DAMANG-DAMA na ang election fever para sa 2016 presidential elections o national election – 15 buwan na lamang at muli tayong hahalal ng panibagong panggulo este, pangulo ng bansa. Sana ay huwag na tayong magkamali sa pagboto sa Mayo 2016. Hindi porke anak ng dating pangulo o anak nang sinasabing kumalaban sa dating rehimeng Marcos ay ating iboboto kahit na …
Read More »Security breach at nepotismo normal lang ba sa CAAP, DOTC Secretary Jun Abaya?!
ANG Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay isang ahensiya ng pamahalaan na krusyal ang papel sa transportasyon at komunikasyon ng bansa. Ang transportasyon at komunikasyon ay malaki ang ginagampanan sa pang-araw-araw na operasyon ng pamahalaan o ano mang organisasyon. Hindi ito puwedeng mawala sa lahat ng aspekto. Kaya kung magkakaroon ng iregularidad sa ahensiyang ito ng pamahalaan sa …
Read More »Assets ni Jinggoy freeze muna — Sandiganbayan
PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan ang kahilingan ng prosekusyon na bigyan ng freeze order ang P184 million assets ni Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pork barrel cases na nakahain laban sa mambabatas. Naniniwala ang mga nagsusulong ng kaso na dapat manatili sa banko ang mga ari-arian upang makuha ito ng gobyerno kung sakaling mapatunayan ang mga alegasyong pandarambong kay Estrada. Bukod sa …
Read More »Santambak na bagman ng MPD-Intel (Anyare Kernel Nana!?)
SOBRANG sipag daw ngayon ng mga tulisan ‘este’ pulis sa pag-iikot ng mga operatiba ng Manila Police District(MPD) sa ilalim ni district director S/Supt. Rolly Nana. Panay ang ikot at hukay ng mga ‘trabaho’ lalo na sa bisinidad ng Tondo na binansagang Intelihensiya group ng MPD. Isang alyas TATA HATCHIN at TATA OKA ang hataw sa pangongolektong para sa MPD-INTEL …
Read More »‘Diktador’ Sevilla ng Customs
NAKIKITA na siguro ni ‘diktador’ John Sevilla, binata at kuno expert daw sa corporate management, na siyang Commissioner ng Customs, kahit nasibak niya sa pwesto ang mga beteranong kolektor na pawang mga abogado at career exe-cutive service officer (CESO) eligible na may security of tenure, hindi pa rin siya tagumpay sa kanyang anti-corruption o anti-smuggling campaign. Sa halos two years …
Read More »PNoy walang pakiramdam?
MARAHIL ay dapat mag-ingat si President Aquino sa kanyang mga ikinikilos at sinasabi, at isipin din kung ito ba ay makasasakit ng damdamin ng kanyang kapwa. Halimbawa na rito ang hindi niya pagsalubong sa mga labi ng 44 na Special Action Force commandos sa Villamor Air Base at sa halip, ay dumalo sa inagurasyon ng isang planta ng Mitsubishi Motors …
Read More »3 MMDA personnel sinibak sa katiwalian (23 suspendido)
TATLO pang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sinibak habang 23 ang suspendido kaugnay sa pagkakasangkot sa iba’t ibang katiwalian. Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, napatunayan sa kasong extortion o pangingikil, grave misconduct, at gross neglect of duty, kaya tinanggal ang tatlo niyang tauhan. Ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi isinapubliko ang pangalan ng tatlong sinibak na …
Read More »Gown ng kaklase sumabit sa motor estudyante patay (Mula sa JS Prom)
NAGA CITY – Hindi na makaga-graduate ang isang estudyante nang mamatay sa freak accident habang pauwi mula sa dinaluhang JS Prom sa Libmanan, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Jasmine Augusto, 16-anyos. Ayon kay PO2 Emirose Organes, pasado 1:50 a.m. nang makauwi mula sa JS Prom sa Naga City si Augusto kasama ang 16-anyos kaklaseng si Bernadette Abainza. Minabuti …
Read More »Pemberton tumangging magpasok ng plea (Sa murder vs Laude)
TUMANGGI si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na magpasok ng ano mang plea sa kinakaharap na kasong murder kaugnay ng pagkamatay ng transgender na si Jennifer Laude. Sa kanyang arraignment nitong Lunes ng umaga sa Olongapo Regional Trial Court (RTC), ang korte na ang nagpasok ng “not guilty” plea para sa Amerikanong sundalo. Nang makapanayam ng media ang …
Read More »Kidapawan City red alert vs BIFF
NAKATAAS sa red alert status ng Kidapawan City, Cotabato province dahil sa banta ng pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Ang red alert ang pinakamataas na security alert status sa military at police. Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagbanta ang BIFF na maglulunsad sila ng pag-atake sa Kidapawan dahil humingi ng tulong si Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa Moro Islamic …
Read More »3 patay, 11 sugatan sa sumabog na landmine
KORONADAL CITY – Tatlo ang patay makaraan pangha-harass ng grupong New People’s Army (NPA) sa isang detachment na sinundan nang pagpapasabog ng landmine dakong 2 p.m. kamakalawa sa Sitio Datalbiao, Brgy. Danlag, Tampakan. Kinilala ang mga namatay na sina Pfc. Arnel Inonaria at Cpl. Mark Casipe, kapwa mga miyembro ng 27th Infanrtry Battalion ng Philippine Army, at ang CAFGU na …
Read More »Cancer patient namatay sa ere
ISANG 35-anyos babae na sinabing cancer patient ang namatay habang lulan ng eroplano pabalik sa Maynila mula Osaka, Japan, iniulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahapon. Kinilala ang pasahero na si Loida Barrantes Miyaoka, natagpuang walang buhay sa dulo ng upuan ng Jetstar flight 3K764, ng flight attendants nitong Linggo ng hapon. Ang pasyente ay nagpunta sa Japan para …
Read More »OFW mula China pumanaw sa bird flu – DOH
ISANG Filipino mula sa China ang namatay nitong Pebrero 14 dahil sa hinihinalang Avian flu o bird flu. Sa pahayag na inilabas nitong Lunes ng hapon, inianunsyo ng Department of Health (DoH) na Pebrero 9 nang dumating sa bansa ang overseas Filipino worker (OFW) na anim taon nang nagtatrabaho sa China. Nang sumunod na araw, nagkaroon siya ng ubo, lagnat, …
Read More »Nurse pumatay ng mahigit 30 pasyente
ni Tracy Cabrera NAGPAUMANHIN sa mga kamaganakan ng biktima ang isang dating nurse na umaming pumatay sa mahigit 30 pasyente sa pamamagitan ng pagsaksak ng gamot sa mga ito bilang laro at pampawi ng pagkabagot. “I am honestly sorry,” pahayag ng 38-anyos sa kanyang paglilitis, na kung saan nahaharap siya sa tatlong kaso ng murder. “Kadalasan ang desisyon ay relatively …
Read More »Amazing: Sea lion pup nakisakay sa kayak ng pamilya
NAGING pasahero ng isang US family ang hindi ordinaryong hitch-hiker sa kanilang pamamasyal lulan ng kayak, isang cute na sea lion pup. Ang cute na nilalang ay sumampa sa likod ng kayak, habang nagsasagwan ang padre de pamilya at dalawa niyang anak na babae sa Sterns Wharf, California. Nakunan ng camera ng isang usisero, marami ang natuwa sa sea lion …
Read More »Hagdanan paano magiging good feng shui?
ANG mismong hagdanan ay hindi bad feng shui. Ngunit ang hagdanan ay maaaring magdulot ng maligalig na kalidad ng enerhiya. Depende sa pagdaloy ng enerhiya ng espisipikong bahay, ito ay madedetermina sa floor plan – ang maligalig na enerhiyang ito ay mabilis na kumakalat sa buong kabahayan. Upang mabatid ang kalagayan ng feng shui sa espisipikong hagdanan, suriin ang dalawang …
Read More »Ang Zodiac Mo (Feb. 23, 2015)
Aries (April 18-May 13) Kinikilala mo ba ang iyong intuition bilang mahalagang katangian? Ang nararamdamang ito ay maaaring maging babala sa iyo. Taurus (May 13-June 21) Magagamit mo ang iyong pagiging malikhain sa mga bagay na nais mong ipatupad. Gemini (June 21-July 20) Maghanap ng ibang bagong paraan para sa pagpapalawak ng iyong kaalaman. Cancer (July 20-Aug. 10) Baguhin ang …
Read More »Panaginip mo, Interpret ko: Naghanda sa baha
Hello sa iyo senor, Nngnp aq about s ulan, mlkas dw sobra, kya ngssbi aq s mga ksma q na mghnda bka kasi bbha tas nga ay ngbha, nu po kea pnhhwtig ni2? Pls ntrpret po e2 dnt post my cp #,. im bhenz, tnx a lot To Bhenz, Ang panaginip mo ay may kinalaman sa paglilinis mula sa iyong …
Read More »Mga maikling-maikling kwento: White Lily (Ika-6 labas)
“Pwede na ngayon tayong maghapunan…” pag-uunat-unat ng likod ni Lily sa swivel chair. “Kanina pa nga ako gutom na gutom, e,” ani Jerick, himas-himas ang tiyan. “Tena…” Magkahawak-kamay na lumabas ng opisina ang magkatipan. Doon sila nagtuloy sa isang fastfood na walking distance sa gusali ng kanilang publikasyon. “Carbonara at juice lang ang orderin mo para sa akin,” sabi ng …
Read More »Sexy Leslie: Bakit masarap ang sex?
Sexy Leslie, Bakit po kaya ang mga babae ay sarap na sarap kapag hinahalikan ang kanilang ari? 0918-3721559 Sa iyo 0918-3721559, Dahil ang ari ng babae ang kanilang pinaka-sensitibong bahagi pagdating sa sex. Sexy Leslie, May problema po ako, may butas po ang ngipin ko sa harapan pero hindi ko pa rin pinabunot hanggang sa mamaga ang taas …
Read More »Pagpasok ng Hapee sa PBA pinag-iisipan na
ni James Ty III NGAYONG nagkampeon ang Hapee Toothpaste sa una nitong torneo sa PBA D League, malaki ang posibilidad na aakyat na ang koponan sa PBA bilang expansion team sa susunod na taon. Ito ang iginiit ng team owner ng Fresh Fighters na si Cecilio Pedro pagkatapos na nasungkit nila ang korona sa Aspirants Cup kontra Cagayan Valley sa best-of-three …
Read More »Castro sinasandalan ng TnT
ni ARABELA PRINCESS DAWA DOBLE kung kumayod si Jayson Castro para tulungan iangat ang Talk ‘N Text Tropang Texters sa nagaganap na PBA Commissioner’s Cup ito’y dahil sa pagretiro ni team captain Jimmy Alapag. Binalikat ng binansagang “the Blur” na si Castro ang panalo ng TNT sa Barako Bull at Barangay Ginebra. Humarabas ng team-high 16 points kasama ang dalawang …
Read More »TATAP todo ang paghahanda
ni ARNEL BERROYA HUMARAP at sumagot sa mga tanong ng media people ang mga opisyales ng Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) na sina TING LEDESMA (President / Trustee & Chief Executive Officer), ARNEL BERROYA (Vice-President / Trustee & Ambassador of Goodwill and Friendship in Table Tennis), Dr. RENATO LEGASPI (Corporate Secretary), RACHEL RAMOS (Blue Badge International Umpire & …
Read More »Kumasa na rin sa wakas si Floyd
SA wakas…kumasa rin si Floyd Mayweather kay Manny Pacquiao. Kasado na ang kanilang laban sa May 2 sa MGM Grand sa Las Vegas. Marami ang nagulat sa naging desisyon ni Floyd na pumirma na sa kontrata para matuloy ang laban nila ni Pacman na matagal nang hinihintay ng mundo ng boksing. Inaakala kasi ng maraming kritiko na gumagawa na naman …
Read More »Xian, lagi lang daw nami-misunderstood
KUNG maraming nakisimpatiya kina Albay Governor Joey Salceda at chief of staff niyang si Atty. Carol Sabio-Cruz laban kay Xian Lim ay may ilang showbiz personalities naman ang nagtanggol sa tsinitong aktor. Ayaw ipabanggit ang kanilang mga pangalan para walang isyu at baka raw hindi na sila maimbita sa Albay para i-promote ito, ha, ha, ha, ha nagawa pang magbiro …
Read More »