dead gun police

Abogado, bodyguard patay sa ambush

PATAY ang isang abogado at kanyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang idinaraos ang Simbang Gabi sa Brgy. Poblacion, San Pablo, Isabela nitong Martes ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Atty. Arland Castañeda ng Brgy. Binguan, habang agad binawian ng buhay sa insidente ang hindi pa nakikilalang bodyguard.

Naganap ang pamamaril dakong 4:00 am. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.