Thursday , June 4 2026

Kelot tinaniman ng 12 bala sa katawan

072814 tandem deadLABINDALAWANG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang lalaki makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Brgy. Sabang, Baliuag, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Sa ulat mula sa Baliuag PNP, kinilala ang biktimang si Roy Gacusan, 36, residente ng Brgy. Caingin, sa bayan ng San Rafael sa naturang lalawigan.

Nabatid sa ulat, pauwi na si Gacusan mula sa paghahatid sa anak sa paaralan nang biglang harangin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at siya ay pinagbabaril.

Sa panimulang imbestigasyon nina PO3 Maurice Cruz at PO3 Jesrael Yahwe Giron, nabatid na .45 kalibre ng baril ang ginamit ng mga salarin.

Pangunahing sinisilip na motibo sa krimen ang onsehan sa droga bagama’t patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …