Sunday , February 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Limang tirador ng mga solar inverter nasakote

NAARESTO ng pulisya ang limang indibiduwal kabilang ang isang babae na sangkot sa laganap na pagnanakaw sa mga solar farm sa Nueva Ecija kamakalawa, Pebrero 2, 2026.

Ayon sa ulat mula kay Police Colonel Heryl Bruno, provincial director ng Nueva Ecija PPO, bandang alas-9:00 ng umaga, natuklasan ng isang manggagawa sa solar farm sa Brgy. Puting Tubig, Gapan City, na ang isang bahagi ng bakod na alambre sa paligid ay sapilitang pinutol at ang isang naka-install na solar inverter ay nawawala.

Ang biktima na isang 24-taong-gulang na administrative staff mula sa parehong lungsod ay nag-ulat ng insidente sa Gapan City Police Station (CPS) na agad rumesponde kasama ang nagrereklamo sa pinangyarihang lugar.

Kasunod ng mga nakitang bakas malapit sa nasirang bakod, sinubaybayan at nahuli ng pulisya ang limang suspek na natagpuang may hawak at aktwal na kontrol sa ninakaw na solar inverter, na narekober mula sa sidecar ng isang tricycle na ginamit ng grupo.

Ang mga naarestong indibidwal, na may edad 19 hanggang 52, ay mga residente ng kalapit na mga barangay sa Peñaranda at Gen. Tinio, Nueva Ecija, na binubuo ng apat na lalaki at isang babae.

Ang lahat ng mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya na ngayon ng Gapan CPS, habang inihahanda ang isang kasong kriminal para sa kasong Pagnanakaw laban sa kanila. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Arrest Caloocan

Most wanted na magnanakaw sa Bulacan naaresto sa Caloocan

MATAGUMPAY na naaresto ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police, katuwang ang Bulacan 1st Provincial …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), …

Dead Rape

Siklista natagpuang patay sa Cavite memorial park

NATAGPUANG patay ang isang cyclist sa parking area ng Divine Mercy Memorial Park sa Brgy. …

Gun Fire

Mayor ng Surigao del Sur, aide sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Barobo, Surigao del Sur at kanyang close-in security detail nang paulanan …