Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis patay sa Bagets Gang sa Davao

DAVAO CITY – Pinaghahanap na ang grupo ng mga kabataang miyembro ng gang na itinuturong suspek sa pagpaslang sa isang pulis sa Davao kamakalawa.

Kinilala ang napatay na pulis na si SPO1 Vivencio Virtudazo, nakatalaga sa Toril Police Station.

Base sa imbestigasyon ng Toril PNP, kamakalawa ng gabi, nagsagawa ng mobile patrol si SPO1 Virtudazo sa kanto ng Lao at Agton St. sa Toril nang bigla siyang nilapitan ng grupo ng mga kabataan at siya ay pinagsasaksak.

Ang biktimang tinamaan ng saksak sa leeg at kili-kili ay agad dinala sa ospital ngunit dahil sa malubhang kalagayan ay nalagutan ng hininga.

Ayon kay Davao City Police Office Director, Senior Supt. Vicente Danao Jr., miyembro ng gang ang mga suspek at ‘children in-conflict with the law.’

Nangako ang DCPO director sa pamilya ni SPO1 Virtudazo na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nasabing pulis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …