Sunday , December 14 2025

hataw tabloid

Aguirre kay Morente: P20-M extortion money isauli sa loob ng 24-oras

BINIGYAN ni Secretary Vitaliano Aguirre II si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ng 24-oras para ibalik ang P20 milyon mula sa P50 milyong bribe money na ibinigay ni online gambling tycoon Jack Lam. Inilabas ni Aguirre ang utos makaraan aminin ni Morente na nagbigay siya kay dating former Intelligence Chief Charles Calima ng go-signal para magsagawa ng counter-intelligence …

Read More »

De Lima kinasuhan ng obstruction of justice ng DoJ

SINAMPAHAN na ng kaso ng Department of Justice (DoJ) si Senator Leila de Lima sa Metropolitan Trial Court (MTC) National Capital Judicial Region sa Quezon City. Reklamong paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code na tumutukoy sa pagsuway o hindi pagsunod sa patawag ng Kongreso, ang isinampa sa MTC sa Quezon City ni Assistant State Prosecutor Vilma Lopez-Sarmiento laban …

Read More »

Christmas wish kay Leni

TILA medyo nanahimik ngayon ang Bise Presidente na si Leni Robredo. Parang hindi yata masyadong pumapapel sa mga isyu ngayon ang pangalawang pangulo. Mabuti naman. At ngayong ilang tulog at gising na lang, Pasko na, tila magandang Christmas wish natin kay Leni, tigilan na nito ang panay-panay na pag-iinarte. Tama na ‘yung maya’t mayang pagsakay sa iba’t ibang mga isyu …

Read More »

Duterte OK sa joint oil dev’t sa China (Ruling saka na)

xi jinping duterte

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi pa napapanahon ngayon para ilaban sa China ang arbitral ruling sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea. Sinabi ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi, mas mabuting magkaroon na lang muna ng joint oil exploration sa pinagtatalunang karagatan at paghatian ang kikitain. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya maghahanap ng away dahil walang kalaban-laban ang …

Read More »

Cash gifts sa PNP mula kay Duterte ‘di na tuloy — Gen. Bato (Pera naging bigas)

KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, hindi na matutuloy ang cash gifts na ibibigay sana ni Pangulong Rodrigo Duterte sa matataas na mga opisyal ng PNP. Inianunsiyo ito ni Dela Rosa sa isinagawang turn-over of command sa PNP Logistics Support Service (LSS). “Gusto ko sanang mag-share sa inyo kung meron akong natanggap kasi akala ko meron akong …

Read More »

Pasko posibleng may bagyo — PAGASA

MALAKI ang posibilidad na makaranas ng mga pag-ulan sa darating na weekend. Ito ang sinabi ni PAGASA forecaster Aldczar Aurelio dahil sa inaasahang low pressure area (LPA) na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR). Tinatayang makaaapekto ito sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao. Kung magiging ganap na bagyo, tatawagin ito bilang tropical depression “Nina.” Habang ang malaking bahagi …

Read More »

Ex-GM Uriarte humirit ng piyansa, house arrest (Sa PCSO case)

HINILING ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Rosario Uriarte sa Sandiganbayan na ilagay siya sa house arrest at makapagpiyansa dahil sa lagay ng kanyang kalusugan. Si Uriarte ang tinaguriang “missing link” sa plunder case ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa sinasabing maling paggamit ng P366 milyon intelligence funds ng PCSO na nauna nang na-dismiss ng Korte …

Read More »

Tuition fee libre sa SUCs, ibang bayarin hindi (Sa 2017) — Palasyo

CHED

INILINAW ng Malacañang kahapon, tanging tuition o matrikula lang ang libre sa state universities at state colleges sa susunod na taon. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, babayaran pa rin ang miscellaneous fees ng mga estudyante sa kanilang pag-enrol sa mga paaralang pampubliko. Ayon kay Abella, ang mahigit P8.3 bilyon alokasyon o dagdag sa budget ng Commission on Higher Education …

Read More »

Abogado, bodyguard patay sa ambush

dead gun police

PATAY ang isang abogado at kanyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang idinaraos ang Simbang Gabi sa Brgy. Poblacion, San Pablo, Isabela nitong Martes ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Atty. Arland Castañeda ng Brgy. Binguan, habang agad binawian ng buhay sa insidente ang hindi pa nakikilalang bodyguard. Naganap ang pamamaril dakong 4:00 am. …

Read More »

3 minero nalunod sa mining pit (Sa CamNorte)

NAGA CITY – Nalunod ang tatlong minero sa sa mining pit sa Labo, Camarines Norte kamaka0lawa. Kinilala ang mga biktimang sina Florentino Mallanes, 47; Joel Cena, 36, at Mark Alvin Echano, 22-anyos. Napag-alaman, sinusubukan ng tatlo na iahon mula sa abandonadong mining pit ang equipment na ginagamit sa pagmimina. Ngunit habang nasa ilalim sila ng hukay ay biglang bumuhos ang …

Read More »

2 patay, 8 sugatan sa ratrat ng tandem sa Bacolod

gun shot

BACOLOD CITY – Dalawa ang patay habang walo ang sugatan sa dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril ng riding-in-tandem sa Bacolod City kahapon ng madaling araw. Pasado 12:00 am nang pagbabarilin sa Brgy. 28 ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang mga empleyado ng isang sikat na kainan sa lungsod. Agad binawian ng buhay sa insidente si Edwin Despi habang …

Read More »

Misis pinatay, mister kritikal sa suicide-try

knife saksak

KORONADAL CITY – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang misis nang saksakin ng kanyang mister na kritikal ang kalagayan sa pagamutan nang tangkang magpakamatay sa bayan ng T’boli, South Cotabato kamakalawa. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente habang mahimbing na natutulog ang kanilang 4-anyos anak. Nag-ugat ang away ng mag-asawa dahil sa matinding selos ng mister na …

Read More »

Ilantad tunay na lagay ng kalusugan ni Duterte

NAKABABAHALA ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo “Digong’ Duterte na baka hindi na raw niya matapos ang kanyang termino. Higit pang nabahala ang maraming tagasuporta niya nang sabihin ng kanilang idolong pangulo na madalas siyang inaatake ng migraine at matindi ang gamot na kanyang iniinom para labanan ang pananakit ng kanyang ulo. Lalong naging usap-usapan sa mga kumpulan ang ilang …

Read More »

Dating aktres na medyo may edad na, ‘inilalakad’ pa sa halagang P100,000

HINDI na aktibo ang kilalang personalidad na ‘inilalakad’ pa kahit may edad na. Aktibo na lamang itong dating aktres sa mga show out of town. Kahit sabihin pang maganda ang dating aktres, hindi na siguro katanggap-tanggap na ‘lumalakad’ pa rin siya sa kanyang edad. At take note, ang gusto pang presyo’y P100,000. Tsk, tsk, tsk. Kaya naman napailing ang in-offer-an …

Read More »

Bayan sa Cotabato sinalakay ng daga at black bug

KORONADAL CITY – Isinailalim sa “state of calamity” ang bayan ng Kabacan, North Cotabato. Ito ay dahil sa malawakang pinsala sa mga pananim bunsod ng pamemeste ng mga daga at black bug. Napag-alaman, siyam barangay sa naturang bayan ang apektado ng pamemeste at umabot sa P11.4 milyon ang danyos sa agricultural crops sa 500 ektaryang lupain. Sa lawak ng pinsala, …

Read More »

P90-M cocaine narekober sa Albay sea

LEGAZPI CITY – Nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang 18 bricks ng cocaine makaraan narekober sa karagatan na Brgy. Sogod, Tiwi, Albay. Tinatayang aabot sa P90 milyon ang halaga ng cocaine, na milyon  ang halaga ng bawat brick na umabot sa 18, ayon sa PDEA. Nalambat ito ng dalawang mangingisda sa karagatan ng nasabing lalawigan. Ayon kay Bicol police …

Read More »

Rekomendasyon ng solons: Medical exam kay Duterte (Biro ng pangulo sa health issue sensitibo — Law expert)

INIREKOMENDA ng ilang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na sumalilalim sa medical examination at ispubliko ang ano mang magiging resulta nito. Ito ay makaraan aminin ni Pangulong Duterte na gumagamit siya ng matinding uri ng painkiller dahil sa pananakit na kanyang nararamdaman. Magugunitang kamakailan, isinapubliko ng Pangulo na dati siyang umiinom ng gamot na kadalasang inirereseta sa mga may sakit …

Read More »

Major reshuffle sa Immigration plano ni Aguirre

KASUNOD nang pagsibak sa puwesto sa dalawang Immigration associate commissioners dahil sa isyu ng bribery, plano ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na magpatupad ng balasahan sa Bureau of Immigration (BI). Sinabi ng justice chief, pinag-aaralan niyang irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng total overhaul sa kawanihan. Hayagang sinabi ng kalihim ang plano niyang malawakang balasahan sa mga …

Read More »

Dinner na lang tayo sa Pasko (Imbitasyon ni Digong sa ASG)

NAKIKIUSAP si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kalaban ng estado, kabilang ang mga teroristang Abu Sayyaf, na isantabi muna ang pakikipaglaban ngayong holiday season. Sinabi ni Pangulong Duterte, hangad niyang magkaroon nang mapayapang selebrasyon ng Pasko at saka na lang ituloy ang labanan pagkatapos. Ayon kay Pangulong Duterte, nakahanda siyang manlibre ng dinner sa mga Abu Sayyaf sakaling mapadaan sa …

Read More »

8 sa 10 Pinoys takot mamatay sa drug war — SWS

shabu drugs dead

WALO sa bawat 10 Filipino ang nangangambang mabiktima sila ng talamak na patayan sa gitna ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations. Sinabi ng 78 porsiyento ng 1,500 respondents mula 3-6 Disyembre, nangangamba sila o sino mang kakilala nila ang mamatay bunsod ng kampanya laban  sa droga. Ang nalalabing 10 porsiyento …

Read More »

‘Di nasiyahan sa war on drugs ipokrito — PNP chief

TINAWAG na ipokrito ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga hindi nasisiyahan sa kampanya kontra droga ng gobyerno. Reaksiyon ito ni Dela Rosa makaraan ilabas ng SWS ang survey na nagsa-sabing 85 porsiyento ng kanilang mga tinanong ay kontento sa anti-drug campaign ng PNP habang walong porsiyento ang mga hindi natutuwa at pitong porsiyento ang “undecided.” Ayon …

Read More »

‘Wag mabahala sa EJKs — Palasyo

PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng mga Filipino sa nagaganap na extrajudicial killings o summary execution kasunod ng anti-drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte. Reaksiyon ito ng Malacañang sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey sa last quarter ng taon na 78 porsiyento ng mga Filipino ay nangangamba sa kanilang seguridad sa gitna ng extrajudicial killings sa bansa. Sinabi …

Read More »

EJKs kabiguan ng PNP — Gen. Bato

AMINADO si PNP chief Director General Ronald dela Rosa, kabiguan ng pulisya ang pag-usbong ng extrajudicial killings (EJK) sa bansa. Kaya hindi niya masisisi kung may mga sibilyan na nangangamba na baka mangyari sa kanila ang extrajudicial killings. Ito ay kasunod sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na may 1,500 respondents o katumbas ng 78 porsyento ang …

Read More »

Pagbuwag sa VFA warning lang ni Digong — Palasyo

INILINAW ng Malacañang, babala pa lamang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapawalang-bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos. Sinabi ni Communications Assistant Sec. Anna Marie Banaag, dapat munang mapag-u-sapan ng Pangulong Duterte at ng kanyang advisers ang usapin sa VFA. Ayon kay Banaag, mas maiging hintayin na lang ang susunod na hakbang ng Presidente at …

Read More »