PATAY ang isang 4-anyos batang lalaki at isang suspek habang inihahain ang warrant of arrest sa isang grupong tinukoy na sangkot sa iba’t ibang kriminalidad sa Calamba City sa lalawigan ng Laguna nitong Miyerkoles ng umaga. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang nadamay sa madugong enkuwentro na si Akhiro Sañez, 4 anyos, residente sa Barangay San Cristobal sa …
Read More »Wanted sa kasong murder MWP ng Calabarzon arestado
DINAKIP ang isang lalaking nakatalang most wanted person sa regional level sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng 1st Laguna PMFC at PIU nitong Linggo, 1 Hunyo, sa bayan ng Alaminos, lalawigan ng Laguna. Sa ulat kay Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia, kinilala ang suspek na si alyas Ruel, residente sa Los Baños, Laguna. Sa …
Read More »Murder suspect arestado
ISANG lalaking murder suspect ang nasakote ng mga awtoridad sa ikinasang follow-up operation sa bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna, nitong Linggo ng umaga, 18 Mayo. Sa ulat kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia, kinilala ang suspek na si alyas Richie, residente sa Purok 4, Brgy. Masapang, sa nabanggit na bayan, at sinasabing pamangkin ng biktima. Nakatanggap ng …
Read More »Matansero timbog sa P136-k shabu
CAMP BGEN PACIANO RIZAL – TIMBOG ang isang matansero nang mahulihan ng P136,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga ng Calamba Police sa Barangay Tres, Calamba City kamakalawa ng gabi. Sa ulat kay Laguna Provincial Director P/Col. Ricardo I. Dalmacia, kinilala ang suspek na si alyas Leo, 46 anyos, matansero (butcher), residente sa Calamba City, Laguna. Sinabi ng Calamba Component …
Read More »Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka
NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang 7:30 ng umaga nitong 2 Mayo, ngunit iniulat sa Calamba CPS dakong 11:40 ng umaga ng parehong petsa sa Purok 5 A, Brgy. San Cristobal, Calamba City, Laguna. Sa nabanggit na petsa at oras, tawag sa telepono ang natanggap ng Calamba CPS mula sa duty …
Read More »Masaker sa Antipolo 7 patay sa pananaksak
BINAWIAN ng buhay ang pitong indibiduwal matapos pagsasaksakin sa loob ng isang panaderya sa Purok Uno, Brgy. Cupang, sa lungsod ng Antipolo, nitong Martes, 22 Abril. Kinompirma ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Felipe Maraggun na pawang mga empleyado ng panaderya ang pitong biktima. Base sa paunang imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang wala nang buhay na mga katawan ng mga …
Read More »Calamba residents nababahala sa POGO
CALAMBA — Kamakailan maraming residente sa Lungsod ng Calamba ang nabahala matapos ang inilunsad na operasyon ng mga awtoridad na ikinaaresto ng tatlong Chinese national dahil sa paglabag sa Immigration law. Isang telecommunications contractor sa Calamba ang sinalakay ng pinagsanib na mga operatiba mula sa Bureau of Immigration (BI), PNP – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), Department of Justice …
Read More »2.25 kilo ng damo kompiskado, 2 suspek nakasibat
TINATAYANG mahigit sa dalawang kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nakompiska ng mga awtoridad sa isang operasyon na isinagawa sa Purok 1, Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna, kahapon ng 1:15 madaling araw, 12 Pebrero. Sa ulat ng Los Baños Municipal Police Station (MPS), nagsagawa sila ng operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakakompiska ng mga …
Read More »2 himpilan ng pulisya sa Laguna pinuri
DALAWANG estasyon ng pulisya ang pinapurihan sa lalawigan ng Laguna sa isinagawang Monday Flag Raising Ceremony sa pangunguna ni P/Col. Ricardo Dalmacia, Laguna PPO Provincial Director, nitong Lunes, 27 Enero. Iginawad ang medalya ng papuri sa hepe at mga miyembro ng Majayjay MPS para sa matagumpay na pagsasagawa ng police operations laban sa wanted person noong 13 Enero sa Brgy. …
Read More »
Sinugod ng mga nag-iinuman
Lalaki sa Laguna patay sa saksak
BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki matapos sugurin at pagsasaksakin ng tatlong nakainom na mga suspek sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna, nitong Linggo ng gabi, 26 Enero. Sa ulat ni P/Maj. Laurence Aboac, hepe ng Paete MPS kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia, nabatid na naganap ang insidente dakong 7:00 ng gabi kamakalawa sa T. Valdellon …
Read More »
Nagpanggap na kawani ng Kapitolyo
3 LALAKI NANLOOB SA LAGUNA P10-M PLUS ALAHAS, GADGETS, CASH NILIMAS SA 2 RESIDENTE
NINANAKAWAN ng tatlong lalaking nagpakilalang empleyado ng provincial government ng Laguna ang isang bahay at tinangay ang ilang personal na gamit kabilang ang mga alahas na nagkakahalaga ng P10 milyon sa Brgy. Caingin, lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Laguna, nitong Lunes ng umaga, 20 Enero. Kinilala ang mga biktimang sina Shiela, 36, at Johcel, 27, kapwa self- employed, na …
Read More »
Sa PRO 4A
PANGAKO SA 2025 MNLE MULING BINIGYANG-DIIN
SINIMULAN ng PRO4-A (CALABARZON) ang linggo sa pamamagitan ng Flag Raising Ceremony na pinangunahan ni Regional Director P/BGen. Paul Kenneth Lucas, na nagbigay-diin sa kritikal na papel ng mga alagad ng batas sa pagtiyak ng mapayapa, kapanipaniwala, at maayos na 2025 Midterm National and Local Elections (MNLE). Sa kaniyang mensahe, ipinahayag ni P/BGen. Lucas ang kahalagahan ng disiplina at integridad …
Read More »Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado
NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint manhunt operation ng Laguna PNP nitong Martes, 7 Enero, sa lungsod ng Calamba. Sa ulat kay Laguna PPO Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos, kinilala ang suspek na si alyas Qiezel, residente sa lungsod ng Calamba, Laguna. Sa ulat ng 1st Laguna Provincial Mobile Force …
Read More »2 lalaki arestado, 79K shabu, baril, kompiskado
Kampo Heneral Paciano Rizal – Naaresto ang dalawang drug personalities sa ikinasang buybust operation ng Pagsanjan Police at nakompiska sa mga suspek ang isang baril at 11.7 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na aabot sa P79,560 noong Biyernes, 29 Nobyembre 2024. Sa ulat kay P/Colonel Gauvin Mel Y. Unos, Acting Provincial Director, Laguna PPO, kinilala ang mga …
Read More »
Sa Sta. Rosa, Laguna
Most wanted ng Calabarzon tiklo
NASAKOTE ang most wanted person (MWP) sa Regional Level sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad nitong Martes ng hapon, 26 Nobyembre, sa lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Laguna. Sa ulat kay Laguna PPO acting provincial director P/Col. Gauvin Mel Unos, kinilala ang nadakip na suspek na isang alyas Louis, residente sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ni P/Lt. …
Read More »
Sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril
2 PATAY, 1 SUGATAN SA QUEZON
DALAWA katao ang napaslang habang sugatan ang isa pa sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa bayan ng Candelaria, lalawigan ng Quezon, nitong Martes, 26 Nobyembre. Sa unang insidente ng pamamaril, kinilala ang napatay na biktimang si Ericson Amol, 40 anyos, residente sa Brgy. Bukal Sur, sa nabanggit na bayan. Nabatid na bumibili si Amol ng pritong manok sa isang …
Read More »
Sa reklamong katiwalian
10-ARAW PALUGIT NG OMBUDSMAN SA BIÑAN MAYOR
PINASASAGOT ng Ombudsman sa loob ng 10 araw si Biñan City, Laguna, Mayor Walfredo “Arman” Dimaguila, Jr., kasama ang mga kasalukuyan at mga dating konsehal ng lungsod, kaugnay ng reklamong katiwalian na isinampa ng mga residente hinggil sa kontrobersiyal na ‘land reclamation project’ na sinimulan noong 2019. Sa utos ng Deputy Ombudsman for Luzon, pinasasagot din sa reklamong paglabag sa …
Read More »
Sa Batangas
SCRAP TRADER PINAGBABARIL SA BAHAY NG KAPATID, PATAY
HINDI umabot nang buhay sa ospital ang isang scrap trader na biktima ng pamamaril ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo malapit sa bahay ng kaniyang kapatid sa Brgy. Dayap Itaas, bayan ng Laurel, lalawigan ng Batangas. Kinilala ang biktimang si Rico Obrador, negosyanteng gumagawa ng mga scrap products, namatay habang dinadala sa Batangas Provincial Hospital dahil sa tatlong tama …
Read More »
Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA
BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo sa isang waiting shed sa Brgy. Lutucan, bayan ng Sariaya, lalawigan ng Quezon, nitong Sabado ng gabi, 5 Oktubre. Kinilala ang mga biktimang sina Bernardo Maranan, alyas Tibor; at June Regalado, alyas Asim, na natagpuan ng mga nagrespondeng pulis na may mga tama ng bala …
Read More »Ex-police major, aide/driver arestado sa pagkawala ni Camelon
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Arestado ng mga local na awtoridad ang nasibak na police major, kinilalang si Allan De Castro at ang kanyang aide-driver na si Jeffrey Arriola Magpantay, tinaguriang pangunahing suspek sa pagkawala ng isang dating beauty pageant candidate na si Catherine Camilon sa Tuy, noong 12 Oktubre 2023, sa Balayan, Batangas. Sina De Castro at Magpantay ay …
Read More »SLI arestado sa buybust ops
Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang apat na indibiduwal sa ikinasang buybust operation ng Cabuyao PNP kahapon, 11 Setyembre 2024. Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel Y. Unos, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas Cas, Ador, Ben, at alyas Mel, pawang mga residente sa Cabuyao City, Laguna. Sa ulat ni P/Lt. Col. John …
Read More »
Sa Pagamutan ng Dasmariñas, Cavite
BABAENG PASYENTE PINAGBABARIL SA EMERGENCY ROOM
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang babaeng pasyente ang pinagbabaril hanggang mamatay ng tatlong armadong lalaki habang nasa emergency room ng isang pampublikong ospital sa Dasmariñas City, Cavite, kahapon ng madaling araw, Miyerkoles, 28 Agosto 2024. Kinilala ang biktimang namatay na si Chatty Timbang, nasa emergency room ng Pagamutan ng Dasmariñas, nang biglang pumasok ang isa sa tatlong armadong lalaki …
Read More »13-anyos teenager patay sa sunog
ni RODERICK PALATINO CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang 13-anyos babaeng teenager ang namatay sa sunog sa Lipa, Batangas nitong Miyerkoles ng madaling araw. Habang sa Laguna, 24 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog na naganap sa Biñan. Sa ulat, sinabing si Meagan Aicel May Gabuna, 13, ay natutulog nang sumiklab ang sunog dakong 3:40 am. Ayon …
Read More »
Sa lalawigan ng Quezon
MAGSASAKA PINANINIWALAANG NAMATAY SA TAMA NG KIDLAT
CAMP VICENTE LIM, LAGUNA — Natagpuang patay ang isang lalaki na hinihinalang tinamaan ng kidlat sa Barangay Casasahan Ibaba, Gumaca, Quezon nitong Lunes ng hapon. Ilang sandali bago mag-6:00 ng gabi, nagresponde ang mga pulis ng Gumaca sa tawag ng mga residente na nagsabing may natagpuang bangkay ng lalaki sa isang bukid at posibleng tinamaan ng kidlat. Lumalabas sa inisyal …
Read More »
Sa Cavite
ALAHERO TIMBOG SA ONLINE LIBEL
ARESTADO ng mga awtoridad ang isang negosyanteng nakikipagkalakalan ng mga alahas para sa kasong online libel sa lungsod ng Dasmariñas, lalawigan ng Cavite nitong Lunes, 1 Hulyo. Kinilala ang suspek na si Anmer Demafeliz, alyas Anmer, residente sa lungsod ng Makati, na sinilbihan ng warrant of arrest para sa siyam na bilang ng kasong paglabag sa RA 10175 o online …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com