Monday , November 18 2024

Hataw Tabloid

5 ‘high risk’ PDL tumakas sa piitan manhunt ops ikinasa  

LIMANG “high risk” na persons deprived of liberty (PDL) ang tinutugis ng mga awtoridad nang tumakas mula sa Negros Occidental District Jail sa lungsod ng Bago nitong Martes ng madaling araw, 29 Hunyo. Ayon kay Atty. Jairus Anthony Dogelio, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology – Western Visayas (BJMP-6), naglunsad ng manhunt operation ang mga awtordidad upang muling …

Read More »

‘Pasingaw’ na LPG sinalakay 2 arestado (Sa San Jose del Monte, Bulacan)

SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang bodega sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, na nadiskubreng nagpapasingaw o ilegal na nagre-refill ng liquefied petroleum gas (LPG) gamit ang tatak at pangalan ng ibang kompanya. Sumalubong sa mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), San Jose del Monte City Police Station …

Read More »

42-anyos rider todas sa Isuzu wing van

PATAY ang 42-anyos motorcycle rider na inararo ng isang delivery truck habang naka-red signal ang traffic light sa Makati City kahapon ng madaling araw. Dinala sa pagamutan ng mga tauhan ng Makati Rescue Team ang biktimang si Benedict Jose Gonzales Sungalon, residente sa nabanggit na lungsod ngunit binawian ng buhay. Pinaghahanap ang driver at pahinante ng Isuzu Wing van, may …

Read More »

1st dose ng bakuna tigil 2nd dose ng bakuna larga (Sa Parañaque City)

ITINIGIL pansamantala ng Parañaque local government unit (LGU) ang pagbibigay ng 1st dose ng bakuna kontra CoVid-19 kahapon, 29 Hunyo. Ipinaliwanag ng Public Information Office (PIO), nakatuon sila sa pagbibigay ng 2nd dose ngayong buwan ng Hunyo dahil sa pagtaas ng demand ng mga magpapabakuna, kaya naghihintay pa sila ng karagdagang alokasyon ng CoVid-19 vaccine mula sa national government. Mula …

Read More »

Bakunahan sa Taguig City nakabinbin  

HINDI muna itinuloy ng Taguig local government unit (LGU) ang pagbabakuna para sa 1st dose at 2nd dose ng Sinovac Vaccines. Sa abiso ng Taguig Public information Office (PIO) kamakalawa,  28 Hunyo 2021, simula ng tanghali itinigil ang pagtuturok sa mga naka-iskedyul gamit ang naturang bakuna dahil wala pang pahintulot ang Department of Health (DOH). Kaugnay nito, hindi nakapag-rollout ang …

Read More »

3 tulak timbog sa Kankaloo (P.2-M shabu kompiskado)

BUMAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga nang makuhaan ng mahigit sa P.2 milyong halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan city chief of police, Col. Samuel Mina, Jr., dakong 1:00 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni …

Read More »

No. 2 most wanted sa Malabon, naaresto ng NPD sa Rizal

NAGWAKAS ang pagtatago ng tinaguriang no. 2 most wanted person sa Malabon nang masakote ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal. Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Gian Carlo Padua, 31 anyos, residente sa Pineapple Road, Brgy. Potrero, Malabon City. Sa …

Read More »

Sa Navotas: Disimpektasyon tuwing Lunes sa palengke, grocery, talipapa

NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 139 Series of 2021 na pumapayag sa mga palengke, grocery stores, at talipapa  na mag-operate araw-araw maliban tuwing 1:00 – 3:00 pm tuwing Lunes para sa disimpektasyon. “Our COVID cases are decreasing that’s why we are easing some restrictions. However, we need to continue to be careful especially now that …

Read More »

Babaeng guro sa Quezon itinumba

BINAWIAN ng buhay ang isang babaeng public school teacher nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek nitong Lunes ng hapon, 28 Hunyo, sa bayan ng Sariaya, lalawigan ng Quezon. Sa ulat ng Sariaya police, nakaangkas ang biktimang kinilalang si Marilou Lagaya, 48 anyos, sa motorsiklong minamaneho ng kanyang pinsang si Maricel Surquia, nang pagbabarilin ng suspek na armado ng kalibre .45 …

Read More »

Roni Meneses, puspusan ang preparasyon sa Miss Philippines Earth

PUSPUSAN na ang preparasyon ni Roni Meneses sa gaganaping Miss Philippines Earth sa July 25. Bago sumabak sa beauty pageant na ito, si Roni ay naging Miss Mandaluyong 2020 muna. Siya ay nagtapos ng BS Clothing Technology sa UP Diliman. Isinusulong niya bilang adbokasiya ang environmental vegetarianism. Siya ay anak ng former PBA star at ngayo’y Bulakan, Bulacan mayor na …

Read More »

Alex ‘di pinigilang mag-showbiz si Sunshine, grateful sa kabaitan ni Ms. Rhea Tan

SUPORTADO ng actor/public servant na si Alex Castro ang showbiz career ng wife niyang former Sexbomb member na si Sunshine Garcia. Sa pag-guest ni Alex sa online show naming Tonite L na L nina katotong Roldan Castro at Chuffa Mae Bigornia, nabanggit niyang silang mag-asawa ay nagsusuportahan sa isa’t isa. Esplika ni Alex, “Hindi ko siya binabawalan sa showbiz, suportahan …

Read More »

P50-M bagong gusali ng City College of Angeles pinondohan ng PAGCOR

NAKATAKDANG umpisahan ang kosntruksiyon ng bagong gusali ng City College of Angeles (CCA), may apat na palapag at 20 silid-aralan bilang donasyon ng Philppine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) sa pamahalaang lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga. Pinangunahan ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., at PAGCOR Chairperson & CEO Andrea Domingo, kasama sina 3rd District Congressman Carmelo “Jon” Lazatin ll, …

Read More »

Singil ng koryente sa Pampanga tumaas Kapitolyo mag-iimbestiga  

VIRAL sa social media ang mga hinaing ng mga nag-aalborotong konsumer dahil sa biglaang paglobo, hindi ng mga kaso ng CoVid-19 kundi sa bill ng kanilang koryente. Umabot ito sa kaalaman ng Kapitolyo, sanhi para paimbestigahan ang nasabing isyu ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Dennis “Delta” Pineda. Nakatakdang magsagawa ng inquiry ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna nina Board …

Read More »

BLIND ITEM: ‘Di pagsikat ni male starlet isinisi sa viena sausage video

NOONG nagsisimula pa lamang si male starlet, pa-hustle-hustle lang siya. Nai-feature siya sa isang magazine, at magmula noon panay palabas niya ng mga sexy selfies sa social media, at lagi siyang may nakahandang “sob stories” sa mga nakaka-chat niya. Karamihan nahihingan niya ng pera. Pero minsan ay naisahan din siya. May nag-alok sa kanya ng P5K, na dahil noong panahong iyon ay walang-wala pa …

Read More »

Vilma at Sharon, ninang sa kasal nina Ara at Dave

NINANG sa kasal nina Ara Mina at Dave Almarinez ang mga sikat na aktres tulad ni Congw. Vilma Santos at Sharon Cuneta na nasa America pa ngayon. Ninong naman sina Vic del Rosario at Dondon Monteverde gayundin ang executive ng ABS-CBN na si Cory Vidanes. Matron of honor ang makapatid ni Ara na sina Cristine Reyes at Heidi Gatmaytan gayundin sina Jan Marini at Christine Baniqued.  Best Men sina Shawn Weinstein, Pundarika Bibireddy, at Raulito Amarinez. May special participation si Mandy, ang limang taong gulang na …

Read More »

Simon Ibarra mahusay na kontrabida

ISANG promising kontrabida ang actor na si Simon Ibarra na matinding kalaban ni Richard Gutierrez. Napatay kasi ang anak niyang si Bubbles Paraiso na isinisi ang pakamatay nito sa actor. Matindi rin ang galit niya kay Christian Vasquez, ang abogadong binayaran niya ng P50-M para mailaglag si Richard dahil sa napatay ang kanyang anak. Malaki ang ipinagbago ng karakter ni Simon. Karamihan sa mga ginawa niya noon …

Read More »

Barbara puring puri si PNoy

MATINDI ang pakikidalamhati ng  konsehalang aktres na si Barbara Milano sa pagyao ni PNoy. Naging konsehala sa Talavera, Nueva Ecija si Barbara na matagal naging kaibigan ang yumaong president. Ani Barang (tawag kay Barbara) seven months silang naging magkaibigan noon ni PNoy. Bago pa lang siyang nag-aartista. Kuwento ng aktres,  napakabait ni PNoy, matulungin at tahimik.  Mahilig daw magbasa at making ng music ang …

Read More »

Bidaman Wize crush na crush si Jane

ANG mahusay na aktres na sina Cherry Pie Pichache, Angel Locsin, at Jane De Leon ang gustong makatrabaho ni Bidaman Wize Estabillo. Ani Wize, “Si Ms Cherry Pie ang isa sa gusto kong makatrabo, simula ng mapanood ko siya sa ‘Ina, Kapatid, Anak’ humanga na ako sa kanya ang galing-galing niyang aktres. “Bukod sa ‘di lang siya mahusay sa drama, dahil mahusay din siyang mag-comedy at maging …

Read More »

Donnalyn iginiit: wala akong pinabayaang mahal ko

NAKATUTUWA at kahanga-hanga o nakaiinis at nakamumuhi ang ginawa ng sikat na vlogger na si Donnalyn Bartolome na nitong panahon ng pandemya at noong mismong araw na yumao ang dating pangulong Noynoy Aquino, ibinando ang kabibili lang niyang high-end sports utility vehicle (SUV), isang Maserati na ang halaga ay ‘di bababa sa P8-M. Noong Huwebes, June 24, ipinamarali ni Donnalyn sa social media …

Read More »

HB super alalay kay Tetay

KUWENTO ng showbiz denizen na si Bernard Cloma sa isang katoto naming reporter na nagtagal sa burol ni yumaong dating pangulong Noynoy Aquino noong Biyernes si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at laging sinasamahan si Kris Aquino. Noong Sabado naman, eksaktong 10:00 a.m. ay nagdaos muna ng internment mass para sa dating pangulo. Napansin ang pagdating doon ni James Yap. Ayon sa ilang reporters ng DZRH, sa likod lang daw …

Read More »

Relasyon nina JD at Cassy nag level-up

“IN a way, we both know na nag-level up na kami.  “We did get closer together naman po and we’ve been enjoying it and it’s been a fun journey so far,” ang sagot sa amin ni Joaquin Domagoso sa tanong kung nag-level up na ba sila o kung may na-develop na sa kanila ni Cassy Legaspi sa ilang buwang lock-in taping ng First Yaya.      Tinanong …

Read More »

Maxine nahirapang maging kontrabida

BINIBINING Pilipinas-Universe 2016 title-holder si Maxine Medina na ngayon ay desidido na sa pagiging artista. Gumaganap si Maxine sa First Yaya bilang kontrabidang si Lorraine Prado. Paano ia-assess ni Maxene ang sarili bilang aktres? Paano niya pinaghandaan ang pagpasok sa showbiz? “Actually ang difference po kasi ng pageant and being an actor is that you have more time to… aralin lahat kung anong kailangan mong …

Read More »

Iya mabentang host

MABENTA pa rin si Iya Villania bilang host dahil muli na naman siyang ini-renew ng Ajinomoto bilang co-host ni Chef Jose Sarasola sa ilang minutong show na Eat Well, Live Well, Stay Well. Eh dahil bagong season, mga mas madaling lutian na recipe ang mapapanood sa cooking show gamit ang oyster sauce. Magandang regalo ito kay Iya sa kanyang kaarawan. Imagine, may segment na siya …

Read More »

Kim bagay sa Huwag Kang Lalabas

SWAK na swak si Kim Chui na mapabilang sa cast ng horror trilogy ng Obra Cinema na Huwag Kang Lalabas. Si Kim ang nagpasabog ng viral video na, “Huwag Kang Lalabas!” noong kasagsagan ng pandemic sa Metro Manila, huh! Inanunsiyo ng director ng trilogy na si Adolf Alix, Jr. sa kanyang Facebook na gaganap si Kim bilang si Amor sa third ep ng movie. Sa Baguio City ang lokasyon ng pelikula. …

Read More »

Jean binuweltahan si Alwyn– Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!”

SA nakaraang post ni Alwyn Uytingco sa kanyang Instagram account na larawan nilang mag-anak, may caption iyong, “Araw-araw, ito ang magiging dasal ko. Ito ang kakapitan ko. Ito ang papangarapin ko. Ito ang aasahan ko. Na balang araw, maging maayos na ang lahat. Alam ko hindi magiging madali, alam ko marami ang kailangan harapin. Pero mas pipiliin kong tawirin ang tulay na ‘to, kahit ikamatay …

Read More »