 7, Amaya, Tanza; at ang driver …

Read More »

22 patay kay Ruby — PRC

MABOT na sa 22 katao ang patay sa pananalasa ng bagyong Ruby sa Eastern Visayas at sa Western Visayas region. Ito ang iniulat sa ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon. Aniya, sa naturang bilang, 17 ang namatay sa Eastern Samar, isa sa Western Samar, isa rin sa Northern Samar, at tatlo sa lalawigan ng Iloilo. Una na rito, sinabi …

Read More »