Saturday , December 13 2025

hataw tabloid

Bilibid riot ikinagulat ng PNP chief

INIHAYAG ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang kanyang pagkagulat kaugnay sa naganap na riot sa Bilibid kahapon. “Yes, nagulat ako bakit sila nagpapatayan, pahayag ni Dela Rosa sa mga reporter sa sidelines ng Asian Defense, Security, and Crisis Management Exhibition and Conference sa Pasay City. “Meron tayong investigation na ginagawa. I hope they will come up with …

Read More »

PNP-CIDG pasok sa imbestigasyon

NAKAHANDA ang mga opisyal ng PNP-CIDG na imbestigahan ang nangyaring riot sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon ng umaga na ikinamatay ng isang drug lord habang tatlo ang sugatan. Ayon kay PNP-CIDG spokesperson, Supt. Elizabeth Jasmin, nakahanda silang tumulong kung kailangan at hilingin ang kanilang tulong. Ngunit ayon kay Jasmin, hanggang ngayon ay wala pang galaw ang kanilang …

Read More »

Appointment ni Diño sa SBMA bayad-utang ni Digong

KAPIT-TUKO si outgoing Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Roberto Garcia sa kanyang puwesto na nangakong hindi ibibigay ang liderato ng freeport kay Martin Diño hangga’t hindi nagpapakita ng nilagdaang appointment letter. Kasabay nito, isang career official ng SBMA ang nagsabing ipinangako na raw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dating chairman ng Volunteers Against Crime and Violence (VACC) ang SBMA …

Read More »

Celebrity clients ikinanta ni Sabrina M

ISINAILALIM na sa inquest proceedings kahapon ng umaga ang dating sexy star na si Sabrina M o Karen Pallasigue sa tunay na buhay, dalawang araw makaraan maaresto nitong weekend sa bahagi ng Tandang Sora sa Lungsod ng Quezon. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Senior Supt. Guillermo Eleazar, non-bailable o hindi maaaring makapagpiyansa si Sabrina sa mga kasong …

Read More »

3rd narco-list ihahayag pagbalik ni Duterte (Mula Vietnam trip)

ARAYAT, Pampanga – Nakatakdang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte pagbalik mula Vietnam, ang mga opisyal na kasama sa aniya’y “third and final” narco-list. Sinabi ni Pangulong Duterte, marami sa narco-list ay mga barangay captains, mayor, congressman, gobernador at opisyal ng PNP. Ayon kay Pangulong Duterte, dumaan na sa ika-apat na re-validation ang hawak niyang listahan. Si Pangulong Duterte ay aalis …

Read More »

3 pugot na ulo, natagpuan sa Quezon

knife saksak

NAGA CITY – Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang hinggil sa natagpuang tatlong pugot na ulo ng tao kamakalawa sa Brgy. Cambuga, Mulanay, Quezon. Nabatid na natagpuan ng mga barangay tanod ang isang sunog at pugot na ulo ng tao. Bunsod nito, agad hinanap ng pulisya ang katawan ng pugot na ulo ngunit ang sunod na natagpuan ay isang sako …

Read More »

20 mining companies ipinasuspinde ng DENR

INIREKOMENDA ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Gina Lopez ang pagsuspinde sa 20 mining company sa bansa. Iprinisenta ni Environment Undersecretary Leo Jasareno at ni Lopez ang resulta ng audit mining na kinabibilangan ng Libjo Mining Corporation, AAM-Phil Natural Resources Exploration and Development Corporation – Parcel 1 and Parcel 2B, Krominco Incorporated, Carrascal Nickel Corporation, Marcventures Mining …

Read More »

Narco celebs walang lusot sa tokhang (Babala ni Gen. Bato)

INIHAYAG ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, isasailalim din ng pulisya sa Oplan Tokhang ang mga artistang kabilang sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Gayonman, sinabi ni Dela Rosa, hindi pa niya nakikita ang nasabing listahan. “Sa mga artista kung ibigay ni Presidente sa akin ‘yung listahan na ‘yun, gusto mo i-Tokhang natin sila? Ito-tokhang natin. Sama …

Read More »

Amyenda sa Wiretapping Law panahon na – Gen. Bato

INIHAYAG ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, marami silang natutunang magagandang gawi sa kanyang limang araw na pagbisita sa bansang Colombia. Kabilang sa natuklasan ng PNP chief, una ay kung gaano ka-equip ang pulis sa Colombia sa mga kagamitan lalo na ang kakayahan nilang i-wire tap ang hinihinalaang drug lords doon. Dahil may umiiral na batas, puwedeng i-wiretap …

Read More »

Duterte wala pang order sa UN probe invite — DFA

  WALA pang natatanggap na liham ang Department of Foreign Affairs (DFA) mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para pormal na maimbitahan ang mga rapporteur o kinatawan ng United Nations (UN) na nagnanais mag-imbestiga sa sinasabing nagaganap na extrajudicial killings sa bansa. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose, kaklaruhin muna nila sa Pangulong Duterte kung …

Read More »

Drug war huwag pakialaman (PH sa int’l community)

NANAWAGAN si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., sa international community na huwag pakialaman ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kriminalidad at ilegal na droga. Sinabi ni Yasay sa United Nations (UN) General Assembly sa New York, desedido ang administrasyong Duterte na wakasan ang mga ilegal na gawain sa bansa kabilang na ang pagtutulak ng droga. Dapat din …

Read More »

Matobato aarestohin kahit nasa Senado (Sa frutstrated murder)

DAVAO – Maaaring arestohin si Edgar Matobato, ang self-confessed member ng Davao Death Squad (DDS) na itinuturong responsable sa pagpatay sa mga kriminal sa lungsod, kahit siya ay nasa Senado. Ito ang inilinaw ni Atty. Arnold Rosales, director ng National Bureau of Investigation (NBI) – Davao Region, makaraan maisampa ang kasong frustrated murder laban sa tumatayong testigo sa extrajudicial killings. …

Read More »

Senado ginamit ni De Lima para protektahan ang sarili – Goitia

INIHAYAG ni PDP Laban Policy Studies Group head at Membership Committee National Capitol Region chairman Jose Antonio Goitia na wasto ang pagsibak kay Senador Leila de Lima bilang tagapangulo ng Committee on Justice and Human Rights dahil hindi tamang gamitin ang Senado para maprotektahan ang sarili sa imbestigasyon at kailangan ito para mapangalagaan ang katayuan ng Senado bilang patas na …

Read More »

Duterte friends nasa narco-list

MULING ipina-validate ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hawak na sinasabing “final narco-list” makaraang lumitaw sa listahan ang ilang pangalan ng kanyang mga kaibigan. Sinabi ni Pangulong Duterte, nagulat siya nang mabasa nang buo ang narco-list at hindi akalaing kasama sa listahan ang ilang kaibigan. Ginawang halimbawa ng Pangulo ang pangalan ng isang General Espino na kaibigan niya kaya mismong mga …

Read More »

Misis na ayaw magpasiping tinaga ni mister (Anak idinamay)

knife saksak

KALIBO, Aklan – Sugatan ang isang ginang makaraan tagain ng kanyang mister nang tumangging makipagsiping sa Brgy. Solido, Nabas, Aklan. Isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang ginang na kinilalang si Maricar Villorente, 41, habang sugatan din ang anak na tinaga rin na si Jasmine Villorente, 22, kapwa residente ng nasabing lugar. Nakakulong sa Nabas-Philippine National Police Station ang suspek na …

Read More »

War on drugs tuloy – Gen. Bato

ronald bato dela rosa pnp

  TINIYAK ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, walang gagawing pagbabago sa kanilang kasalukuyang set-up o patakaran na ipinatutupad sa nagpapatuloy na anti-illegal drug campaign ng PNP. Ito’y kahit pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim na buwan ang kampanya ng pambansang pulisya. Sinabi ng PNP chief, mananatili ang frequency, intensity at magnitude ng kanilang kampanya laban sa …

Read More »

50 celebs pasok sa drug list

AABOT sa 50 ang bilang ng celebrities sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang tinuran nitong Sabado ni incoming Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Martin Diño, kilalang malapit sa chief executive. Ayon kay Diño, karamihan ay gumagamit ng party drugs, habang may ilan din na tumitikim ng ibang droga. Ibinunyag din niyang hindi bababa sa 10 ang …

Read More »

2,000 Pinoys, US troops lalahok sa war games

NAKATAKDA sa Oktube ang joint Philippine-US war games na gagawin sa iba’t ibang bahagi ng Luzon. Batay sa inilabas na pahayag ng US embassy sa Manila, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nag-imbita sa US marines at sailors mula sa 3rd Marine Expeditionary Brigade at Bonhomme Richard Expeditioanry Strike Group para lumahok sa Philippines Amphibious Landing Exercise (Phiblex …

Read More »

4 bata, bebot patay sa sunog sa Quezon

fire dead

PATAY ang limang indibidwal, kabilang ang apat bata at isang babae, nang masunog ang isang residential area sa Brgy. Lalo, Tayabas, Quezon nitong Sabado ng gabi. Sa report mula kay Quezon Police Supt. Arturo Browale, nakatanggap sila ng tawag na may naganap na sunog sa Sitio Walang Diyos partikular sa bahay ng isang Gigi Rey. Apat na katabing bahay ang …

Read More »

2 advance phone jammers ikakabit sa NBP

INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kahapon, dalawa pang advanced signal jammers ang ikakabit sa susunod na linggo sa New Bilibid Prison’s (NBP) building, kinaroroonan ng high-profile inmates. Sinabi ni Aguirre, ang dalawang signal jammers ay inilabas na mula sa Bureau of Customs at maaari nang ikabit sa Building 14 ng NBP. “Ang cost nito ay P2 million each. …

Read More »

DDS cops bibigyan ng patas na laban – Gordon

  INABISOHAN na ng Senate committee on justice and human rights ang mga pulis na isinangkot ni Edgar Matobato sa Davao Death Squad (DDS) para sa susunod na pagdinig. Ayon kay committee head Sen. Richard Gordon, baka 15 pulis ang kanilang paharapin para maipagtanggol ang kani-kanilang sarili. Ngunit taliwas sa pagsalang ni Matobato sa witness stand, magiging executive session muna …

Read More »

Bodyguard ni Gov. Zubiri arestado

arrest posas

  ARESTADO ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang indibidwal na kabilang sa target list at napag-alamang nagtatrabaho bilang bodyguard ni Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri. Naaresto si Marlou Madrial nang isilbi ng PDEA ang isang search warrant para sa kanyang bahay sa Brgy. Labuagon, Kibawe, Bukidnon. Nakuha mula sa bahay ni Madrial ang pitong pakete …

Read More »

EJK wala sa UN agenda sa PH visit — DFA

INILINAW ng Department of Foreign Affairs (DFA), hindi kasali sa agenda ng United Nations (UN) ang isyu ng extrajudicial killings (EJK) sa pagbisita ng UN Committee on Economic, Social and Cultural Rights sa bansa sa susunod na linggo. Sinabi ni DFA Spokesman Charles Jose, nasa bansa ang naturang komite para talakayin ang isinumiteng report ng gobyerno ng Filipinas hinggil sa …

Read More »

‘Silencing stage’ ng sindikato itinuro ni Digong sa drug killings

IDINIIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat imbestigahan ng  human rights advocates ang pagkakasangkot ng narco-generals at tinatawag na ‘ninja police’ sa nangyayaring extrajudicial killings sa bansa. Sinabi ni Pangulong Duterte, bago siya o si PNP Chief Ronald dela Rosa ang sisihin, dapat alamin muna ng US, United Nations (UN) at European Union (EU) na nagpapatayan na ngayon ang mga sangkot …

Read More »