Thursday , November 21 2024

hataw tabloid

Marcos-style oligarchy balik ulit?

MAKALIPAS ang 34 taong nawala ang oligarkiya ni Marcos, bakit parang nararamdaman pa rin natin ito? Ito ang tanong ni Calixto V. Chikiamco, board director ng Institute for Development and Econometric Analysis, sa kanyang talumpati sa relaunch noong 14 Agosto ng librong “Some Are Smarter Than Others” na isinulat ni Ricardo Manapat. Ang relaunching ay kaalinsabay ng ika-29 anibersaryo ng …

Read More »

Jolo bombing inako ng militanteng IS

INAKO ng mga militanteng Islamic State ang dalawang insidente ng malakas na pagsabog na kumitil sa buhay ng 15 katao at nag-iwan ng higit sa 75 sugatan na karamihan ay sibilyan, sa bayan ng Jolo, lalawigan ng Sulu, noong Lunes, 24 Agosto. Hindi kalaunan matapos ang mga pagsabog na naunang itinurong kasalanan ng Abu Sayaff, iniulat ng SITE Intelligence, isang …

Read More »

Investors umayaw sa Iloilo City (Sa kakulangan ng PECO)

AMINADO ang isang influential leaders group mula sa Iloilo City na naging malaking salik sa mabagal noon na pag-angat ng ekonomiya ng siyudad ang malaking problema sa kawalan ng stable na supply ng koryente sa loob ng maraming taon sa ilalim ng pangangasiwa ng dating Distribution Utility (DU) na Panay Electric Company(PECO). Ayon sa Iloilo Economic Development Foundation (ILEDF), isang …

Read More »

Lagusnilad underpass, binuksan na

MAKULAY at mas malinis na ang Lagusnilad underpass sa tapat ng Manila City Hall sa pormal nitong pagbubukas kahapon, 24 Agosto. Mismong si Mayor Fracisco “Isko Moreno” Domagoso kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang nanguna sa ribbon cutting. Punong-puno ng bagong disenyo ang underpass mula sa ideya ng mga arkitekto ng University of Santo Tomas (UST). Ang mga makulay …

Read More »

Kambal na pagsabog yumanig sa Jolo 15 patay, 75 sugatan

PATAY ang siyam na sundalo at anim na sibilyan, habang 75 katao ang sugatan nang yanigin ng dalawang pagsabog ang plaza ng bayan ng Jolo, sa lalawigan ng Sulo, kahapon Lunes, 24 Agosto. Sa ulat ng militar, namatay ang isang hinihinalang babaeng suicide bomber noong pangalawang pagsabog, nguit hindi pa malinaw kung isa siya sa anim na civilian casuaties. Ayon …

Read More »

PECO wala nang karapatan sa Iloilo City

WALANG basehan ang apela ng Panay Electric Company (PECO) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na maibalik ang kanilang Certificate of Convenience and Necessity (CPCN) para payagang muling makapag-operate bilang Distribution Utility (DU) sa Iloilo City dahil wala nang legal na kapangyarigan para gawin ito. Ito ang paglilinaw ni dating Parañaque Rep. Gus Tambunting bilang reaksiyon sa inihaing supplemental motion for …

Read More »

Letter to The Editor

Republic of the Philippines NATIONAL POLICE COMMISSION PHILIPPINE NATIONAL POLICE POLICE REGIONAL OFFICE 1 Camp BGen Oscar M FIorendo, Parian, City of San Fernando, La Union August 19, 2020 MR. JERRY YAP Hataw Diyaryo ng Bayan Rm 103, National Press Club Bldg., Magallanes Drive, Intramuros, Manila, Philippines Dear Mr Yap, It has come to my attention that you accused me …

Read More »

Conspiracy case vs critics ng PECO ibinasura ng DoJ

WALANG sapat na merito, ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong graft, conspiracy at falsification of public documents na isinampa ng Panay Electric Company (PECO) laban sa mga kritiko na kinabibilangan ng mga abogado at advocates na nasa likod ng ‘No to PECO Franchise Renewal.’ Sa resolution na ipinalabas ng DOJ na isinulat ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, sinabi …

Read More »

65,000 residente ng Iloilo City umaasang kakatig sa kanilang  kapakanan ang Supreme Court

the who

THE WHO ang nag-aabang ngayon sa desisyon ng Supreme Court kaugnay ng legal na isyu sa pagitan ng dalawang distribution utility — ang More Electric and Power Corp., at Panay Electric Company (PECO)?! Walang iba kundi ang 65,000 Iloilo residents na bilang mga power consumers rin ay umaasang ikokonsidera ng Korte Suprema ang kanilang kalagayan sa pagdedesisyon sa isyung inaargumento …

Read More »

65,000 residente ikonsidera sa PECO vs MORE power (Iloilo City consumers sa Supreme Court)

CONSUMERS at mga residente ng Iloilo City mismo ang umaapela sa Korte Suprema bilang final arbiter sa legal issue sa pagitan ng dalawang distribution utility — ang More Electric and Power Corp., at Panay Electric Company (PECO) — na magdesisyon sa kaso, na may pagsaalang-alang sa kapakanan ng 65,000 power consumers ng lalawigan. Ang pahayag ay ginawa ng pinakamalaking transport …

Read More »

Revilla isinugod sa ospital (Dahil sa CoVid-19 pneumonia)

ISINUGOD si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa pagamutan nitong Martes, 18 Agosto, halos isang linggo matapos makompirmang positibo siya sa coronavirus disease noong isang linggo.   Sa isang social media post, sinabi ng maybahay ni Revilla na si Bacoor Mayor Lani Mercado, nagkaroon ng pneumonia ang senador ayon umano sa resulta ng kaniyang X-ray.   “Father God, pls help …

Read More »

Brodkaster sa Butuan arestado sa cyberlibel

DINAKIP sa lungsod ng Butuan ang isang brodkaster sa radyo sa lungsod ng Butuan, lalawigan ng Agusan del Norte, nitong Martes, 18 Agosto, dahil sa akusasyong paglabag sa cybercrime law.   Kinilala ng Butuan police ang suspek na si Ramil Bangues, station manager at anchor ng dxBC sa ilalim ng Radio Mindanao Network (RMN).   Si Bangues rin ang pangulo …

Read More »

10 dating rebelde binigyan ng ayuda

NAKATANGGAP ng tseke bilang ayuda ang 10 dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA), mula sa programang Enhanced Comprehensive Local Integration (E-Clip) sa isinagawang awarding ceremony ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga, Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA). Sa nasabing seremonya, nakatanggap ng tig-P65,000 ang bawat dating  miyembro ng New People’s Army (NPA) at tig-P15,000 …

Read More »

Gen. Rhodel Sermonia: Bayani kontra CoVid-19 “Rektang Bayanihan” itinatag para umayuda

SA GITNA ng krisis dulot ng pandemyang CoVid-19, maraming mga kababayan na may ginintuang puso ang gumawa ng paraan sa abot ng kanilang munting kakayanan upang makatulong sa kapwa. Lingid sa kaalaman ng nakararami, isa rito ang maituturing na gumawa ng kabayanihan sa kapwa na si Central Luzon Philippine National Police (PNP) Regional Director, Brig. Gen. Rhodel Sermonia na nanguna …

Read More »

2-M shares sa Dito binawi ng Mercedes importer

AYAW paawat ni Auto Nation Group, Inc., chair Greg Yu sa pagbebenta ng kanyang shares sa DITO-CME Holdings Corp., ang kompanya na magpapatakbo sa third telco player sa bansa. Ang Auto Nation ang exclusive distributor ng Mercedes Benz at American auto brands Chrysler, Dodge, Jeep at  Ram sa Filipinas. Sa report ng isang website, ibinenta ng DITO independent director ang …

Read More »

Ex-PNP colonel nadaganan ng 3-palapag na bahay, 20 sugatan (Masbate niyanig ng magnitude 6.6 lindol)

earthquake lindol

PATAY ang isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP), habang sugatan ang iba, nang bumagsak at gumuho ang kanyang tatlong-palapag na bahay sa magnitude 6.6 lindol na yumanig sa bayan ng Cataingan, sa lalawigan ng Masbate, noong Martes ng umaga, 18 Agosto. Unang nasukat ang pagyanig ng lupa sa magnitude 6.5, na tumama 5 kilometro sa timog kanluran ng …

Read More »

Ayuda sa tourism, pinalawak pa sa Bayanihan 2

NAGHAHANDA ngayon ang mga mambabatas na dagdagan pa ng mahigit P15 bilyon ang tulong para sa sektor ng turismo at iba pang industriyang nasalanta ng pandemyang CoVid-19 sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One bill (Bayanihan 2). Ang tourism industry na matagal nang dumaraing sa epekto ng pandemya ay maaaring makakuha ng pautang mula sa binabalak na mas pinalaki …

Read More »

Babaeng HR activist pinaslang Bacolod City (Echanis inilibing na)

ISANG babaeng human rights activist na nakabase sa Bacolod, ang pinaslang nitong Lunes ng gabi, ilang oras matapos ihimlay sa kanyang huling hantungan sa Metro Manila ang pinaslang din na NDF peace consultant na si Randall “Randy” Echanis. Si Zara Alvarez, 39 anyos, ng Negros Island Health Integrated Program at dating political prisoner ay pinaslang sa Eroreco Village, Barangay Mandalaga, …

Read More »

P81-M shabu huli sa HQ ng courier service sa Cebu

NASAMSAM ng mga awtoridad ang 12 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P81.6 milyon sa J&T Express Regional Headquarters sa lungsod ng Mandaue, lalawigan ng Cebu, nang mag-random inspection noong Sabado ng hapon, 15 Agosto. Sa kanilang pahayag nitong Linggo, 16 Agosto, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ikinasa ng kanilang Regional Office 7 – Seaport …

Read More »

Grizzlies sinipa ng Trail Blazers sa playoffs

LAKE BUENA VISTA, Fla. —Tiniyak ni Damian Lillard at ng Portland Trail Blazers na lalarga  sila sa playoff.  Tinalo  nila ang Memphis Grizzlies, 126-122 sa  play-in game  para makasampa sila  sa 8th seed ng West sa Walt Disney World. Sa nasabing laban ay hindi lang mag-isang  binalikat ni Lillard ang opensa ng Trail Blazers nang tulungan siya nina CJ McCollum, Jusuf Nurkic at …

Read More »

‘Power firm’ lalong nadiin sa isyu ng BMW (Sa paliwanag ng sariling abogado)

LALONG nagbukas ng mas maraming tanong ang tangkang pagdepensa ng Panay Electric Company (PECO) sa kinuku­westiyong pagbili ng kompanya ng luxury car na BMW mula sa kanilang Capital Expenditure (CAPEX) na kalaunan ay ibinenta sa kanilang Pangulo nang mawalan na ng prankisa. Una nang lumabas sa mga pahayagan ang nadiskubreng pagbili ng PECO ng BMW 520d sedan noong 2015 mula …

Read More »

10 medtechs kailangan sa Maynila

NAGHAHANAP ng 10 medical technologists ang lungsod ng Maynila para sa laboratoryo ng Sta. Ana Hospital kaugnay ng pagsisikap na makontrol ang krisis sa kalusugan dulot ng pandemyang CoVid-19. Base sa anunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nangangailangan ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng mga medical technologist na itatalaga sa laboratoryo ng polymerase chain reaction (PCR) machine. Ibinida ni Mayor …

Read More »

Teachers, pamilya tinamaan ng COVID-19 (Sa Baguio City)

Covid-19 positive

HALOS wala nang dalawang linggo bago magsimula ang klase sa 24 Agosto, nagpositibo sa CoVid-19 halos lahat ng miyembro ng pamilya ng mga guro sa lungsod ng Baguio. Dahil dito, nagdesisyon ang isang miyembro ng pamilya na ilabas ang kaniyang pagkakakilanlan upang mapabilis ang contact tracing at mailahad ang kanilang karanasan kaugnay ng sakit. Nagsimula umano ito nang isa sa …

Read More »