Monday , February 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Nathan Studios Im Perfect cast Ice Almeria

I’m Perfect cast at Ice Almeria pumirma ng kontrata sa Nathan Studios 

MATABIL
ni John Fontanilla

MADAMDAMIN at punompuno ng puso ang pahayag ni Sylvia Sanchez sa naganap na management contract signing  ng Down Syndrome cast ng 2025 Metro Manila Film Festival Best Picture, Best Ensemble, at Best Actress na pelikulang I’m Perfect sa Nathan Studios Artist Management.

Kasabay na pumirma ng I’m Perfect cast ang grand champion ng Time To Dance 2025 na si Ice Almeria na ginanap sa Salo Salo Events Place noong February 3.

Ayon sa speech ni Sylvia, “Today is a very special day for Nathan Studios and, more importantly, for our artists. Hindi lang ito contract signing—ito ay simula ng isang pangarap na sabay-sabay nating binubuo.

Sa Nathan Studios, naniniwala kami na ang talento ay walang limitasyon. Hindi ito nasusukat sa labels, kundi sa puso, sipag, at tapang na ipakita ang sarili sa mundo. These artists, our angels, our persons with down syndrome, are full of raw skills, creativity, at isang klase ng authenticity na bihirang-bihira. Totoo, buo, at galing mismo sa puso.

“Bago pa man magsimula ang pelikulang ‘I’m Perfect,’ nakikitaan na namin kayo ng potensiyal. We believed in you even before the cameras rolled—before the lights, before the applause. And recently, that belief was proven true when you made history at the Metro Manila Film Festival: Best Picture, Best Actress for Krystel Go, and Best Cast Ensemble. Isang napakalaking tagumpay—hindi lang para sa pelikula, kundi para sa bawat pangarap na pinanghawakan ninyo.

“We see your potential. We see your hard work. And most of all, we believe in you. Hindi lang bilang artists, kundi bilang individuals na may boses, kwento, at liwanag na kayang magbukas ng isip at puso ng marami.

“Maliban sa aming artists sa ‘I’mPerfect,’ ito rin ay contract signing ng nanalo sa aming dance competition na ‘Time To Dance’ sa ABS-CBN na si Ice. Although we are primarily a production company, itong contract signing namin ay paraan namin para ma-honor ang artists namin to watch them grow from one project to the next — sa showbiz man o sa labas nito.

Hindi namin ipapangako ang langit at lupa. Pero isang bagay ang sigurado… gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para samahan kayo, gabayan kayo, at tulungan kayong maabot ang inyong mga pangarap.

Ang kontratang ito ay simbolo ng tiwala—tiwala namin sa inyo, at tiwala ninyo sa amin. At sa puntong ito, nais din naming magpasalamat sa mga magulang—salamat sa walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal na siyang pundasyon ng lakas ng mga batang ito.

“Welcome to Nathan Studios. This is just the beginning and we are so, so proud to be on this journey with you.” 

Maraming plano ang Nathan Studios sa kanilang mga bagong pirmang artists ngayong 2026 at sa mga susunod pang mga taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Pokwang Maddox Jewelry Charo Cordial

Pokwang nawalan ng alahas sa taping

I-FLEXni Jun Nardo MAGKASUNDO agad ang komedyana at negosyanteng si Pokwang at Maddox Jewelry owner  na si Ms. …

Heart Evangelista Heart World Season 2

Heart walang engrandeng piging sa kaarawan sa Feb 14 

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO si Heart Evangelista na maarte siyang tao. “At least, may kinapuntahan ang pagiging …

Mentorque Barako Fest 2026

Barako Fest ng Mentorque sa Marso na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INIHAYAG ng Mentorque ang pagbabalik ng BarakoFest, isa sa pinaka-aabangang multi-experience festivals sa Southern …

Kitkat Favia

Kitkat muling nagparetoke: ayaw ma-expire

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAPANGIWI kami kung paano ang ginawang proseso sa pagpapa-botox ni Kitkat Favia. …

Nico Antonio Lala Sotto MTRCB

Bagong MTRCB Board Members nanumpa

HARD TALKni Pilar Mateo PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala …