Thursday , January 27 2022
Philracom Horse Race

Gomezian ‘wagi sa 2021 Philracom 1st Leg Juvenile Stakes Race

PINASAYA ng kabayong Gomezian, sakay ng premyadong hineteng si  OP Cortez, ang mga tuma­ya  sa kanya sa paglarga ng 2021 Philracom 1st Leg Juvenile Stakes Race  nang una silang tumawid sa meta na may isang kaba­yong agwat sa mahigpit nilang nakalaban na si Radio Bell na ginabayan ni JB Hernandez.

Tinanghal na paborito sa tatlong nakatunggali ay unang lumunag sa largahan para dahil ang bandera sa kaagahan ng laban sa distansiyang 1,300 meters.

Hindi pinakawalan ni Gomezian ang unahan sa lahat ng distansiya pero sa bandang far turn ay dumikit na nang husto si Radio Bell sa unahan pero hindi pa rin siya nakalag­pas sa nagdikta ng una­han.

Pagsungaw ng rekta ay lamang na lang ng kalahating kabayo si Gome­zian, pero sa ekspertong pag-ayuda’t palo ni jockey Cortez ay hindi nagawang makalag­pas si jockey Hernandez na panay ang kayog at palo sa semegundang si Radio Bell.

Nakaraos sa meta si Gomezian na may isang kabayong kalamangan kay Radio Bell at naorasan ang labang iyon ng 1:17 sa distansiyang 1,300 meters  na may quartos na 7’ 21’ 22’ 25’.

Sa panalo ni Gomezian ay kumabig ang may-ari nitong si AR Santos ng P600,000 plus trophy.  Samantalang ang sume­gundang si Radio Bell ay nag-uwi ng P225,000.  Ang 3rd at 4th ay meron ring papremyong P125,000 at P50,000 ayon sa sumusu­nod.  Si Ballet Champion ang pumangatlo at  pang-apat si Southern Man.

Tumanggap ng P50,000 ang breeder ni Gomezian.

About hataw tabloid

Check Also

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng …

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De …

Terrence Romeo Beatrice Pia White

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa …

Dennis Orcollo

Dennis Orcollo na-deport mula sa US

IPINATAPON ng Estados Unidos ang isa sa pinakamagaling  na manlalaro ng bilyar sa Filipinas na …

EJ Obiena PATAFA

EJ Obiena magsasampa ng kaso sa mga nanira sa kanyang ina

NAGHAHANDA ang legal team ni pole vaulter EJ Obiena para linisin ang kanyang pangalan at …

Leave a Reply