PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang road clearing operations sa ilang bahagi ng Moriones St., sa Tondo, Maynila, kahapon. Dinatnan ni Moreno ang mga kulungan ng manok na panabong at iba pang road obstructions sa nasabing lansangan. Desmayado si Moreno dahil ginawang tambakan ng kung ano-anong mga gamit ang center island sa bahagi ng Barangay 123, Zone …
Read More »Ph basic education antas itataas
DALAWANG panukalang batas ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang nakahain sa Kamara na naglalayong lalo pang itaas ang antas ng Philippine basic education sa pandaidigang pamantayan. Ang isa, House Bill 311, ay isusulong ang ‘state-of- the art school system,’ at ang pangalawa, House Bill 304 ay titiyaking maginhawang makapapasok sa mga paaralan ang mga mag-aaral sa liblib na mga …
Read More »Limang huwarang Sentro ng Wika at Kultura, kinilala ng KWF
KINILALA kamakailan ang limang huwarang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng Komisyon sa Wikang Filipino sa nangyaring Pammadayaw noong 27 Agosto 2019 sa Sentrong Pangkultura ng Filipinas. Pinagkalooban ng natatanging ahensiyang pangwika ang Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura sa mga SWK na nása Aurora State College of Technology, Pangasinan State University, Sorsogon State College, Bukidnon State University, …
Read More »Palengke, pantalan sa Maynila, bantay-sarado
INATASAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mas lalo pang paigtingin ang pagbabantay sa lahat ng pamilihan at pantalan ng nasabing lungsod sa gitna ng mga ulat na maraming lalawigan ang apektado ng African Swine Fever (ASF). Sa ulat ng Veterinary Inspection Board (VIB) sa alkalde, tiniyak nila na wala pang kaso ng ASF sa lungsod dahil tuloy-tuloy …
Read More »Isko aariba na: P90-bilyong kita ng Maynila kukunin sa Customs
MAYNILA ang magiging pinakamayamang lungsod. Binigyang diin ito Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagharap sa isang business forum sa Manila Polo Club. Sinabi ni Moreno, makakukuha ng kita ang city government mula sa Bureau of Customs, na aabot sa P90-bilyon sa mga susunod na taon. Binanggit ni Moreno ang 2018 Supreme Court ruling na dapat ay may share ang city government …
Read More »Tulak na mommy nagtago ng shabu sa medyas ni baby
INARESTO ang isang ina sa Maynila nang mahuling ginagamit ang kaniyang sanggol upang itago ang shabu na kaniyang ibenebenta. Kinilala ang suspek na si Annaliza Aligado. Naging emosyonal pa si Aligado, yakap-yakap ang kaniyang tatlong buwang sanggol, nang dalhin ng mga opisyal ng Barangay 108, Zone 9, Tondo sa tanggapan ng Manila Police District. Pahayag ng isang barangay kagawad, matagal …
Read More »Lahat puwede basta’t may pambili… ‘For sale’ talamak sa BuCor — Legal chief
INAMIN ng hepe ng legal division ng Bureau of Corrections (BuCor) ang talamak na korupsiyon sa ahensiya. Sa pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Atty. Fredric Santos na ‘nababayaran lahat’ sa BuCor. Si Santos ay isa sa mga opisyal ng BuCor na pinatawan ng suspensiyon ng Office of the Ombudsman. Kabilang sa inihalimbawa ni Santos ang …
Read More »Highest attendance sa Kamara sa liderato ni Speaker Cayetano naitala ngayong 18th Congress
