HINATULAN bilang guilty ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74 si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kaugnay ng kasong homicide o pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer. Matatandaan, Nobyembre 24 sana ang promulgasyon ngunit dahil sa ilang proseso, itinakda ito nitong Disyembre 1, 2015. Ito ay dahil hindi maaaring lumagpas ng isang taon sa korte …
Read More »Lineman nangisay habang nagkakabit ng internet
DAGUPAN CITY – Agad namatay ang lineman ng isang telecommunication company makaraang makoryente habang nagkakabit ng linya ng internet sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Lingayen, Pangasinan kamakalawa. Pababa na sa hagdan ang biktimang si Larry Valderado, residente sa Brgy. Bonuan Gueset sa Dagupan City nang masagi ang live wire dahilan ng kanyang pagkakoryente. Napag-alaman ng mga awtoridad na hindi …
Read More »Serbisyong totoo, ‘di pala totoo
INIREREKLAMO ang isang personality dahil sa hindi makatarungang pakikitungo nito sa kanyang mga kasambahay. Paano’y kabaligtaran daw ang nakikitang pagka-sweet nitong personalidad na ito sa ugaling ipinakikita kapag nasa bahay na. Kung gaano raw kaamo at ka-sweet ang personalidad na ito ay siya namang parang tigre sa bahay dahil grabe raw ito makahiyaw at makautos sa mga kasambahay. Kaya naman …
Read More »Aktor tatakbong vice mayor, dehins naman makabayad ng bahay
IBANG klase pala itong actor na nangangarap maging vice mayor ng isang lugar dito sa Metro Manila. Sayang ang kaguwapuhan at kakisigan dahil palaasa at tumatakbo sa responsibilidad. Paano naman, hindi pala ito makabayad man lang ng upa sa tinitirhang bahay. Kaya pinalayas ito. Ang siste pa, galing pa sa ama ang ipinanghuhulog o ipinambabayad sa tinitirhang bahay ng aktor, …
Read More »INC pinasalamatan ng Bicol IP Community (Tukod-kabuhayan sa ‘bagong eco-communities’)
PINANGUNAHAN ni Iglesia Ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo V. Manalo nitong Nobyembre 8 ang pagpapasinaya sa tinaguriang “self-sustaining eco-farming community” na nasa isang 100-ektaryang lupain na idinibelop sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation, bilang ayuda sa mga kasapi ng tribong Kabihug, isang katutubong komunidad sa Barangay Bakal, Paracale, Camarines Norte. Ang bagong pamayanan sa Paracale, na kinapapalooban ng …
Read More »Heartthrob Cong naging tampulan sa Kamara
THE WHO si Congressman na isa raw sa itinuturing na “Heartthrob”sa Kamara pero nito lamang huli, marami na ang nadesmayang kababaihan kasama ang ilang lady reporter. Oh How sad naman. Ayon sa alaga nating Hunyango, talagang ang lakas daw ng dating ni Cong sa mga tsikas dahil sa kakisigan na mala-Adonis! Wow! Heartthrob nga! Buhok. Check! Mukha. Check! Height. Check! …
Read More »‘Pangil’ ni Mison tinapyasan
BINAWASAN ng Department of Justice (DoJ) si Immigration Commissioner Seigfred Mison ng awtoridad at kontrol sa pag-aapruba at pag-iisyu ng visa sa lahat ng immigration port of entries. Kasunod nito, iniutos ni Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa ang imbentaryo sa lahat ng “exclusion and recall” orders na inisyu ng Immigration bureau para sa taon 2013, 2014 at 2015. Ang ‘exclusion’ …
Read More »‘Disiplina’ ang kailangan
HINAHANAP-HANAP na ng matandang henerasyon ang salitang ito – disiplina. Marami ang nagsasabi, ang kawalan ng disiplina, ang dahilan kung bakit lalong nalugmok sa kawalan ang ating bansa. Dalawampu’t siyam na taon na ang nakararaan, nakaaninag tayo ng demokrasiya. Pero hindi pa sumasampa sa isang dekada, demokrasyang walang disiplina pala ang tinatahak ng mga bagong namumuno sa bansa. Demokrasya na …
Read More »Pangangailangan sa mahusay na water management tinukoy
ANG Filipinas ay nagsasayang ng maraming tubig, at kung ang Israel ay may 10 porsiyento ng tubig na ating sinasayang ito ay lalo pang magpapalaki sa food production ng Israel. Ito ang inihayag ng Israeli members ng Philippines – Israel Business Assocation, na miyembro si inventor-agriculturist Gonzalo Catan, Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines, Inc., at ang …
Read More »Bebot sinaktan, ginahasa ng ex-BF
NAGA CITY – Dumulog sa tanggapan ng Pagbilao MPS ang isang babae at kanyang ama kasama ang isang miyembro ng Municipal Social Welfare and Development Office para ireklamo ang isang lalaki dahil sa pananakit at panggagahasa sa biktima Pagbilao, Quezon. Kinilala ang suspek sa pangalan na Carlo, 21-anyos. Napag-alaman, nakipagkita ang biktimang si Ana, 18, sa suspek na kanyang ex-boyfriend …
Read More »Kongresista, kalaguyo kinasuhan ni misis (Sa Agusan del Norte)
BUTUAN CITY – Sinampahan ng reklamong Violation Against Women and Children (VAWC) ni Judy Chin-Amante sa City Prosecutor’s Office ng Cabadbaran sa lalawigan ng Agusan del Norte ang asawa niyang si Rep. Erlpe John Amante habang concubinage ang inihain laban sa sinasabing kalaguyo ng mambabatas na si Katrina Marie Mortola dahil sa pakikipagrelasyon sa lalaking may asawa. Sinusuportahan ni Gov. …
Read More »24 Pinoy may HIV kada araw — DoH
HINDI kukulangin sa 24 Pinoy bawat araw ang na-tutuklasang may Human Immunodeficiency Virus (HIV) kung pagbabatayan ang deklarasyon ng ng Department of Health – Epidemiology Bureau (DOH-EB) na isang Filipino ang nade-detect na mayroon nito kada oras. Bunsod nito, nagbabala ang DoH na maaaring lumobo pa nang mahigit sa 133,000 ang mga bagong kaso ng HIV sa susunod na pitong …
Read More »Di pinayagang mag-asawa kelot nagbigti
DAVAO CITY – Nagbigti ang isang 20-anyos lalaki makaraang hindi payagan ng kanyang pamilya na mag-asawa na. Ayon sa Toril PNP, wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si alyas Edu, 20, residente ng Purok 4, Brgy. Tagluno, Toril District, sa lungsod. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, hindi pinayagan ang biktima ng kanyang mga magulang at mga kamag-anak na mag-asawa. …
Read More »Bilanggong kandidato ‘wag payagang bumoto (Hirit sa Supreme Court)
HINILING ng isang abogado sa Korte Suprema kahapon na huwag payagang makaboto ang mga bilanggo gaya nina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep/ Gloria Macapagal-Arroyo, Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Sa 15-pahinang petisyon na isinumite sa Kataaas-taasang Hukuman ni Atty. Victor Aguinaldo, hiniling din niya na huwag payagang makalahok sa May 2016 national elections ang mga bilanggo katulad ni Mrs. Arroyo …
Read More »4,000 nasunugan sa Mandaluyong humihingi ng tulong
HUMIHINGI ng tulong ang mahigit 4,000 residente o mahigit 1,000 pamilya na nasunugan sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City. Ayon kay Supt. Samuel Tadeo, hepe ng National Capital Region Fire Department District 4, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Jopay sa Molave street dakong 2 p.m. kamakalawa. Apat ang naitalang sugatan sa nasabing insidente. Nananatili ang mga …
Read More »1st US destination inianunsiyo ng Cebu Pacific
NAKATAKDANG ilunsad ng leading carrier ng Filipinas, Cebu Pacific Air (PSE:CEB), ang four times weekly service sa pagitan ng Manila at Guam sa Marso 15, 2016. Ang Guam ang kauna-unahang US destination ng airline. Tanging ang CEB ang low-cost carrier na lilipad sa pagitan ng Filipinas at Guam. Sa pagpapalawak na ito, ang airline ay mag-aalok ng trademark nitong mababang …
Read More »2 FA-50s fighter jets na binili sa S. Korea darating na
AMINADO ang pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) na super excited sila sa pagdating ng dalawang fighter jets sa bansa. Sa Biyernes, Nobyembre 27, ide-deliver sa bansa ang dalawa sa 12 FA-50s fighter jets na binili ng pamahalaan sa South Korea. Ayon kay Philippine Air Force (PAF) spokesperson Col. Enrico Canaya, lalapag ang dalawang fighter jets sa Clark Air Field …
Read More »Nine-Dash Line ng China walang basehan — PH
SUMENTRO ang argumento ng Filipinas sa Permanent Court of Arbitration, sa kawalan ng basehan ng Nine-Dash Line claim ng China sa West Philippine Sea. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, si Solicitor General Florin Hilbay ang nagharap ng daloy ng presentasyon ng Philippine delegation sa First Round of Arguments. Ayon kay Valte, tinalakay ni Principal Counsel Paul Reichler ang …
Read More »Bigyan ng katarungan ang Maguindanao Massacre victims — Alunan
NANAWAGAN si dating Department of Interior and Local Government secretary Rafael Alunan III sa Department of Justice (DOJ) na pabilisin ang proseso ng paglilitis laban sa mga sangkot sa Maguindanao Massacre na nasa ikaanim na taon na nitong Lunes. Ayon kay Alunan, mahigit 150 testigo at libo-libong pahina na ang iprinisinta ng prosekusyon pero wala pa rin nahahatulan kahit isa …
Read More »Addition Hills sa Mandaluyong nasunog
NASUNOG ang isang residential area sa Mandaluyong City kahapon. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), pasado 2:45 p.m. nang magsimula ang sunog sa Block 32 sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City. Itinaas sa fifth alarm ang nasabing sunog at maraming mga bombero mula sa karatig syudad at bayan ang nagtulong-tulong sa pag-apula ng apoy.
Read More »Kolehiyala sinaksak ng basted na admirer
LEGAZPI CITY – Nagpapagaling na sa ospital ang 19-anyos college student ng Bicol University makaraang pagsasaksakin ng kanyang manliligaw sa Guinobatan, Albay kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Janice Villasis y Villamore, taga-Masbate ngunit pansamantalang tumutuloy sa Brgy. Calsada sa nasabing bayan. Ahon kay Chief of Police Luke Ventura ng Guinobatan Municipal Police Station, matagal nang manliligaw ng biktima ang suspek …
Read More »Polish mountainer, Pinoy guide missing sa Mt. Kanlaon
BACOLOD CITY – Patuloy na pinaghahanap ang isang Polish trekker at kanyang guide na sinasabing nag-mountain climbing sa Mount Kanlaon bago nangyari ang steam emission nitong Lunes ng gabi. Sinabi ni Canlaon City, Negros Oriental Mayor Jimmy Clerigo, pinagbigay-alam ng kanilang tourism office ang tungkol sa pag-akyat ng Polish mountain climber na si Anna Hudson at guide niyang si Balmer …
Read More »‘Hello Garci’ tangkang buhayin sa Comelec
KINUWESTIYON ng dalawang matataas na opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagtatangkang muling buhayin at ipamayagpag ang “iskemang Hello Garci” na nagkait kay Fernando Poe Jr., ng tagumpay noong 2004 presidential elections kasabay ng pahayag na ito ay hindi katanggap-tanggap, walang patutunguhan at muling pagmumulan ng mas marami pang iregularidad sa halalan. Dalawang magkakahiwalay na dokumento ang nagpapatibay sa …
Read More »STL operators protektado ng PCSO board (Kamay ni Chairman Maliksi ‘iginagapos’)
”Hindi ako makagalaw laban sa mga katiwalian ng STL operations. Nakagapos ang kamay ko sa kontrol ng mayorya ng PCSO Board,” pahayag kahapon ng tserman ng naturang ahensiya na si Ireneo ‘Ayong’ Maliksi. Inihayag ni Maliksi na bilang tserman ng grupong nagpapasiya sa mga polisiya ng PCSO ay limitado ang kanyang poder upang isulong ang reporma sa operasyon ng STL …
Read More »Nahihibang si Sen. Alan Cayetano
E, mano naman kung si Sen. Alan Cayetano ang maging Vice President ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte? Hindi nangangahulugang panalo na si Cayetano kung siya man ang maging running mate ni Duterte. Kung tutuusin, kahit sino ang maging tandem ni Cayetano, maging si Sen. Grace Poe, si Vice President Jojo Binay, si Mar Roxas o Si Sen. Miriam Santiago, …
Read More »