NABULABOG ang buong mundo ng walong kahindik-hindik na mga pagsabog sa bansang Sri Lanka na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 160 katao kabilang ang ilang dosenang banyaga, at puminsala ng mga high-end na hotel at mga simbahang nagdaraos ng misa bilang pagdiriwang sa Linggo ng Pagkabuhay. Mariing kinondena ni Prime Minister Ranil Wickremesinghe ang mga pag-atake na itinuturing …
Read More »Kahit binabanatan ng Pangulo Mar Roxas, pokus pa rin
POKUS lang si Mar Roxas sa pagsusulong ng mga programang mag-aangat ng kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga panukalang batas na isusulong niya sa pagbabalik sa senado. Si Roxas na ibinotong number one at nakakuha ng highest votes sa kasaysayan ng senado noong 2004, ay nangakong hindi masisiraan ng loob sa mga ipinaglalaban niyang katatagan ng kabuhayan ng …
Read More »Ang Probinsyano Party-List tutol sa ban vs provincial buses sa EDSA
TINUTULAN ng Ang Probinsyano Party-List ang plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang mga terminal ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA. Papahirapan ng naturang plano ang probinsyanong commuters samantala wala naman itong maiaambag upang maibsan ang mala-delubyong kalagayan ng trapiko sa EDSA, ayon sa Ang Probinsyano Partylist. Binigyang-diin ng Ang Probinsyano na maliit na bahagi lamang o apat …
Read More »P1-B pork ni Bingbong hinahanap ng Kampil
HINAMON ng Kalipunan ng Masang Pilipino-QC chapter si 1st district Congressman Bingbong Crisologo na ilantad sa publiko kung saan napunta ang halos P1 bilyong pork barrel nito magmula nang maging mambabatas. Ayon kay Ariel Casing, QC Kampil vice chairman, puro arkong bato lamang na may higanteng pangalan ni Crisologo ang nakikita ng publiko sa kanyang distrito. Bukod dito, may waiting …
Read More »‘Chairman’ nambuntis ng info officer (Termino hindi matatapos)
“PAGSISIKAPAN ko, your honor, na hindi ako matulad sa kanila, na hindi ko matapos ang termino ko.” Ito ang pahayag ng isang mataas na opisyal ng isang ahensiya matapos manumpa sa Commission on Appointments (CA) sa pagkakatalaga sa kaniya bilang pinakabatang chairman ng isang maimpluwensyang ahensiya ng gobyerno. Pero tulad ng mga sinundan at pinalitan niyag opisyal sa nasabing ahensiya, …
Read More »Ang Probinsyano Party-List suportado ni Ryza Cenon… Trabaho sa Bicol sagot ng AP-PL
SAGOT ng Ang Probinsyano Party-List ang hanapbuhay ng mga taga-Bicol sa oras na maupo sa House of Representatives. Ito ang paniniguro ng sikat na aktres na si Ryza Cenon nang magtungo sa Bicol kamakailan upang ikampanya ang Ang Probinsyano Party-List, ang patuloy na lumalakas na kandidato sa kamara dahil sa tapat nitong mga programa na nagsusulong ng kapakanan ng mga …
Read More »Capital, educational assistance palalawakin ni Erap
PALALAWAKIN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang capital assistance program (CAP) upang maiahon ang pamumuhay ng mahihirap na Manileño sa kanyang huling termino. Layon ni Estrada na makapagbigay ng maliit na negosyo sa mahihirap na pamilya upang umangat sa buhay na magiging indikasyon din ng pag-unlad ng lungsod. Ani Estrada, binibigyan ng pagkakataon ang small entrepreneurs na palaguin ang kanilang negosyo. Sinimulan ni …
Read More »Krisis sa enerhiya ‘wag gamitin ng Meralco — Bayan Muna
HINDI dapat gamitin ng Manila Electric Company (Meralco) ang krisis sa enerhiya o ang yellow power alerts para maisulong ang pitong kahina-hinalang Power Supply Agreement (PSA) o ang tinaguriang ‘Midnight Deals’ na magiging dahilan sa pagtataas ng singil sa koryente. Ito ang inihayag ni Bayan Muna Chairman Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares at Bayan Muna Representative Carlos Isagani laban sa …
Read More »Koko desmayado sa pagkaantala ng Automated Poll System Certification
HINDI nailihim ang pagkadesmaya ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa Technical Evaluation Committee (TEC), ang ahensiyang nilikha sa bisa ng Automated Election Law, dahil hindi pa rin nito napagtitibay ang automated election system (AES) na gagamitin sa nalalapit na national at local polls samantala halos isang buwan o 30 araw na lang ang nalalabi bago sumapit ang May 13 …
Read More »Buwis sa QC walang taas kay JOYB
NANGAKO si QC Vice Mayor Joy Belmonte na walang magaganap na pagtataas sa singil sa buwis sa Quezon City sa ilalim ng kanyang panunukulan, oras na maging Mayor ng lunsod. Ayon kay Belmonte, hindi kailangan magkaroon ng pagtaas ng koleksiyon sa buwis sa QC kung hindi kailangan na maisaayos ang sistema ng pagbubuwis para makakolekta nang mas mataas na kita ang …
Read More »Meg Imperial sumuporta na rin sa Ang Probinsyano Party-List… AP-PL kinupkop sa Nueva Ecija
TANGING ang Ang Probinsyano Partylist (AP-PL) lamang ang binitbit ng mga nangungunang kandidato sa Nueva Ecija sa kanilang proklamasyon kamakailan sa naturang lalawigan. Pinangunahan ni incumbent Governor Aurelio Umali na tumatakbo sa kanyang ikalawang termino ang pagsusulong sa mga kandidato ng partidong Unang Sigaw gayondin sa kandidatura ng Ang Probinsyano Party-List na sinuportahan pa ng sikat na aktres na si Meg …
Read More »Labor’s 5 ending ng ‘endo’ segurado sa senado
“WALANG kompromiso, panahon na para tuldukan ang sistemang 5-5-5 o endo,” ‘yan ang naging kolektibong pahayag at sentral na plataporma ng mga kandidato mula sa hanay ng mga manggagawa o LABOR WIN. Ang LABOR WIN ay alyansang binubuo ng limang kandidatong nagbibitbit ng plataporma na pawang pro-labor. Bukod sa pagwawakas ng ‘endo’ isusulong din nila ang pagtatakda ng pambansang minimum …
Read More »Grace Poe, lagare sa kampanya kahit matatag sa No. 1
TULOY ang pukpukang kampanya ni Senadora Grace Poe kahit hindi siya matibag sa number one spot ng pre-election surveys. Sinabi ni Poe, marami pa siyang lugar na kailangan suyurin sa nalalabing isang buwan ng kampanya bago ang May 13 midterm elections. “‘Yung mga gusto kong puntahan sa kampanya na ‘to marami pang lugar, sa Mindanao, sa Visayas at mga liblib …
Read More »Grace Poe matatag sa No.1
NANATILING matatag pa rin ang pagkakahawak ni Senadora Grace Poe bilang numero uno sa listahan ng mga kandidato para senador ng mga botanteng Filipino sa nalalapit na midterm elections sa Mayo. Mula sa katanungang sino ang ihahalal nila kung ngayon na isasagawa ang eleksiyon, lumitaw na kinamada ni Poe ang 72.8% ng voters preference upang pangunahan ang magic 12 ng …
Read More »Lim suportado ng 2,000 pedicab & tricycle drivers
NAGPAHAYAG ng suporta sa kandidatura ni PDP-Laban Manila mayoral candidate Alfredo S. Lim ang mahigit 2,000 pangulo ng iba’t ibang organisasyon ng mga sasakyang pampubliko na may tatlong gulong gaya ng pedicabs at tricycles, kasabay ng pagsasabing solido ang kanilang magiging boto para kay Lim sa darating na halalan sa Mayo. Sa isang ugnayan na ginanap sa isang fastfood chain sa …
Read More »VP Leni: Panalo ako sa eleksiyon (Bongbong napahiya lang)
ILOILO — Buong loob na idiniin ni Vice President Leni Robredo na siya ang nanalo sa eleksiyon noong 2016, dahil pinatunayan lang ng election protest na inihain laban sa kaniya ang lamang niya sa halalan. Ayon kay Robredo, wala namang napala ang kaniyang kalaban na si Bongbong Marcos nang kuwestiyonin nito ang kaniyang pagkapanalo, at idinamay pa ang Iloilo, na …
Read More »Apela sa Semana Santa: ‘Political ceasefire’ muna — Imee
NANAWAGAN ngayon si senatorial bet at Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa lahat ng magkakalabang politiko na pairalin muna ang isang “political ceasefire” sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa o Holy Week. Ayon kay Marcos, makabubuting itigil na muna ang mga alitan at batikusan ng magkakalabang politiko sa panahon ng kampanya para higit na makapagnilay ang bawat isa bilang …
Read More »Megastar Sharon Cuneta lubos na sumuporta kay Sen. Grace Poe (Bukod kay Ate Vi at Coco Martin)
LALONG lumakas ang kandidatura ni Senadora Grace Poe nang magpakita ng suporta sa kanya si megastar Sharon Cuneta kasunod ng pahayag ng lubos na pagsuporta sa kanya ni Batangas representative Vilma Santos-Recto at Coco Martin kamakailan. Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Cuneta: “Sen. Grace Poe has my full support and my heart. May God bless you, Senator!” Sumagot naman …
Read More »Mayweather at Belo, nagsanib-puwersa
AKALA’Y biro. Ito ang unang naisip ni Dr. Vicki Belo nang magpa-book sa kanyang Belo Medical Clinic ang magaling na boksingerong si Floyd Meayweather para magpa-treat. Noong Abril 2 dumating ng Pilipinas ang magaling na boksingero at nagtungo kay Belo para sa skin tightening treatment, ang Thermage FLX. Kaagad namang sinalubong ng Belo Medical Group si Mayweather at sumailalim siya …
Read More »Hellboy, magbabalik
NAGBABALIK ang Hellboy, ang legendary half-demon superhero ngayong Abril, ngunit hindi bilang karugtong ng fantasy-heavy Hellboy films na ipinalabas noong 2004 at 2008 na idinirehe ng visionary writer/director na si Guillermo del Toro. Sa halip, ang movie reboot na ito ay mas malagim, na tatamoukan ng mga bagong karakter at binuo ng bagong creative team na kinabibilangan ni Mike Mignola, ang mismong lumikha ng Hellboy comic books, na gumaganap bilang co-executive producer. Sa direksiyon ng award-winning director na si Neil Marshall (Dog …
Read More »5 Plus introduces new crop of esports & gaming talents
After its recent launch as the go-to sports channel for a younger and more engaged free TV audience, 5 Plus will now amplify its gaming content by introducing a dynamic set of esports and gaming talents to help navigate viewers as well as solidify the channel as the home of gaming in the Philippines. For the first-ever esports franchise league …
Read More »Malabon, kasama sa pinakamaraming drug-cleared barangays sa buong NCR
SIYAM sa 21 barangay o mahigit 40% ng buong Malabon ang idineklarang drug-cleared ng Inter-Agency Committee on Anti-Drugs (ICAD) na pinamumunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Enero kung kaya’t nasa ikatlong puwesto na ang Malabon sa mga lungsod na may pinakamaraming drug-cleared barangays sa buong Kamaynilaan. Mataas ito kung ikokompara sa naitalang datos ng Philippine National Police (PNP) …
Read More »Koko sa publiko: Magbantay tayo sa panggipit sa nagbabayad ng buwis
NAGBABALA si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa publiko na mag-ingat sa pagbabayad ng kanilang buwis at makipag-ugnayan lamang sa mga awtoridad sa pagtatapos ng taunang pagpa-file ng income tax returns (ITR) sa 15 Abril 2019. “I’ve been receiving many complaints relating to BIR harassment both from individual and corporate taxpayers. There appears to be certain individuals and groups preying …
Read More »Presyo ibaba hindi martial law — Mar Roxas
PINAYOHAN ni senatorial candidate at economist Mar Roxas si Pangulong Duterte na ibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin at huwag ang martial law. Ayon kay Roxas, maraming problema ang bansa mula sa walang tigil na oil price hike, peace and order, talamak na droga, smuggling at korupsiyon kaya ito ang mas dapat tutukan ng Pangulo imbes ang pagsuspende sa …
Read More »Utos ng DILG sa barangay officials: Linis estero at ilog posibleng mabalam
NAGBABALA kamakailan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa barangay officials na hindi nakikiisa sa paglilinis ng mga ilog, estero at kanal sa kanilang nasasakupan, na nanganganib mabalam ang proyekto sa clean and green ng environment ng pamahalaan. Ito’y matapos ipag-utos ng DILG sa mga barangay official at barangay captain na hulihin ang mga nagtatapon …
Read More »