NAITALA ang pinakamataas na numero sa pagdalo ng mambabatas nang magbukas ang 18th Congress nitong 22 Hulyo 2019, hanggang 10 Setyembre, na umabot sa 247 kongresista ang pumasok para sa kabuuang 18 session days. Ang mataas na numero ng dumalo ay unang pagkakataon, historic at pruweba ng determinasyon at pagiging makabayan ng ating mga mambabatas sa pangunguna at paggabay ni …
Read More »Buntis, 2 paslit na anak patay sa sunog sa Tondo
PATAY ang isang inang buntis at ang kanyang dalawang paslit na anak sa sumiklab na sunog sa mga kabahayan sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang mag-iina na sina Mara Beneza, 23; Leo Lance Tequillo, 4; at Andrei Tequillo, 5 anyos, pawang residente sa Honorio Lopez Blvd., Gagalangin, Tondo, Maynila. Ayon kay Fire Insp. John Joseph Jalique, chief …
Read More »Erpat naburyong nagbigti
PAGKABURYONG ng isang padre de familia ang nakikitang dahilan kung bakit niya kinitil ang sariling buhay habang lango sa alak sa Tondo, Maynila. Kinilala ang biktima na si Christopher Pincas, 37, may asawa, residente sa Gate 14, Area B, Parola Compound, Tondo, Maynila. Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), 7:45 am nang madiskubreng patay ang biktima ng kanyang asawang …
Read More »PACC nakatutok sa tiwaling kawani at barangay officials sa Maynila
NAKIPAGPULONG ang pamunuan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang talakayin ang ilang usapin na kinasasangkutan ng ilang empleyado ng Manila City Hall at barangay officials na tiwali at sangkot sa droga. Ayon kay Mayor Isko, sa kanilang pagpupulong ng PACC sa pangunguna ni Chairman Dante Jimenez sa Office of the Mayor, binigyan siya …
Read More »MMDA ginawaran ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ng KWF
BINIGYAN Paranagal ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa paggamit nito ng wikang Filipino sa pakikipag-ugnayan sa publiko para sa mga serbisyo, programa, at proyekto ng ahensya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap ng pagkilala ang MMDA mula sa KWF, ang regulating body ng wikang Filipino …
Read More »Palasyo walang tutol sa suspensiyon ng 27 BuCor officials
WELCOME sa Palasyo ang desisyon ng Ombudsman na suspendehin ng anim na buwan ang 27 opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagpapalaya ng heinous crime convicts base sa Good Conduct Time Allowance ( GCTA) law. “It was the President who referred the matter to the Ombudsman. So that should be welcome,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Nauna …
Read More »Sa ilalim ni Speaker Cayetano… Budget hearings sa Kamara tapos agad (No pork barrel, no ‘insertions’)
NATAPOS “in record time” ng Committee on Appropriations ng House of Representatives, ang mga pagdinig sa mga panukalang gastusin ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, nitong nakaraang linggo na may katiyakang walang nakatagong pork barrel o mga ilegal na ‘insertions’ sa 2020 national budget. ‘Yan ay sa masusing paggabay ni House Speaker Alan Peter Cayetano, na naglalayong mabigyan ng ligtas …
Read More »“It can be done” — Sec. Gina Lopez
IBINAHAGI ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) executive director Jose Antonio “Pepeton” Goitia sa kanyang facebook account ang mga huling mensahe ng yumaong dating kalihim ng DENR at PRRC Chairperson Gina Lopez kaugnay sa Pasig River. “Pasig River is the main water artery of the nerve center of the country,” pambungad ni Lopez, yumao kamakailan dahil sa multiple organ failure. …
Read More »Sumali sa KWF Gawad Julian Cruz Balmaseda!
ALAM mo bang maisusulat mo sa wikang Filipino ang iyong tesis/disertasyon sa iyong pinagdadalubhasaang disiplina? Pinagtibay ng KWF ang Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 18-25, s. 2018 na nagtatakda ng paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng mga saliksik sa agham, matematika, at humanidades! Alam mo bang maaari kang magwagi ng P100,000 sa paggamit mo ng wikang Filipino …
Read More »P170k droga nakompiska sa 8 suspek sa Maynila
AABOT sa P170,000 halaga ng ilegal na droga ang nakompiska sa walong suspek na nahuli sa isang bahay sa Maynila nitong Miyerkoles. Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Manila Police District ang isang bahay sa Geronimo St., Sampaloc district, na sinabing ginagamit bilang drug den. Naaresto ang pitong lalaki at isang …
Read More »Police clearance sa Senior Citizens at PWDs libre na sa Maynila
LIBRE na ang police clearance para sa mga senior citizen at PWDs na mangangailangan bilang isa sa requirements na ipinapasa sa paghahanap ng trabaho. Inianunsiyo ito ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasabay ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng City Goverment at McDonald Philippines kaugnay ng pagtatrabaho ng senior citizens at may mga kapansanan sa mga …
Read More »“Toilets for all gender stripes” ipinagmalaki ng Tourist site sa Palawan farm
SUMISIKAT ngayon ang isang farm tourist destination sa Palawan sa pagkonsepto ng isang ‘gender sensitive’ na palikuran para sa lahat ng uri ng kasarian. Dalawang taon na simula nang buksan ng Yamang Bukid Farm sa Barangay Bacungan, sa lungsod ng Puerto Princesa, ang palikuran na ipinagagamit sa lahat kahit ano ang kanilang sexual orientation. Sa pangangasiwa ng mga nakatatandang kababaihan …
Read More »Truck driver pisak nang madaganan ng container van
NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang truck driver matapos madaganan ng isang container van sa isang warehouse sa Paco, Maynila kahapon. Kinilala ang biktima na si Rogelio Policarpio Jr., 44-anyos. Ayon sa pahinanteng si Richard Baranggain, nagbababa sila ng mga kargamento mula sa nakaparadang container van nang unti-unting gumalaw at tuluyang bumagsak. Huli na nang kanilang malaman na nadaganan na pala …
Read More »Mabuhay Lane 100% obstruction free — VM Honey Lacuna
IPINAGMALAKI ni Vice Mayor Honey Lacuna kahapon na hindi na kailangan pang makipag-unahan ng Maynila sa itinakdang 60-day deadline para tumugon sa utos ni President Rodrigo Duterte na mabawi ang lahat ng mga kalye mula sa pribadong sektor dahil malinis na ito sa lahat ng uri ng ilegal na estruktura, may dalawang linggo na ang nakararaan. Ayon kay Lacuna, nauna …
Read More »Babaeng sex worker inatado ng saksak sa loob ng motel
DUGUAN at tadtad ng saksak ang isang babae nang matagpuan sa inupahang motel, Linggo ng madaling araw sa Tondo, Maynila. Tinangkang habulin ang suspek na nagtatatakbo palabas ng Safety Motel sa kanto ng Moriones at Mabuhay St., ngunit hindi naabutan ng roomboy. Inilarawan ni P/Sgt. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktima na kinilala …
Read More »Taguig ginawaran ng prestihiyosong Nutrition Honor Award (Pinakamataas na pagkilala sa larangan ng nutrisyon)
NADAGDAGAN ang listahan ng tagumpay ng Taguig City dahil sa panibagong pagkilala sa larangan ng nutrisyon. Tinanggap ng pamahalaang lungsod ng Taguig nitong Biyernes ang award mula sa National Nutrition Council (NNC) sa pagiging pinakamataas na local government unit sa buong bansa na may maayos at mabisang nutrition programs simula noong 2013. Ang Taguig ang nag-iisang siyudad sa buong Metro …
Read More »Globe at Home Prepaid WiFi now at P1499 only! (Enjoy a leveled up home Internet experience at a more affordable price until November 16)
To connect more Filipino homes to high-speed and affordable Internet, Globe At Home Prepaid WiFi gets a price cut from P1,999 to just P1,499 this month! Customers can now get their hands on the device that is 2x faster, with 2x stronger signal and 2x wider coverage than your usual pocket WiFi for the whole family to enjoy watching and …
Read More »Medical aircraft bumagsak, 9 pasahero patay 2 resorts nawasak
HINDI nakaligtas sa kamatayan ang siyam kataong sakay ng isang BE350 medical evacuation aircraft nang bumagsak sa lungsod ng Calamba, Laguna nitong Linggo ng hapon, 1 Setyembre, na tumama at puminsala sa dalawang resort sa lugar. Kinompirma ni Calamba City Mayor Justin Chipeco na isang maliit na eroplano ang bumagsak sa lungsod dakong 3:30 pm. Iniulat na mula sa Dipolog …
Read More »