Thursday , June 4 2026
Kim Molina Jerald Napoles Wonderful Nightmare RC delos Reyes

Jerald, Kim sa Marso ikakasal sa malayong lugar sa Pilipinas

RATED R
ni Rommel Gonzales

TULOY na ngayong Marso ang kasal nina Kim Molina at Jerald Napoles.

Natanong si Kim tungkol dito sa mediacon ng pelikula nilang Wonderful Nightmare at hindi naman nagdamot si Kim na sumagot tungkol sa napaka-espesyal na mangyayari sa kanila ni Jerald nguni’t matipid o limitado lamang ang detalyeng sinabi niya.

Inihayag rin ni Kim na hindi sa Maynila kundi sa isang malayong lugar dito sa Pilipinas magaganap ang kasal.

Ako po ang nag-decide nito,” umpisang saad ni Kim tungkol sa medyo paglilihim muna nila ng mga detalye tungkol sa kasal nila.

Tinanong din ako ni Jerald. Noon kasing proposal ni Je, nagulat ako dahil naunang nalaman ng mga tao bago ko i-post kasi na-post agad ‘yung full speech ni Jerald.

“So I think itong wedding na ito, sa amin na po muna siya. But of course, ise-share po naman namin on the day.”

Si Mak Tumang, na isang sikat na fashion designer, ang lilikha ng kanyang dream wedding gown.

Samantala, aminado si Kim na may kaba siya noong malaman niyang sila ni Jerald ang mga bida sa Philippine adaptation ng Wonderful Nightmare na may Korean at Taiwanese version.

When I found out I am doing ’Wonderful Nightmare,’ kinabahan na ako kasi this is my first adaptation. So, kinakabahan ako, pangarap ko po kasi na magkaroon ng adaptation.

“Ang nangyayari, palagi kong ka-text si Boss Vic [del Rosario ng Viva Films], tatawagan ko siya, ‘Boss, kaya ko na ba ito?’ Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan.’

“Aral lang ako nang aral ng script and there are certain emotions that I wanted to know, kung makukuha ko.”

Sentimental ang pelikula para kay Kim dahil habang ginagawa niya ito ay pumanaw ang lolo niya.

Sa buhay kasi natin, may times na hindi natin alam ang mangyayari.

“While shooting this film, someone dear to my heart passed away, it’s my grandfather.

“Nagkataon na I had to shoot this scene na first time nangyari. Sina Direk, they had to go to me kasi hindi ko ma-stop. I can’t stop my emotions.”

“’Yung halo-halong mga emosyon and all of that. The pressure of getting married, that I have to fix everything all at once.

“Nangyari lahat while doing this film. So I think it helped me in a way, and I learned a lot about myself.

“Hopefully, maayos siya na na-translate sa screen. I am actually nervous and excited to watch it.”

Ang Wonderful Nightmare, na huling pelikula nina Kim at Jerald bilang mga dalaga at binata, ay ipalalabas sa February 25, sa direksiyon ni RC delos Reyes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …