Saturday , December 6 2025

hataw tabloid

Anay sa NBI, ipinapahuli ni Director Mendez

ISANG alyas ROGIE VILLARANCA ang target ngayon ng isang massive manhunt na personal na ipinag-utos ng ating idol na si National Bureau of Investigation (NBI) Director Virgilo Mendez. Nakarating kasi sa kalaman ni Director Mendez ang malaon nang panghihingi at pagtanggap ng PAYOLA ni Villaranca mula sa mga ilegalista gamit ang mga opisyales ng bureau maging ang mismong tanggapan ni …

Read More »

Blacklisted na tsekwa arestado sa Mactan-Cebu airport

PINIGIL ng mga ahente ng Bureau of Customs (BoC) ang isang dayuhang Macau resident na hinihinalang bigtime drug trafficker sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) kamakalawa. Ang suspect na kinilalang si Wok Iek Man, residente ng Macau Administrative Region ng China, ay dumating nitong Lunes ng tanghali sakay ng Flight 5J 241 mula Hong Kong. Natuklasan din na sa record ng …

Read More »

4-anyos paslit, 5 pa naospital sa adobong aso

NAOSPITAL ang anim magkakamag-anak kabilang ang 4-anyos paslit makaraan kumain ng adobong aso sa Brgy. Pangoloan, San Carlos City, Pangasinan kamakalawa. Kabilang ang adobong aso sa inihanda sa kaarawan ng isang apo. Unang nahilo at sumuka ang 46-anyos na ina at ang 22-anyos anak niyang babae ay biglang sumakit ang tiyan makaraan kumain ng adobong aso. Isinugod ang anim sa …

Read More »

Nangotong ng pang-inom nirapido sa sugalan

PATAY ang 36-anyos lalaki nang magwala sa isang sugatan dahil hindi binigyan ng pang-inom kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila. Idineklarang dead on arrival sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Rolando Oltiano, sidecar boy, residente ng Soler St., Creekside, Binondo, Maynila. Sa imbestigasyon ni PO2 Teddy Lim, ng Meisic Police Station (PS 11), naganap ang insidente dakong 11:15 p.m. sa …

Read More »

De Lima binalaan ng ‘pork barrel scam’ lawyer (Sa usad-pagong na pagsasampa ng kaso)

“FIGHT AGAINST CORRUPTION is fight against poverty.” Ito ang ipinahayag ni Atty. Levito Baligod kasabay ng panawagan kay Department of Justice Secretary Leila De Lima na huwag umatras sa laban nito kontra korupsyon sa isinagawang press conference kahapon sa Ermita, Maynila. (BONG SON) IGINIIT ng dating abogado ng whistleblower na si Benhur Luy, sa Department of Justice (DoJ) na huwag …

Read More »

Panlalait ng Thai nat’l ipinauubaya ng Palasyo sa BI

IPINAUUBAYA na ng Palasyo sa Bureau of Immigration (BI) ang pag-alma sa panlalait ng isang Thai national na tinawag ang mga Filipino bilang “Pignoy” at mga ipis. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ipinauubaya na ng Malacanang sa BI kung anong gagawin para sa naturang Thailander na kinilala sa kanyang Facebook account na si Koko Narak o Kosin Prasertsi …

Read More »

Tunay na multo nakunan ng larawan?

NA-PHOTOBOMB nga ba ng multo ng isang sanggol ang wedding photo ng isang mag-asawa? Ito ang pinaniniwalaan nina Reddit user Kevin Matthew Dennis at ang kanyang maybahay na si Christiana matapos maispatan ang ‘distinctly unsettling face’ na lumulutang sa kanilang likuran sa larawan na kuha sa kanilang kasal. Nasa likod lang nila ang imahe, na nakatingin din sa camera. Hindi …

Read More »

Feng Shui: Maruming hangin nililinis ng halaman

NATUKLASAN ng NASA scientists na ang mga halaman ang isa sa pinakamabisang paraan ng paglilinis ng hangin. Maglagay ng iba’t ibang klase ng malulusog na halaman sa paligid ng inyong bahay upang mapabuti ang kwalidad ng hangin. Ang sampung pinaka-epektibong halaman ay ang sumusunod (in alphabetical order by common name): * Bamboo palm (Chamaedorea seifrizil) * Chinese evergreen (Aglaonema modestum) …

Read More »

Ang Zodiac Mo (May 05, 2015)

Aries (April 18-May 13) Maghinay-hinay at makinig sa sasabihin ng ibang tao, tiyaking hindi ka lamang nagyayabang ngayon. Taurus (May 13-June 21) May makakamit kang progreso kalaunan, gayunman hindi ganito lamang ang iyong inaasahan. Gemini (June 21-July 20) Kung mayroon man nagtatangkang makipag-argumento, nasa iyo ang kakahayan kung paano sila patitigilin, at magagawa mo ito nang hindi na lalaki pa …

Read More »

It’s Joke Time

Misis: Hon, bakit ang dumi-dumi mo at ang baho mo pa?! Mister: Nakita mo ba ‘yung maliit na imburnal sa kanto natin? Misis: Oo! Mister: Puwes… ako! Hindi ko nakita! *** Touching Love Story Kabit: Kelan mo hihiwalayan ang asawa mo? Mister: Ngayon na, pag uwi ko. Kabit: Talaga? Mister: Oo, sure na sure na, wala nang makakapigil sa akin. …

Read More »

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-2 Labas)

“Sabi sa akin ni Karl, magbabakasyon lang daw siya…” pagtatapat sa mga maykapangyarihan ng vendor na kababata ni Karl. Malayong-malayo na si Karl nang mga oras na iyon. Sa isang probinsiya sa katimugan ang destinasyon ng bus na kanyang sinasakyan. Umibis siya ng pampasaherong behikulo sa highway. Lumipat siya sa namamasaherong dyip. Mahigit dalawang oras pa si-yang naglakbay. Pagkaraa’y lumulan …

Read More »

Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao)(Part 28)

LUMAYA NA SI KONG KONG PERO HINDI PA SI RANDO “Tumataginting na fifty thousand pesos ang premyo sa magta-champion…” pagbobrodkas ng matabang emcee-comedian. “At hindi uuwing luhaan ang ‘di magwawagi dahil maroon siyang takehome na fifteen thousand pesos!” segunda ng payatot na emcee-comedian. “Umpisahan na ang laban!” ang umaatikabong sigawan ng mga kalalakihang miron. Tumunog ang batenteng na senyal sa …

Read More »

Pacquiao-Mayweather bout: Hindi epikong laban, isang scam!

BINANSAGAN ito bilang ‘fight of the century’ at isa sa greatest sporting event of all time. Kung nangyari si-guro ito lima o sampung taon nakalipas, pero hindi ngayon. Ayon sa kolumnistang si Paul Newberry, ang Floyd Mayweather vs. Manny Pacquiao title bout ay isang matchup ng dalawang mandirigmang lipas na sa kanilang dating galing para makagawa ng sagupaang ina-asahang magpapa-excite …

Read More »

Meralco kontra Globalport

TARGET ng Meralco ang ikalawang sunod na semifinals appearance o mas higit pa roon sa kampanya nito sa season-ending PBA Governors Cup. Makikita kung kaya ng Bolts na maabot ang pangarap na ito sa salpukan nila ng Globalport mamayang 7 Pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm ay bahagyang pinapaboran ang …

Read More »

Photoshop picture ni Enrique, inalmahan ng fans

ni Alex Brosas COVER ng isang magazine si Enrique Gil pero nagwala ang fans niya dahil super photoshop daw ang nangyari. Ipinakita sa isang popular website ang photos ng pictorial at medyo malayo nga sa original picture ang lumabas na cover photo. Hindi maikakailang pinotoshop ang larawan ng binata. Nagwala naman sa galit ang fans ni Enrique. Iba raw kasi …

Read More »

Marian, nabago ang mood sa rami ng nagpapa-picture

ni Alex Brosas NAGSUPLADA na naman daw itong si Marian Something. Habang papunta kami sa isang event ay super chika ang isang blogger na Marian displayed her kasupladahan anew sa presscon for her latest endorsement. Nang matapos na kasi ang Q and A ay nagpa-picture siyempre ang mga utaw kay Marianita. Noong una, Marian was all smile pa raw sa …

Read More »

Sequel ng That Thing Called Tadhana, tinatrabaho na

ni Alex Brosas TIYAK na marami ang matutuwa kapag nalaman nilang posibleng magkaroon ng sequel ang That Thing Called Tadhana. Mismong ang Cinema One Originals head na si Ronald Arguelles ang nagsabing tinatrabaho na nila ang follow-up movie nina Angelica Panganiban and JM de Guzman. “We are very much pressured. Kahit si Charo (Santos-Concio) sinasabi na gawa tayo ng bagong …

Read More »

John, ‘di iiwan ang Kapamilya Network

ni Vir Gonzales BIGLAAN man ang tanong, biglaan din ang naging sagot ni John Estrada nang tanungin kung naniniwala ba sa relasyong Janice de Belen at Gerald Anderson? Hindi raw maaaring mangyari yon, matalino si Janice at alam nitong makaaapekto sa kanilang mga anak. Ateneo Graduate si Janice at hind kailanman maaaring humantong sa ganoong balita. May project si John …

Read More »

Tambalang Iñigo at Julia, dream come true!

ni Pilar Mateo A dream come true! Imagine 10 years ago pa pala eh pangarap ng binuo ang Julia Barretto at Iñigo Pascual? Nagkatotoo siya nang magsama ang dalawa sa Wansapanataym ngayong taon. At sa pelikula na ito mae-extend. Sa kuwento ni Iñigo, nang makilala niya ang tita Claudine Barretto ni Julia na nakapareha na ng dad niya in some …

Read More »

Jane, inspirasyon pa rin si Jeron

ni Pilar Mateo MOVING on! Hindi lang sa karakter niya sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ipinamamalas ni Jane Oineza ang pag-move on sa maraming bagay. Lalo pa’t nagsisilbi na palang inspirasyon sa buhay niya ang cager na si Jeron Teng. In a not so blunt way, nabanggit nito at naamin na nanliligaw sa kanya ang binata. Pero wala pa …

Read More »

Mga sideline ni male starlet, takot mabuking ng misis

ni Ed de Leon TAKOT na takot ang male starlet na mabuko ng kanyang misis ang kanyang nakaraan. Hindi naman kasi niya inamin ang lahat ng pinagdaanan. May panahon naman kasing matagal siyang jobless, dahil ang inaasahan lang niya noon ay showbiz, pero wala namang dumarating na trabaho. Kaya nga noon napilitan din siyang gumawa ng mga sideline. Noong mag-asawa …

Read More »

Fund raising concert para kay Rico J., ikinakasa

ni Ed de Leon MAY sinasabi si Richard Merck, na magkakaroon sila ng isang fund raising concert para matulungan sa gastusin si Rico J Puno dahil sa dinaanan niyong triple bypass operations kamakailan. Napakalaking gastos talaga niyon, at kahit na sabihin mong may pera rin naman si Rico J, malulumpo siya sa malaking gastos na kailangan niyang harapin. Aminin din …

Read More »