Monday , September 25 2023

Ex-GM Uriarte humirit ng piyansa, house arrest (Sa PCSO case)

HINILING ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Rosario Uriarte sa Sandiganbayan na ilagay siya sa house arrest at makapagpiyansa dahil sa lagay ng kanyang kalusugan.

Si Uriarte ang tinaguriang “missing link” sa plunder case ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa sinasabing maling paggamit ng P366 milyon intelligence funds ng PCSO na nauna nang na-dismiss ng Korte Suprema.

Umaasa si Uriarte sa Sandiganbayan First Division na pagbibigyan ang kanyang kahilingan batay sa humanitarian consideration kagaya ng situwasyon noon ni dating Sen. Juan Ponce Enrile.

Sa kanyang 15-pahinang mosyon, sinabi ni Uriarte, may nakita ang kanyang mga doktor na isang tumor sa kanyang dibdib.

Dahil dito, kailangan niyang sumailalim sa neoadjuvant or pre-operative chemotherapy.

Hiniling ni Uriarte sa anti-graft court na payagan siyang malagay sa house arrest sa loob ng anim hanggang 10 buwan.

Bukod dito, inihirit din niya sa korte na payagan siyang makapagpiyansa dahil sinabi ng Supreme Court na hindi sapat ang mga ebidensiya laban sa kanyang dating kapwa akusado na si Arroyo.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla

Sen Robin ‘di iiwan ang Senado

HATAWANni Ed de Leon PINAGRE-RESIGN din ng mga social media hacker si Sen. Robin Padilla dahil daw …

SM Foundation Health Medical Mission Butuan Davao Feat

SM Foundation naghatid ng tulong medikal sa Mindanao

Mahigit 1,000 benepisyaro mula sa Butuan at Davao City ang nakatanggap ng libreng medical at …

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *