Monday , October 14 2024

Militar palalakasin ang giyera kontra droga

PORMAL na inianunsiyo kamakailan ni AFP chief  Gen. Eduardo Año ang paglahok ng mga sundalo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang pagsurporta sa bago at pinalakas na kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot.

Nangangahulugang tuloy pa rin ang mainit na operasyon laban sa droga sa kabila ng pagbasura sa Oplan Tokhang na pinasimulan ni PNP chief Director General Ronaldo “Bato” dela Rosa.

Aabot sa 500 sundalo ang itatalaga ng AFP sa PDEA bilang pagsuporta sa mga gagawing operasyon ng ahensiya laban sa ilegal na droga. Magiging pangunahing papel ng mga sundalo ay pagtugis sa high-level drug syndicates.

Sa mga susunod na araw, asahang magsisimula na ulit ang sunod-sunod na operasyon ng PDEA kabilang na ang mga sundalo laban sa mga indibiduwal na sangkot sa ipinagbabawal na gamot lalo ang mga bigtime drug lords.

Kaya nga, kung inaakala ng mga adik, pusher at drug lord na balik na uli ang kanilang maliligayang araw matapos ihinto ang Oplan Tokhang ay nagkakamali sila.  Hintayin nilang bulabugin sila ng PDEA kasama ang bangis ng mga sundalo.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *