Friday , May 17 2024

Ed de Leon

Aktres, may bagong sex video

MAY isang female star na mayroon na namang sex video, pero iyon ay uploaded sa isang website na kailangan kang magbayad para makuha mo ang password, na one time use lamang para mapanood ang kanyang video.   “Mas maganda” raw iyan kaysa nauna niyang video na ipinakikita niyang pinaglalaruan ang kanyang dibdib. Siguro ngayon iba na pinaglalaruan niya.   Bakit naman ganoon? Nagugutom …

Read More »

Celine Pialago, isinumbong ang mga basher sa NBI         

LUMAPIT na sa NBI si ASEC Celine Pialago ng MMDA dahil sa kanyang mga basher. Hindi unknown ang mga basher ni Celine. Isa sa mabilis na pumalag sa sinabi niya tungkol kay Raine Mae Nasino ang aktres na si Anne Curtis. Ang feeling kasi ni Anne, insensitive si Celine dahil ang pinag-uusapan nga ay ang damdamin ng isang ina at ang yumao niyang anak.   Ang matinding …

Read More »

Angel Locsin, parang si Rosa Rosal sa pagkakawanggawa

NAPILI na naman si Angel Locsin ng isang international magazine, iyong Tatler Asia bilang isa sa mga pangunahing personalidad sa Asya dahil sa kanyang mga pagkakawanggawa. Sinasabing kaya siya napili ay dahil sa mga accomplishment niya noong sumabog ang bulkang Taal, at ang kanyang pagtulong sa testing at pagpapatayo ng emergency tents para sa mga frontliner nito namang panahon ng Covid.   Sa totoo …

Read More »

Poging actor, mayaman sa ayuda ni high profile government official

blind mystery man

ISANG “high profile government official” ang sinasabing “supporter” o siyang nagbibigay ng lahat ng ayuda sa isang poging male star na married na. Hindi namin alam, baka naman kaya sila naging magkaibigan ay dahil sa political support na maaaring ibigay ng male star, o ang natsitsismis na ang “kanilang relasyon ay higit pa sa karaniwan.”   Wala naman kaming naririnig na ang …

Read More »

BL series, sakop ba ng MTRCB?

MAY jurisdiction ba ang MTRCB sa mga inilalabas ngayong mga bading serye? Dumarami na iyang tinatawag nila ngayong “BL” at hindi maikakaila na ang ilan sa kanilang ginagawa ay medyo “delikado” na rin ang ipinakikita. May kalaswaan na rin talaga. Ang masakit, hindi mo mapipili ang audience niyan dahil nabubuksan sa internet. Kahit na bata pa iyan, kayang buksan iyang mga iyan …

Read More »

Gabby, matinee idol pa rin (leading ladies, kaedad ng mga anak)

Gabby Concepcion

NANONOOD kami ng Eat Bulaga noong Sabado, at ang guest nila sa Bawal Judgemental portion nila ay si Gabby Concepcion. Ang tindi ng suwerte ni Gabby, isipin ninyo hindi man lang nabawasan ang ibinigay sa kanyang P50K. Doon sa contest na iyon, tuwing magkakamali ka ng choice, iyong P50K mo nababawasan ng P5K, at minsan may contestant na wala halos nakukuha dahil mali ang kanilang …

Read More »

Teejay Marquez, wa-ker kung nagparetoke ng ilong at lips

MAY nagsasabing niretoke raw ang ilong ni Teejay Marquez. May nagsasabing pati lips niya niretoke. May nagsasabi ngang pati katawan ipinaayos. Eh ano ba pakialam ninyo kung ano ang ginagawa niya sa katawan niya? Katawan naman niya iyon eh.   Hindi rin naman niya itinatago. Minsan nagkuwento siya sa amin na sumailalim siya sa operation, pero iyon ay mahalaga hindi lamang …

Read More »

Kampanya para maging National Artist ni Cong. Vilma Santos, lumalakas

MAY mga nakakapansin, mukhang may isang lumalakas na kampanya mula sa publiko na ideklarang isang national artist si Congresswoman Vilma Santos. Lalo yatang umugong ang kuwento nang si Ate Vi ay maging guest pa sa isang on line talk show na ginagawa ng CCP at NCCA. Iyang dalawang ahensiyang iyan ang nagsusuri at gumagawa ng rekomendasyon sa presidente ng Pilipinas kung sino ang idedeklarang …

Read More »

Aktor, bigay-todo kay gay politician lover (Takot kasing magutom)

MALIIT lang ang kinita ng male star sa isang ginawa niyang indie, at mukhang wala naman siyang makukuhang assignment sa ngayon mula sa kanyang network na limitado rin ang produksiyon. Iyon ang dahilan kung bakit sa tuwing ipatatawag siya ng kanyang gay politician lover, hindi maaaring hindi siya magpunta.   Natatakot siyang iwanan din siya niyon. Sasabit ang panggastos hindi lang ng pamilya …

Read More »

Bea, never nang makikipagbalikan kay Gerald

Bea Alonzo Gerald Anderson

NANG tanungin si Bea Alonzo kung possible pang magkabalikan sila ng dating boyfriend na si Gerald Anderson, sinabi niyang “never again.”   Kung natatandaan ninyo, nagka-break na sila noong una nilang relasyon, pero pagkatapos ay nag-reconcile rin. Pero sa kanilang pangalawang split, dahil nga siguro sa tsismis na nagkaroon din ng third wheel, naging mas masakit ang hiwalayan at ngayon ay talagang hindi mo …

Read More »

KC, close kay Gabby pati sa mga kapatid sa ama

VERY proud ang actor na si Gabby Concepcion, dahil ang anak niyang panganay na si KC Concepcion ay matagal nang ambassador of goodwill ng UN Food Program, at nagkataong sa taong 2020, ang food program ng UN ang siyang binigyan ng Nobel Peace Prize. Natural, bilang isang ambassador of goodwill, bahagi ng karangalang iyon si KC.   Nakita naman agad ni KC ang post na …

Read More »

Aktor, laging handa sa car fun

blind mystery man

IYONG isang male star na mukhang nagtatagal nang walang assignment dahil nasara nga ang kanilang network, sinasabing ”siya ang champion ngayon sa car fun.” Naitanong nga namin, ano ba iyong “car fun.” Nangyayari raw iyan sa isang lugar, malapit sa mga entertainment bar. Sumasama ang mga lalaki, karamihan ay mga model at artista rin sa kotse ng mga bading, at siyempre may nagaganap na …

Read More »

Vice Ganda, pigil at ingat sa pagbabalahura (Ngayong nasa A2Z na ang It’s Showtime)

NAPAPANOOD na uli ang It’s Showtime on the air. Inaasahan naming lalabas na sila ang number one sa kanilang initial telecast sa survey ng Kantar Media, dahil siyempre isasaalang-alang din ang claim ng ABS-CBN na 30 milyon ang subscribers nila sa social media. Kung ganoon nga, kung iisipin mo hindi na nila kailangang bumalik on the air. Isipin mo iyong 30 million audience. Pero …

Read More »

Piolo, magbabalik-ABS; James Reid, tutulungan sa TV5

MAY narinig kaming tsismis. Tsismis ha. Ang usapan naman daw pala ay mananatili lamang si Piolo Pascual ng apat na Linggo sa kanilang gagawing show sa TV5, para mapagbigyan lamang si director Johnny Manahan, at pagkatapos ay babalik siya sa ABS-CBN. Ibig sabihin, sa ASAP pa rin siya mapapanood talaga. “Mukhang ang tinutulungan naman ng kampo ni Piolo si James Reid, kasi iyon ang ipinu-push nilang magkaroon …

Read More »

Indie star galit kay produ, dahil sa pangakong napako

GALIT ang isang indie star, dahil kinausap daw siya ng producer, at ng isa pang tauhan niyon at sinabing gagawin siyang bida sa kanilang gagawing pelikula. Sabi pa niya, “pinagbigyan ko naman pati kung ano ang gusto nila.” Pero iyon ngang pangako sa kanya ay napako lang.   Nagbabanta ang indie star, oras daw na hindi siya binigyan ng importanteng role sa pelikulang …

Read More »

Lee Joon Gi, mas sikat na kay Lee Min Ho

MAY sinasabi silang ang pinakasikat na Korean actor batay sa internet following ay si Lee Min Ho, dahil ang kanyang combined followers sa social media ay umabot na sa 72 million. Kung sa bagay, maski rito sikat iyang si Lee Min Ho, kaya nga kinuha pa siyang endorser ng isang local underwear brand. Pero ngayon parang lumipas na rin ang popularidad …

Read More »

Kim Chiu, dinalaw ng tikbalang?

NATAWA kami sa isang social media post ni Kim Chiu, iyon daw kaibigan ng ate yata niya, may nakitang kakaiba sa isang litrato niya. Kasi iyong tao raw ay “may third eye,” at nakita niyon na may nakasilip na tikbalang sa bintana ng kuwarto niya. Sa iba pang kopya ng pictures, binilugan pa nila kung saan nakita iyong sinasabing tikbalang. Maliwanag …

Read More »

Dating sexy star, natakot sa klosetang produ kaya naudlot ang pagsikat

blind item woman

SA isang inuman, nagkukuwento raw ang isang dating male sexy star tungkol sa producer ng kanyang ginawang pelikula noong araw na isa palang closet queen. Kinausap daw siya ng producer at sinabing bibigyan siya ng todo build up. Pero kailangan maging boyfriend siya niyon. Papayag na rin daw sana siya sa kagustuhang sumikat, pero nagkuwento sa kanya ang isa pang male bold star kung …

Read More »

Sarah, kasundo na ang mga magulang; Matteo, ‘di bumati sa birthday ng ama ni Sarah

NOONG birthday ng tatay ni Sarah Geronimo, lumalabas ang isang picture niya, nakayakap sa kanyang tatay at sinasabing iyon ang kanyang “habambuhay.” Maliwanag kung ganoon na nagkasundo na si Sarah at ang kanyang mga magulang. Pero kapuna-puna na ang bumati nga lang ay si Sarah. Si Matteo Guidicelli ay hindi kasama. Ibig bang sabihin ay hindi pa rin nagkakasundo si Matteo at ang kanyang …

Read More »

Mga programa ng ABS-CBN, mapapanood na sa Zoe TV

KAILAN pa ba namin sinabi sa inyo na nagkakaroon na ng kasunduan ang ABS-CBN at ang ZOE TV? Isang buwan na yata ang nakaraan, hindi ba Tita Maricris?   Kasi maliwanag na hindi kayang mag-survive ng mga TV show kung wala silang on the air broadcast. Hindi puwedeng cable at internet lang. Noong mawala on the air ang ABS-CBN, para na rin silang nabura, …

Read More »

Dahlia, ‘di ipinagdamot nina Anne at Erwan

IPINAGMAMALAKI pa ni Anne Curtis, seven months na ang anak niyang si Dahlia. Iyang si Dahlia na yata ang showbiz baby na may pinakamaraming pictures. Kapapanganak pa lang niya lumabas na agad sa social media account ng kanyang mga magulang ang pictures niya. Hindi ipinagdamot ni Anne at ni Erwan ang picture ng kanilang anak sa fans. Siguro masasabi ngang natural lang iyon …

Read More »

Caridad Sanchez, may Dementia

MAY dementia na pala si Caridad Sanchez. Iyan ang inamin ng kanyang anak sa isang television interview ni Mario Dumaual. Mahirap na sakit iyang dementia. Pero suwerte na rin si Aling Caring, dahil at least 87 na pala siya. Iyang dementia rin ang ikinamatay ng singer na si Helen Reddy noong nakaraang linggo lang at iyon ay 78 lamang. Noong araw ang akala namin …

Read More »

Malanding bata, umamin na

AAMININ din naman pala ng malanding batang babaeng iyan ang kanyang kalandian, bakit nga ba pinatagal pa niya? Kung noong una pa ay inamin na niya ang lahat, hindi na sana nagkaroon pa ng kung ano-anong controversy sa kanyang buhay. Ang lahat naman ng controversy ay nagsimula lamang sa kanyang kalandian.   Hindi na sila natuto. Katakot-takot na denial pa ang kanilang …

Read More »

Pamilya ni Aktor, nabubuhay ng marangya kahit walang trabaho

MATAGAL na rin namang walang trabaho si male star at sa ngayon sinasabing binubuhay niya ang kanyang pamilya sa paggawa ng tinapay. Ewan kung mayroon na nga ba siyang maliit na panaderya. Pero hindi sa panaderya nabubuhay ang actor, sabi ng isa naming source. Kasi sinasabing every now and then, nakikita siyang bumibisita sa bahay ng isang politician na kilala namang “gay.” …

Read More »

People’s Initiative ng ABS-CBN, malabo na

abs cbn

SINASABING ang tinatanaw na linaw ng ABS-CBN na muli pa silang makapagharap ng panibagong application para sa panibagong franchise, makalipas lang siguro ang ilang buwan ay mukhang lumabo pa ngayon. Iyong inaasahan kasi nilang pagpapalit ng liderato ng kamara ay hindi rin naman nangyari.   Inaasahan nila noon na sa pagpapalit ng liderato, mas magkakaroon naman ng simpatiya sa kanila, pero sa …

Read More »