Thursday , June 4 2026
Sigarilyo Yosi

P.6-M ilegal na yosi nasamsam sa Pangasinan

SA MAS PINAIGTING na pagsugpo ng pananabotahe sa ekonomiya sa buong bansa, nagsagawa ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng mga operasyon laban sa mga ilegal na pagmamanupaktura ng sigarilyo sa Pangasinan.

Ang CIDG Pangasinan Provincial Field Unit kasama ang Bureau of Customs – Enforcement & Security Service Customs Police Division; at ang Philippine Tobacco Institute (PTI) ay nagsagawa ng buybust operation sa Brgy. Pocal-Pocal, Alaminos City, Pangasinan na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong lalaking suspek; at pagkakakompiska ng 40 kahon ng mga ilegal na sigarilyo na tinatayang P620,000 ang halaga.

Sa ulat na nakarating kay PMGeneral Robert Alexander A. Morico II, direktor ng CIDG, nakasaad na ang mga naarestong suspek na sina alyas JayEm, Mark, at Andy, pawang nasa hustong gulang, mga residente sa Paniqui, Tarlac ay nahuli sa akto ng pagbebenta at pangangalakal ng sigarilyo na hindi sumunod sa mga kinakailangan sa paglalagay ng label at pagbabayad ng buwis.

Ang mga naarestong suspek ay sinampahan ng kaso sa National Prosecution Service ng mga paglabag sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act); paglabag sa Section 263 (Unlawful Possession or Removal of Articles Subject to Excise Tax without Payment of the Tax) ng Republic Act No. 8424 (The Tax Reform Act of 1997) kaugnay ng Article 94 (Labeling Requirements of Cigarettes) ng Republic Act No. 7394 (Consumer Act of the Philippines).

                Binigyang-diin ng direktor ng CIDG na patakaran ng estado na protektahan at pahusayin ang kita ng gobyerno, magtatag ng patas at transparent na pamamahala sa customs at taripa na mabisang magpapadali sa internasyonal na kalakalan, pigilin ang kahit anong uri ng pandaraya at ilegal na gawain sa customs, at gawing moderno ang administrasyon ng customs at taripa.

Pinapurihan ng pamunuan ng CIDG si PColonel Levi Hope Basilio, ang regional chief ng CIDG Regional Field Unit 1 at ang CIDG Pangasinan Provincial Field Unit na pinamumunuan ni PLtColonel Victor Sobrepeña para sa pagkompiska ng ilegal na mga produktong tabako, at paghuli sa tatlong lumabag sa batas. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …