ITINANGGI kahapon ni Yassi Pressman na siya ang gaganap bilang bagong Darna. Aniya, matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, na napakalaking honor na gampanan ang iconic superheroine na si Darna, ”Sobrang laking honor. Kahit sabihin na even if I don’t get to play the role, kung isa ako sa mga iniisip nila na posible, eh sobrang nakatutuwa. Just the fact …
Read More »Field trips na kapalit ng grado bawal — DepEd
KASUNOD ng field trip na humantong sa aksidente at ikinamatay ng 15 katao sa Tanay, Rizal, ipinaaala ng Department of Education (DepEd), na hindi mandatory ang educational tours at hindi rin dapat gawing batayan ng grado. “Hindi naman po mandatory ang field trip at hindi naman po iyan naka-attach doon sa grades. Ipinagbabawal po iyan sa polisiya natin,” ani …
Read More »Task Force Tanay tragedy binuo
BUMUO ng special investigating team ang Tanay police para tutukan ang aksidenteng ikinamatay ng 15 pasahero ng isang bus na sumalpok sa poste sa Tanay, Rizal nitong Lunes. Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon, pagewang-gewang at hindi nakapag-preno ang bus bago ito sumalpok sa poste.
Read More »People power ‘di uubra ngayon — Lacson
MALABONG mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte, sa pamamagitan ng people power revolution. Ito ang sinabi ng dating PNP chief at ngayon ay Sen. Panfilo Lacson, kasunod ng mga lumulutang na isyu ng impeachment, at sinasabing pagkilos ng ilang grupo. “Malabo. Malabo at this point in time especially ngayong time na mataas ang trust rating ni PRRD (Pres. Rodrigo Roa Duterte), …
Read More »Extortionist!
WASTO ang inilatag na kondisyon ni Presidential spokesman Ernesto Abella na babalik lamang sa negotiating table ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kung ititigil ng News People’s Army (NPA) ang mga armadong pag-atake sa pamahalaan kabilang na ang mga pangingikil sa mga negosyante. Kailangang maging matatag at matapang ang posisyon ngayon ng pamahalaan matapos mapahiya ang NPA na naunang …
Read More »Sa Tanay tragedy: Field trips itigil muna — CHEd
ISINUSULONG ng isang opisyal ng Commission on Higher Education (CHEd), na ipagbawal ang lahat ng educational tours habang iniimbestigahan kung paano nauwi ang isang field trip sa trahedyang kumitil sa 15 indibidwal sa Tanay, Rizal. Ani CHEd commissioner Prospero de Vera, hihikayatin niyang maglabas ang CHEd en banc ng moratorium sa mga field trip, upang maayos na masuri ang insidente …
Read More »Waiver sa field trips walang bisa — CHEd exec
HINDI maaaring talikuran ng paaralan ang responsibilidad sa mga estudyante, sakaling magkaroon ng aksidente ang isang school event, kahit may pinirmahang “waiver” ang mga magulang o guardian ng mga mag-aaral. Ito ang iginiit ng dalawang miyembro ng academe nitong Martes, makaraan maaksidente ang isang bus sakay ang mga estudyanteng magfi-field trip sa Tanay, Rizal, nagresulta sa pagkamatay ng 15 katao. …
Read More »Ayon sa LTFRB: Driver sa fields trips dapat may sertipikasyon
NAIS ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na mapatibay ang ugnayan sa Commission on Higher Education (CHEd), para maiwasang mauwi ang mga field trip sa aksidente, tulad nang ikinamatay ng 15 katao nitong Lunes. Sa panayam ng DZMM, sinabi ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, napag-alaman nilang nakikipag-ugnayan ang CHEd sa mga lokal na pamahalaan, at iba …
Read More »No special treatment kay De Lima — Rep. Castro
KOMPIYANSA si House Deputy Speaker Fredenil Castro, hindi mabibigyan ng special treatment si Sen. Leila de Lima, sakaling matuloy ang pag-aresto sa senadora. Pahayag ito ni Castro makaraan ma-raffle ang tatlong kasong kriminal na isinampa ng Department of Justice (DoJ), laban kay De Lima kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison. Binigyang diin ng kongresista, ang batas sa …
Read More »4 pulis patay, 3 kritikal, suspek utas (Nagsilbi ng arrest warrant)
BAGUIO CITY – Patay ang apat miyembro ng Kalinga Provincial Public Safety Company, habang kritikal ang tatlong iba pa, nang lumaban ang suspek na sisilbihan nila ng warrant of arrest sa Lubnac, Lubuagan, Kalinga, kamakalawa. Ayon kay S/Supt. Brent Madjaco, provincial director ng Kalinga Police, kabilang sa mga namatay sina PO3 Cruzaldo Lawagan, PO2 Jovenal Aguinaldo, PO1 Charles Compas, at …
Read More »Sundalo patay sa ambush sa Maguindanao
COTABATO CITY – Patay ang isang sundalo sa pananambang ng hinihinalang liquidation squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), sa probinsya ng Maguindanao, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Sgt. Zaldy Caliman, kasapi ng 57th Infantry Battalion Philippine Army. Ayon kay Maguindanao police provincial director, S/Supt. Agustin Tello, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo, kasama ang kanyang anak at asawa mula …
Read More »Porsiyento sa OVR tickets nakatkong sa MTPB admin ofc?
SIR, reklamo lang po namin ang dalawang tila legal na fixer sa office ng admin dito sa Manila city hall, nawawala ho ‘yung porsiyento namin sa tickets ng OVR na ini-issue namin sa mga nahuhuling traffic violators. Malakas na nga po ang katayan o dukutan ng mga OVR pati po kaming pumaparehas na mga MTPB na umaasa na lamang sa …
Read More »Militar palalakasin ang giyera kontra droga
PORMAL na inianunsiyo kamakailan ni AFP chief Gen. Eduardo Año ang paglahok ng mga sundalo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang pagsurporta sa bago at pinalakas na kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot. Nangangahulugang tuloy pa rin ang mainit na operasyon laban sa droga sa kabila ng pagbasura sa Oplan Tokhang na pinasimulan ni …
Read More »Paulo Avelino natameme, may feeling pa kay KC
NGINGITI-NGITI pero nahira pang sumagot si Paulo Avelino sa tanong ni Vice Ganda kung may feeling pa siya sa dating girlfriend na si KC Concepcion. Guest sina Paulo at Maja Salvador noong Linggo ng gabi sa show ni Vice sa Gandang Gabi Vice para sa kanilang I’m Drunk I Love You promo na palabas na ngayon sa mga sinehan at …
Read More »Driver, 13 estudyante patay sa Tanay (Tour bus nawalan ng preno saka sumalpok sa poste)
UMAKYAT na sa 14 katao ang mga namatay sa pagsalpok ng isang tourist bus sa poste ng koryente sa Brgy. Sampa-loc, Tanay, Rizal kahapon ng umaga. Kabilang sa namatay ang driver ng Panda Coach Tours and Transport Inc. bus, na si Julian Lacorda, 37, dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Napag-alaman, 59 katao ang lulan ng bus, kabilang ang …
Read More »Gov. Umali ipinagbawal pagputol at pagbiyahe ng Coconut tree (Sa Oriental Mindoro)
NAGLABAS ng Executive Order (EO) No. 85 si Oriental Mindoro Governor Alfonso V. Umali, Jr., para sa pansamantalang pagpapatigil sa pagpuputol ng niyog at paglalabas sa ibang lugar ng mga coco lumber sa lalawigan. Ito ay dahil sa napakaraming puno ng niyog ang nasalanta ng nagdaang bagyong Nina na halos ikaubos nito. Sa datos ng pamahalaang panlalawigan, nasa 150,000 board …
Read More »Nilangaw ang “Walk for Life” ng Simbahan
NILANGAW ang isinagawang kilos-protesta ng Simbahang Katolika sa kanilang panawagang magkaisa ang sambayanang Filipino bilang pagkondena sa patuloy na extrajudicial killings (EJK) na nagaganap sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Ang “Walk for Life” na isinagawa nitong nakaraang Sabado sa Quirino Grandstand ay nilangaw, at halos 1,000 katao lamang ang dumalo sa kabila nang mahigpit na panawagan …
Read More »Pimentel sa arresting officer: Common sense pairalin sa pag-aresto kay De Lima
UMAPELA si Senate President Aquilino Koko Pimentel III, sa law enforcers, na pairalin ang common sense sakaling arestohin si Sen. Leila de Lima kaugnay sa drug cases. Ayon kay Pimentel, sakaling isilbi ng mga miyembro ng Philippine National Police, ang warrant of arrest laban kay De Lima, nawa ay huwag silang istorbohin sakaling nasa sesyon sila sa Senado. Kailangan din …
Read More »Rufa Mae, nanganak na
INILUWAL na noong Biyernes ni Rufa Mae Quinto ang unang anak nila ni Trevor Magallanes. Pinangalanan nila itong Alexandria. Sa post ni Magallanes sa kanyang Instagram account, ipinakita nito ang bagong silang nilang anak kasama si Rufa Mae gayundin ang binti ni baby Alexandria na nakalagay pa ang hospital tag sa maliit na binti. Inihayag ni Magallanes ang katuwaan ngayong …
Read More »Nilimot na ni Sec. Bello ang contractualization
ANO na ang nangyari sa kontrobersiyal na labor contractualization? Mukhang nakalimutan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III, at parang bula na lamang na naglaho at hindi na siya naringgan na nagsasalita hinggil sa isyu ng contractualization. Matapos supalpalin ang Department Order 168 na inilabas ni Bello para sa mga manggagawa na lalong nagpapatibay sa contractualization, hindi na nagpakita si …
Read More »Tukuyin at hulihin ang gambling lords
HINDI lingid sa kaalaman ng marami kung sino-sino ang gambling lords sa Filipinas at ang kanilang mga protektor. Mula sa mga ilegal na sugal gaya ng jueteng, masiao, karera ng kabayo at loteng, tukoy na ng Philippine National Police kung sino-sino ang may hawak ng mga ilegal na operasyong ito. Lantad na lantad ang operasyon ng illegal gambling sa maraming …
Read More »Amazing: Unibersidad sa England nag-aalok ng PhD in Chocolate
NAGHAHANAP ang isang unibersidad ng doctoral candidates na kukuha ng PhD in Chocolate. Ang University of the West England, ay nag-aalok ng £15,000-per-year grant para mag-aral ng genetic factors na nakaiimpluwensiya sa flavor ng Britain’s favorite treat. Ayon sa prospectus, ang successful candidate ay mag-aaral kung paano ang “fermentation” ng cacao beans ay hahantong sa specific flavor profiles. Ang three-year …
Read More »Feng Shui: Salamin sa main entry
ANG salamin sa main entry ay kadalasang good feng shui sa ilang kadahilanan, ito ay nagdudulot ng higit na liwanag sa maliliit na entry, nagsisilbi bilang tagasuri, sa practical level, sa iyong sarili bago umalis ng bahay, at nagdaragdag ng “touch of luxury” (kung ang mirror frame ay glamorosa at kakaiba) Gayonman, kung mayroong bad feng shui sa paggamit ng …
Read More »Ang Zodiac Mo (Feb. 15, 2017)
Aries (March 21 – April 19). Maaaring maging pormal o totally down-low, ngunit maaari kang maging malakas na impluwensya. Taurus (April 20 – May 20) Ang disiplina ang susi upang matapos ang lahat ng mga bagay ngayon, kaya isantabi muna ang ibang mga plano o bitiwan muna ang isang aktibidad upang maging maayos ang schedule. Gemini (May 21 – June …
Read More »Panaginip mo, Interpret ko: Astroid, hayop at gustong humalay (2)
Kapag naman lumabas sa iyong panaginip na may humahabol sa iyo, ito’y bilang isa sa paraan mo sa pagharap sa takot, stress at iba pang sitwasyon na nakaka-engkuwentro mo kapag ikaw ay nasa estadong gising. Na sa halip na harapin ang sitwasyon ay tinatakasan mo at iniiwasan ito. Piliting malaman kung sino ang humabahol sa iyo dahil posible kang makakuha …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com